NEW
Font size
WorksheetsREVIEWER SA ARALING PANLIPUNAN 2
Total questions: 15
Worksheet time: 30mins
Ang __________ ay binubuo ng pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na magkatulad ang kapaligiran at pisikal na kalagayan.
mundo
pamilya
komunidad
institusyon
Dito hinuhubog ang kaisipan tungo sa pag-unlad?
palaruan
paaralan
pamayanan
simbahan
Anong uri ng komunidad ang makikita sa larawan?
tabing-dagat
sakahan
kabundukan
minahan
Ang mga bata ay nagpapalipad ng saranggola kung _____________.
maulan
malamig
mahangin
maaraw
Nakakaranas ng tagtuyot at maraming halaman ang namamatay kung napakahaba at matindi ang __________.
taglamig
tag-init
tag-ulan
bagyo
Ito ay sayaw na nagmula sa Lanao at gumamit din ng kawayan.
Pandanggo sa Ilaw
Tinikling
Singkil
Cariñosa
Kilala siya sa kanyang mga myural o larawang nakapinta sa pader.
Carlos Francisco
Fernando Amorsolo
Guillermo Tolentino
Victorio Edades
Pambansang laro ng Pilipinas.
arnis
sipa
basketbol
badminton
Ang Dambana ng Kagitingan ay halimbawa ng:
estruktura
palatandaan
bantayog
sagisag
Alin ang hindi kabilang sa mga kilalang estruktura sa bansa?
Welcome Rotonda
Fort Santiago
University of Sto. Tomas
Simbahan ng Barasoain
Nangangalaga sa kalusugan ng mga kasapi ng komunidad.
kalihim
ingat-yaman
barangay health worker
sastre
Tagapaglinis ng mga kalsada at kanal sa komunidad upang maiwasan ang sakit.
bombero
kaminero
tubero
karpintero
Sino ang namumuno sa isang komunidad o barangay?
Barangay Tanod
Punong-barangay
Kagawad
SK Chairman
Nangangasiwa sa mga tala at iba pang mahalagang dokumento ng komunidad.
Punong-barangay
Kalihim ng Barangay
Ingat-yaman
Mga kagawad
Alin ang HINDI nagsasaad ng mabuting epekto ng pamumuno sa komunidad?
Nagtutulungan ang mga tao sa mga gawain.
Malinis ang paligid, walang dumi o basurang nakakalat.
Maraming mga nag-aaway na mga tambay sa kalsada.
Iba-iba man ang relihiyon, subalit may pagkakaisa at pagtutulungan ang bawat isa.
