wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 6 Pang-angkop at Pangatnig

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga katagang na, ng/-ng at –g na nag-uugnay sa magkakasunod-sunod na salita sa isang pangungusap ay tinatawag na _____.

a)

Pang-abay

b)

Pangatnig

c)

Pang-angkop

d)

Pandiwa

2.

Ang pang-angkop na _____ ay iniuugnay sa mga salitang nagtatapos sa patinig na mga letrang a, e, i, o, at u.

a)

-g

b)

ng

c)

na

d)

-ng

3.

Mahigpit ______ ipinagbabawal ang pagputol ng mga puno sa kagubatan. Pang-angkop na ____ ang nararapat sa patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

a)

-g

b)

na

c)

-ng

d)

ng

4.

Lagi nating isa-isip at isapuso ang kahalagahan ______ kalikasan sa bawat nilalang sa mundo.

a)

-g

b)

na

c)

-ng

d)

ng

5.

Ang mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag ay tinatawag na _________________.

a)

Pang-abay

b)

Pangatnig

c)

Pang-angkop

d)

Pandiwa

6.

Ang mga pang-ugnay na ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit ay mga halimbawa ng Pangatnig na ______________.

a)

Pamukod

b)

Panalungat

c)

Panlinaw

d)

Pananhi

7.

Palibhasa’y nagyayabang ka, ayan tuloy, napahiya ka! Ang pang-ugnay na may salungguhit na ginamit sa pangungusap ay pangatnig na ____________.

a)

Pamukod

b)

Panalungat

c)

Panlinaw

d)

Pananhi

8.

Ang mga pangatnig na _________ ay ginagamit upang ihiwalay, itanggi, o itakwil ang isa o ilang bagay o kaisipan.

a)

Pamukod

b)

Panalungat

c)

Panlinaw

d)

Pananhi

9.

Ang mga pang-ugnay na kung, sakali, disin sana, kapag, o pag ay mga halimbawa ng pangatnig na ______________.

a)

Pamukod

b)

Panalungat

c)

Panlinaw

d)

Panubali

10.

Umuwi siya ng maaga kaya nabigla ang kanyang ama. Ang pang-ugnay na may salungguhit na ginamit sa pangungusap ay pangatnig na ___________

a)

Pamukod

b)

Panalungat

c)

Panlinaw

d)

Panubali