wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan Q3 quiz

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa panunumbalik ng sigla at buhay ng klasikal na kabihasnan ng Greece at Rome.

a)

Humanismo

b)

Rebirth

c)

Renaissance

d)

Humanidades

2.

Ang pinakamahalagang sinulat niya ang isang koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura na tinatawag na “Songbook”. Siya ang tinaguriang Ama ng Humanismo. Siya ay si

a)

Giovanni Boccacio

b)

Desiderius Erasmus

c)

Miguel de Cervantes

d)

Francesco Petrarch

3.

Sino ang tinaguriang “Prinsipe ng mga Humanista.” na may-akda ng “In Praise of Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao?

a)

Giovanni Boccacio

b)

Miguel de Cervantes

c)

Desiderius Erasmus

d)

William Shakespeare

4.

Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, na una niyang obra maestra ay ang Estatwa ni David. Siya ay si

a)

Michelangelo Bounarotti

b)

Leonardo da Vinci

c)

Raphael Santi

d)

Leonardo de Caprio

5.

Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-ayon sa kaniyang “Batas ng Universal Gravitation,” ang bawat planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog.

a)

Nicolas Copernicus

b)

Galileo Galilei

c)

Leonardo da Vinci

d)

Sir Isaac Newton

6.

Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang naitulong ng kaniyang na imbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican.

a)

Nicolas Coperniccus

b)

Leonardo da Vinci

c)

Galileo Galilei

d)

Sir Isaac Newton

7.

Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang “Huling Hapunan” (The Last Supper), na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kaniyang labindalawang disipulo.

a)

Michelangelo Bounarotti

b)

Migeul de Cervantes

c)

Leonardo da Vinci

d)

Nicollo Machiavelli

8.

isinulong ang isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral na humanistiko para sa kababaihan bago mamatay sa gulang na 30.

a)

Laura Cereta

b)

Vittoria Colonna

c)

Veronica Franco

d)

Isotta Nogarola ng Verona

9.

Pagsakop ng isang mahinang bansa sa makapangyarihang bansa.

a)

Imperyalismo

b)

Kolonyalismo

c)

Neokolonyalismo

d)

Neo-imperyalismo

10.

Ang panghihimasok, pag- impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Maaari itong tuwiran at di-tuwirang pananakop.

a)

Imperyalismo

b)

Kolonyalismo

c)

Neokolonyalismo

d)

Neo-imperyalismo

11.

Ang nabigador na lumibot sa dulo ng Africa at dahil sa malakas na bagyo, siya ay napadpad sa pook na tinawag niyang “Cape of Storms”. Ang tagumpay niya ay nagbigay- pahiwatig na talagang may daan tungo sa Silangan. Kaya pinalitan ng Hari ng Portugal ang pangalang “Cape of Storms” ng “Cape of Good Hope.”

a)

Alfonso de Albuquerque

b)

Bartolomeu Diaz

c)

Prinsipe Henry

d)

Vasco da Gama

12.

Sa pamumuno niya ay nakarating ang mga Portuguese sa Moluccas na itinuturing na "Isla ng mga Pampalasa."

a)

Alfonso de Albuquerque

b)

Bartolomeu Diaz

c)

Pedro Cabral

d)

Vasco da Gama

13.

Isang marinong Italyano na manlalakbay na naglunsad ng eksplorasyon sa tulong ni Haring Ferdinand V at Reyna Isabella I ng Espanya. Una siyang tinangihan ni Haring John II ng Portugal na gastusan ang kanyang paglalakbay. Nakarating siya sa Bahamas noong 1942 kung saan niya nakita ang mga taong may balat na kakulay ng sa mga taga-India kaya inakala niyangnakarating siya sa India.

a)

Alfonso de Albuquerque

b)

Christopher Columbus

c)

Bartolomeu Diaz

d)

Pedro Cabral

14.

Ang eksplorasyong pinangunahan niya ay itinuturing na mahalaga dahil napatunayan nitong bilog ang mundo nang makarating ito sa silangan sa pamamagitan ng paglalakbay pakanluran.

a)

Vasco Nuñez de Balboa

b)

Christopher Columbus

c)

Ferdinand Magellan

d)

Amerigo Vespuci

15.

Pinapagtuloy nito ang paglalayag ni Magellan at nagtatag ng pamayanan sa Pilipinas na napasailalim sa kapangyarihan ng Spain.

a)

Hernando Cortes

b)

Vasco Nunez de Balboa

c)

Miguel Lopez de Legazpi

d)

Ferdinand Magellan

16.

Binigyang diin niya na ang mundo ay bilog di gaya ng paniniwala noon na ito ay patag at kapag nakarating ang isang manlalakbay sa dulo nito ay posibleng mahulog siya.

a)

Nicolaus Copernicus

b)

Galileo Galilei

c)

Sir Isaac Newton

d)

Johannes Kepler

17.

Ito ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika -18 na siglo, maaari ding sabihing ito ay isang kilusang intelektuwal.

a)

Panahong Enlightenment

b)

Panahon ng Repormasyon

c)

Panahong Klasikal

d)

Ginintuang Panahon

18.

Ginamit niya ang ideya ng batas natural upang isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan.

a)

Thomas Hobbes

b)

John Locke

c)

Baron de Montesquieu

d)

Voltaire o Francois Marie Aroue

19.

Ginamit niya ang ideya ng batas natural upang isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan.

a)

Thomas Hobbes

b)

John Locke

c)

Baron de Montesquieu

d)

Voltaire o Francois Marie Aroue

20.

ito ay tumutukoy sa transpormasyon sa aspetong agrikultural at industriyal sa mga bansa sa Europa at sa Estados Unidos kung saan pinalitan ang gawaing kamay ng mga bagong imbentong makinarya.

a)

Rebolusyong Industriyal

b)

Panahong Enlightenment

c)

Neolithic revolution

d)

agricultural Revolution