wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagbasa at Pagsusuri

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang proseso ng pagtanggap at pagpapakahulugan sa mga nakakakodang impormasyon sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum.

a)

Pagsulat

b)

Pagbasa

c)

Pakikinig

d)

Panonood

2.

Tinatawag din itong "outside-in" or "data driven", nagmula sa teksto ang pagpapakahulugan patungo sa pagkatuto ng mambabasa sa pamamagitan ng yugto-yugtong pagkilala sa mga letra sa salita, sa parirala, sa pangungusap, at sa buong teksto bago pa man ang pagpapakahulugan.

a)

Bottom Up

b)

Top Down

c)

Iskema

d)

Interactive

3.

Tinatawag itong "inside-out" o "conceptually driven", nagsisimula sa mambabasa ang pag-unawa patungo sa teksto.

a)

Bottom Up

b)

Top Down

c)

Iskema

d)

Interactive

4.

Sinusukat dito ang kakayahan ng pag-unawa ng mambabasa sa pamamagitan ng makapukaw-isip na mga tanong (comprehension questions).

a)

Bottom Up

b)

Top Down

c)

Iskema

d)

Interactive

5.

Walang kahulugang taglay sa sarili ang teksto. Nagbibigay lamang ito ng direksyon sa mga mambabasa kung paano gagamitin at nabibigyang-kahulugan ang teksto mula sa dating kaalaman.

a)

Bottom Up

b)

Top Down

c)

Iskema

d)

Interactive

6.

Bahagyang pagtingin ito o pagbasa sa mga impormasyong natatagpuan habang nagbabasa.

a)

Pagsusuring Pagbasa

b)

Paaral na Pagbasa

c)

Mabilis na Pagbasa

d)

Pahapyaw na Pagbasa

7.

Ginagawa ito sa pagkuha ng mahalagang detalye o pagsasama-sama ng maliliit na kaisipan ng isang teksto.

a)

Pagsusuring Pagbasa

b)

Paaral na Pagbasa

c)

Mabilis na Pagbasa

d)

Pahapyaw na Pagbasa

8.

Mapanuring pag-iisip ang ginagawa sa ganitong uri ng pagbasa. Kalimitan itong ginagawa upang masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa mga teorya, simulain, o prinsipyong nabasa sa tekstong itinakda ng guro.

a)

Pagsusuring Pagbasa

b)

Paaral na Pagbasa

c)

Mabilis na Pagbasa

d)

Pahapyaw na Pagbasa

9.

Pinaraang pagbabasa ito na may layuning nabatid ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa isang tekstong binasa.

a)

Pagsusuring Pagbasa

b)

Paaral na Pagbasa

c)

Mabilis na Pagbasa

d)

Pahapyaw na Pagbasa

10.

Madaliang pagbabasa na ginagamit upang magkaroon ng impresyon kung dapat o di-dapat basahing mabuti ang teksto.

a)

Iskiming

b)

Iskaning

c)

Kaswal

d)

Komprehensibo

11.

Pansamantalang pagbasa ito sapagkat pampalipas-oras ang layunin ng ganitong teknik kung kaya't magaan lamang gawin.

a)

Iskiming

b)

Iskaning

c)

Kaswal

d)

Komprehensibo

12.

Hinahanap sa ganitong pagbabasa ang mga tiyak na impormasyon na madaling nagagawa sa mga tekstong maiikli, may malaking tipo ng pagkakalimbag, at pamilyar ang teksto.

a)

Iskiming

b)

Iskaning

c)

Kaswal

d)

Komprehensibo

13.

Iniisa-isa rito ang bawat detalye at inuunawa ang bawat kaisipan.

a)

Iskiming

b)

Iskaning

c)

Kaswal

d)

Komprehensibo

14.

Tinitingnan sa teknik na ito ang kawastuhan at katotohanan ng tekstong binabasa na magagamit nang personal upang maiangkop sa mga pag-uugali at maisasabuhay nang may pananagutan.

a)

Basang-tala

b)

Kritikal

c)

Iskiming

d)

Pamuling-basa

15.

Hindi nahihinto ang mga mag-aaral na dulot nito habang paulit-ulit na binabasa.

a)

Basang-tala

b)

Kritikal

c)

Pamuling-basa

d)

Iskiming

16.

Teknik ito ng pagbasa kasabay ng pagsusulat. Itinatala ang mga nasusumpungang kaisipan o ideya upang madaling makita kung sakaling kailanganin muli ang impormasying itinala.

a)

Basang-tala

b)

Pamuling-basa

c)

Kritikal

d)

Iskiming

17.

Nangangahulugan ito na ang malinaw na paningin ay malinaw na pagbasa.

a)

Prosesong Salubungan

b)

Prosesong Biswal

c)

Aktibong Proseso

d)

Sistemang Panlingguwistik

18.

Komunikasyon ito ng mambabasa at may-akda. Ito rin ang saligan ng tinatawag na reader-response theory sa pagbasa.

a)

Prosesong Salubungan

b)

Prosesong Biswal

c)

Aktibong Proseso

d)

Sistemang Lingguwistiko

19.

Isa itong prosesong pangkaisipan na kumikilos ayon sa siglang ibinibigay ng katawan, emosyon, at kakayahan na kailangan sa masiglang pagbabasa.

a)

Prosesong Salubungan

b)

Prosesong Biswal

c)

Aktibong Proseso

d)

Sistemang Panlugguwistiko

20.

Nakatutulong ang pagbasa ng sistemang pangliggwistika para maging magaan at mabisa ang paggamit ng mga nakalimbag na kaisipan ng may akda.

a)

Prosesong Salubungan

b)

Prosesong Biswal

c)

Aktibong Proseso

d)

Sistemang Panligguwistik