NEW
Font size
WorksheetsEkonomiks 3rd Quarter quiz
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Sa mga modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, dito lumalahok Ang pamahalaan sa sistema ng pamilihan?
A. Unang Modelo
B. Ikalawang Modelo
C. Ikatlong Modelo
D. Ikaapat na Modelo
Mailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya Kung may ________________.
A. Kita at gastusin Ang pamahalaan
B. Ugnayan ang sektor ng ekonomiya
C. Kalakalan sa loob at Labas ng bansa
D. Makasama sa pandaigdigang pamilihan
Pumapasok Ang pamahalaan bilang ikatlong sektor sa modelo ng pambansang ekonomiya sa pamamagitang ng ________________.
A. Kalakalan
B. Scholarship
C. Pagbubuwis
D. Pagbibigay ayuda
Paano nakakalikom ng pondo Ang pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod?
A. Sa tulong ng electric revenue
B. Sa ambag ng financial revenue
C. Sa pamamagitan ng public revenue
D. Sa pangangasiwa ng private revenue
Ito ay ang pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para sa kanilang pangangailangan sa hinaharap.
A. Sahod
B. Insentibo
C. Allowance
D. Pag-iimpok
Paano inilalarawan ang unang modelo ng paikot na daloy ng pambansang ekonomiya?
A. Ang bahay-kalakal at sambahayan ay iisa.
B. Ang pambansang ekonomiya ay bukas
C. May dalawang aktor sa isang ekonomiya
D. Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan
Mahalagang mapataas Ang produksiyon at pagkonsumo sa isang bansa upang _______________.
A. Hindi na mangutang
B. Maging kasapi ng mayayamang bansa
C. Makasama sa pandaigdigang pamilihan
D. Lumago ang ekonomiya ng bansa
Sa ikatlong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, isinasaalang-alang ng sambahayan at bahay kalakal ang kanilang mga desisyon sa ______________.
A. Nakaraan
B. Hinaharap
C. Kita
D. Kasalukuyan
Sa ikalawang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ito ay ang pamilihan ng mga salik ng produksiyon na kinabibilangan ng pamilihan para sa kapital ng produkto, lupa at paggawa.
A. Factor Market
B. Commodity Market
C. Product Market
D. Financial Market
Sa unang modelo ng pambansang ekonomiya, paano napapalago ang ekonomiya ng sambahayan at bahay-kalakal?
A. Sa pamamagitan ng pag-iimpok
B. Sa pamamagitan ng financial market
C. Sa pamamagitan ng pagtataas ng kaukulang aktor sa kanyang produksiyon at pagkonsumo
Sa pamamagitan ng kalakalan sa iba't ibang bansa
Sumusukat kung ilang bahagdan Ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon ang _____________.
A. Nominal GNI
B. Growth Rate
C. Gross National Income
D. Real GNI
Ang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang ay tinatawag na __________.
A. Statistical Discrepancy
B. Expenditure
C. Net Operating Surplus
D. Industrial Origin
Bakit mahalagang masukat Ang performance ng ekonomiya ng bansa
A. Makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng magandang pamamalakad ng ekonomiya
B. Magiging malakas Ang bansa pagdating sa pakikipagkalakalan
C. Ito ay repleksiyon ng magandang pamumuno ng pangulo ng bansa
D. Masusukat ang kabuuang Kita ng mga dayuhan
Ang ________ ay halaga ng produksiyon sa loob at labas ng bansa sa loob ng isang taon.
A. Real GNI
B. Nominal GNI
C. Gross National Income
D. Gross Domestic Product
Tinatawag ang ____________ na Value Added Approach kung saan kinukwenta Ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya sa ating bansa.
A. Income Approach
B. Expenditure Approach
C. Economic Approach
D. Industrial Origin Approach
Kumakatawan ito sa kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng batayang taon o base year.
A. Nominal GNI
B. Real GNI o GNI at Constant Prices
C. Price Index
D. Growth Rate
Sa Income Approach, Ang tinubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at pinatatakbo ng pampamahalaan at iba pang negosyo ay tinatawag na ____________.
A. Depresasyon
B. Net Operating Surplus
C. Subsidiya
D. Primary income
Sa pamamagitang ng ___________, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya o masukat ang pambansang Kita.
National Income Accounting
Expenditure Approach
Income Approach
Growth Rate
Sa Income Approach, tinatawag na __________ Ang pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga nga pagkaluma o ng di tuloy tuloy na paggamit paglipas ng panahon.
A. Net Operating Surplus
B. Subsidiya
C. Statistical Discrepancy
D. Depresasyon
Si Mr. Yohan ay isang Japanese National, siya ay mayroong malaking negosyo sa Pilipinas. Saang Gross Domestic Product isasama Ang kaniyang kinita?
A. Japan dahil mamamayan siya nito.
B. Japan at Pilipinas dahil parehong dito nagmula Ang kanyang Kita.
C. Pilipinas dahil nandito Ang kanyang negosyo at dito siya kumikita.
D. Japan dahil soon siya nagmula.
