wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

M11 Pre Test

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay kakambal ng pagtitipid.

a)

Pagsisikap

b)

Pagbibigay

c)

Pagtitiyaga

d)

Pag-iipon

2.

Ano ang pinapahiwatig ng saknong na ito: “Marami ang nagtuturing na mahirap daw itong buhay, araw-araw ay paggawa ng tila rin walang humpay; Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay nakamit kapag tao ay masikhay.”

a)

Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.

b)

Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.

c)

Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.

d)

Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.

3.

Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang

mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na

pagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon.

a)

Kasipagan

b)

Katatagan

c)

Pagsisikap

d)

Pagpupunyagi

4.

Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay Francisco Colayco maliban sa:

a)

Para sa pagreretiro

b)

Para sa mga hangarin sa buhay

c)

Para maging inspirasyon sa buhay

d)

Para sa proteksyon sa buhay

5.

Hindi dapat taglayin ng tao ang katamaran. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng kahulugan nito maliban sa:

a)

Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.

b)

Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.

c)

ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.

d)

Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.

6.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng wastong pamamahala sa naimpok?

a)

Pag-iipon upang bumili ng bagong gadgets.

b)

Pagbabadyet ng sweldo para sa buwanang gastusin.

c)

Paglalagak ng pera sa mga insurance.

d)

Paglalagak ng salapi sa mga investment companies

7.

Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa

kasipagan ang taglay ni Rony?

a)

Hindi umiiwas sa anumang gawain.

b)

Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.

c)

Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa

d)

Hindi nagrereklamo sa ginagawa.

8.

Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:

a)

Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.

b)

Ito ay pagtingin nang may kasiyahan at pagiging positibo sa isang gawain.

c)

Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa

kaniyang gawain, kapwa at lipunan.

d)

Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting

katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya, katapatan at disiplina.

9.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa paggawa ng mga gawain nang may pagmamahal?

a)

Hindi nagmamadali sa ginagawa.

b)

Mayroong pagkukusa sa mga gawain.

c)

Ibinibigay ang kanyang puso sa kanyang ginagawa.

d)

Hindi naghihintay ng anumang kapalit.

10.

Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow na The Hierarchy of Needs tungkol sa pera?

a)

Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.

b)

Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.

c)

Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kanyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap.

d)

Ang pera ay nagbibigay sa taong kasiguraduhan upang ang kanyang buhay ay maging maayos sa hinaharap.

11.

Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?

a)

maging mapagkumbaba at matutong makuntento

b)

maging mapagbigay at matutong tumulong

c)

maging maingat sa paggastos at matutong maging simple

d)

maging masipag at matutong maging matiyaga

12.

Ang isang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi umiiwas sa anumang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?

a)

Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kanyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa nang may pagkukusa.

b)

Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.

c)

Masipag na mag-aaral si Hans, sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras dito nang buong husay.

d)

Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa ito basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.

13.

Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung ang gawain ay paghahandaan ayon sa pamantayan ng motibasyon?

a)

Magiging masaya sa paggawa ng gawain.

b)

May makabuluhan ang gawain.

c)

Magiging matagumpay sa gawain.

d)

Lahat ng nabanggit

14.

Ano ang nais ipakahulugan ng linyang “Gaano man ang iyong pagdaraan na hirap sa iyong gawain ay pagsumikapan mo itong mabuti sapagkat darating ang araw na malalasap mo ang kaligayahan at tagumpay na dulot nito.”?

a)

Magsikap upang sa huli ay maging matagumpay anuman ang hirap na pagdadaanan.

b)

Lahat ng pahina ng buhay ay may kasamang paghihirap.

c)

Ang paghihirap ay nag-aanyaya ng lakas ng loob.

d)

Ang paghihirap ay maiiwasan kung magsisipag sa paggawa.

15.

Paano maipapakita ng isang mag-aaral ang pagpupunyagi?

a)

Paghahanap ng paraan upang makagawa ng proyekto sa kabila ng kahirapan.

b)

Araw-araw na pagpasok sa paaralan.

c)

Paggawa ng mga takdang aralin at pagpapasa nito sa takdang panahon.

d)

Pagkakaroon ng mabuting pakikisama sa mga kapwa mag-aaral.