wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test in ESP VI

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Pagpapahalaga sa Pilipinong Matagumpay o Hindi:

Ibinabahagi ni Wilson ang mga posts sa Facebook tungkol sa mga Pilipinong atletiko na nag-uwi ng medalya para sa bansa.

a)

Tama

b)

Hindi

2.

Pagpapahalaga sa Pilipinong Matagumpay o Hindi:

Nagbabasa si Joven ng mga magasin tungkol sa kaniyang iniidolong negosyanteng Pilipino.

a)

Tama

b)

Hindi

3.

Pagpapahalaga sa Pilipinong Matagumpay o Hindi:

Masikap na nag-eensayo ng taekwondo si Isabel upang matupad ang pangarap na mairepresenta ang bansa sa South East Asian (SEA) Games.

a)

Tama

b)

Hindi

4.

Pagpapahalaga sa Pilipinong Matagumpay o Hindi:

Hindi tumutulong si Marcus sa proyekto ng kanilang grupo tungkol sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan.

a)

Tama

b)

Hindi

5.

Pagpapahalaga sa Pilipinong Matagumpay o Hindi:

Kinaiinggitan ni Emma ang kababata niyang nanalo sa isang sikat na paligsahan sa telebisyon.

a)

Tama

b)

Hindi

6.

Pagpapahalaga sa Pilipinong Matagumpay o Hindi:

Inspirasyon ni Norman si Manny Pacquiao dahil sa sakripisyo at pagtitiyaga nito upang maiahon ang pamilya sa hirap.

a)

Tama

b)

Hindi

7.

Pagpapahalaga sa Pilipinong Matagumpay o Hindi:

Mahilig magbasa si Ray ng mga talambuhay ng mga bayaning Pilipino.

a)

Tama

b)

Hindi

8.

Pagpapahalaga sa Pilipinong Matagumpay o Hindi:

Mas kinagigiliwan ni Lorien ang mga Koreana at Amerikana kaysa sa kababayang Pilipino.

a)

Tama

b)

Hindi

9.

Pagpapahalaga sa Pilipinong Matagumpay o Hindi:

Pinamamarisan ni Nami ang kasipagan at pagkamadasalin ng kaniyang Pilipinong idolo.

a)

Tama

b)

Hindi

10.

Pagpapahalaga sa Pilipinong Matagumpay o Hindi:

Ipinagawa si Sanji sa kaniyang kapatid ang takdang-aralin na tungkol sa mga matatagumpay na Pilipino dahil wala siyang alam tungkol dito.

a)

Tama

b)

Hindi

11.

Nagpapakita ng mabuting katangian o Hindi:

Hindi iniinda ni Rossette ang kaniyang kapansanan sa paglakad upang matupad ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

a)

😊 (Oo)

b)

😔 (Hindi)

12.

Nagpapakita ng mabuting katangian o Hindi:

Bagama’t ilang beses na nalugi ang negosyo ng mag-asawang Dela Cruz, hindi pa rin sila pinanghinaan ng loob at patuloy pa ring nagpupursigi.

a)

😊 (Oo)

b)

😔 (Hindi)

13.

Nagpapakita ng mabuting katangian o Hindi:

Madalas bumili ng mga mamahaling gamit at pagkain si Joed dahil katwiran niya ay mayaman naman ang kaniyang mga magulang.

a)

😊 (Oo)

b)

😔 (Hindi)

14.

Nagpapakita ng mabuting katangian o Hindi:

Araw-araw nag-eensayo si Kaloy ng basketball nang sa gayo’y makakuha siya ng scholarship at maipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.

a)

😊 (Oo)

b)

😔 (Hindi)

15.

Nagpapakita ng mabuting katangian o Hindi:

Masikap na hinahasa ni Joaquin ang kaniyang kakayahan sa paglangoy upang makapag-uwi ng karangalan sa bansa.

a)

😊 (Oo)

b)

😔 (Hindi)

16.

Nagpapakita ng mabuting katangian o Hindi:

Ayaw matuto ni Colin ng mga gawaing bahay dahil may katulong naman ang pamilya niya.

a)

😊 (Oo)

b)

😔 (Hindi)

17.

Nagpapakita ng mabuting katangian o Hindi:

Hindi dumadalo sa pag-eensayo ng sayaw si Olivia dahil naniniwala siyang sapat na ang kaniyang kakayahan.

a)

😊 (Oo)

b)

😔 (Hindi)

18.

Nagpapakita ng mabuting katangian o Hindi:

Simula nang bumagsak si Gabriel sa kaniyang pagte-training ay tuluyan na siyang sumuko sa pangarap na maging bumbero.

a)

😊 (Oo)

b)

😔 (Hindi)

19.

Nagpapakita ng mabuting katangian o Hindi:

Pangarap ni Althea na maging isang tanyag na manunulat kaya maluwag niyang tinatanggap at pinakikinggan ang mga puna at komento tungkol sa kaniyang gawa upang mapaunlad ang kaniyang kakayahan.

a)

😊 (Oo)

b)

😔 (Hindi)

20.

Nagpapakita ng mabuting katangian o Hindi:

Matiyagang pinagsasabay ni Basilio ang pag-aaral at pagtatrabaho upang maiahon niya sa kahirapan ang kaniyang pamilya.

a)

😊 (Oo)

b)

😔 (Hindi)