Font size
WorksheetsSummative Test in Filipino VI
Total questions: 20
Worksheet time: 33mins
Proseso ng pagmamasid sa napanood na palabas, video clips o iba pang visual media.
alamat
pag-uulat
panonood
Isang prutas na mayaman sa bitamina C.
mansanas
pinya
saging
Walang pakialam sa mga gawaing bahay
tamad
pag-uulat
pakikinig
Isang pagpapahayag sa pamamagitan ng pagsasabi o pagbabalita ng iyong nalalaman.
alamat
pag-uulat
pakikinig
Panitikang nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay.
alamat
maikling kwento
tula
Opinyon o Katotohanan:
Ang Alamat ng Pinya.
Opinyon
Katotohanan
Opinyon o Katotohanan:
Nagagalit ang nanay kung hindi sumusunod sa utos ang anak.
Opinyon
Katotohanan
Opinyon o Katotohanan:
Ang batang mabait pinagpapala ng langit.
Opinyon
Katotohanan
Opinyon o Katotohanan:
Sinasabing ang mga taong may malalapad na noo ay matalino.
Opinyon
Katotohanan
Opinyon o Katotohanan:
Ang Pilipinas ay isang malayang bansa.
Opinyon
Katotohanan
Bago pa siya magluto, tinanong niya sa kaniyang nanay kung nasaan iyong sandok?” Mayamaya, bumalik uli si Pinang para magtanong kung nasaan iyong iba
pang gamit sa lutuan kahit itoy nasa tabi lang ng sandok. Wala namang problema sa paningin si Pinang, tinatamad lang siyang maghanap kung kaya’t tanong siya ng
tanong.
Ano ang hinanap ni Pinang nang huli itong makita ni Aling Rosa?
ulam
sandok
prutas
Hinanap ni Aling Rosa si Pinang pero wala siya sa
loob ng bahay siguro siya ay nasa labas at naglalaro. Wala rin si Pinang sa labas ng bahay. Pero nakita ni Aling Rosa ang tsinelas ni Pinang katabi ng kakaibang
halaman. Ang kakaibang halaman na biglang tumubo ay bilog at pahaba na parang ulo ng tao. Ito’y napapaligiran din ng maraming mata.
Ano ang tumubo sa bakuran ni Aling Rosa?
puno
halaman
bulaklak
Gusto ni Aling Rosa na lumaking masipag si Pinang kung kaya’t tinuturuan niya ito ng mga gawaing bahay, kaso minsan tinatamad si Pinang at hindi niya sinusunod ang utos ng kaniyang nanay dahil dalawa nga lang silang mag- ina. Mahal na mahal niya si Pinang, kaya minsan kahit napakatigas ng ulo, pinabayaan nalang ni Aling Rosa.
Anong ugali mayroon si Pinang?
maalaga at masipag
masunurin at maalahanin
tamad at matigas ang ulo
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at hindi rin siya makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang para magluto ng kanilang
kakainin. Pero katulad ng dati tinatamad si Pinang at ayaw niyang gumawa ng gawaing bahay. Mas gugustuhin pa niyang maglaro sa labas kaysa tulungan ang
may sakit niyang nanay. Dahil hindi makatayo si Aling Rosa, napilitang sundin ni Pinang ang utos ng kaniyang nanay na magluto ng kanilang kakainin.
Bakit napilitang sumunod si Pinang sa utos ng kaniyang ina?
Dahil masipag na si Pinang.
Dahil nagkasakit si Aling Rosa.
Dahil natatakot si Pinang sa ina.
Hindi nagtagal bumalik na naman si Pinang para magtanong kung nasaan na naman ang isang gamit sa lutuan. Hinanghina si Aling Rosa at masakit ang
kaniyang nararamdamankung kaya’t sa galit nasabi niya: “Naku! Pinang sana’y magkaroon ka ng maraming mata para lahat ng bagay makita mo at hindi kana
magtanong. At dahil nagalit ang kaniyang ina tumalikod at umalis si Pinang para hanapin ang mga tinatanong niya sa kaniyang nanay.
Bakit biglang naglaho si Pinang?
Nakikipaglaro si Pinang sa kanyang mga kaibigan
Nagalit si Pinang kaya naisipan niyang umalis ng bahay.
Naging halaman si Pinang na may maraming mata.
Sino ang pangunahing tauhan sa pinanood o binasang kwento?
Si Piping
Si Pinang
Si Aling Rosa
Ano ang ugali ni Pinang?
maalaga at masipag
mapagmahal at mabait
tamad at matigas ang ulo
Anong aral ang nakuha mo sa pinanood o binasang kwento na “Ang Alamat ng Pinya”?
Tayo ay dapat na maging suplada
Tayo ay dapat humindi sa mga utos ng magulang.
Tayo ay dapat maging masunurin, masipag at mabait na anak.
Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording at iba pang visual media upang magkaroon ng pag-unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito.
Palabas
Panonood
Pagbabasa
Ayusin ang sumusunod na mga pangyayari ayon sa pinanood o binasang kwento.
1. Nakita ang tsinilas ni Pinang katabi ang kakaibang halaman.
2. Nagluto ng kanin si Pinang ngunit iniwan at pinabayaan ito.
3. Naglaho na parang bula si Pinang.
4. Inutusan si Pinang ng kaniyang ina para magluto ng kanilang kakainin.
5. Hinanap ni Pinang ang sandok.
4-2-5-3-1
4-3-1-2-5
3-1-2-4-5
