NEW
Font size
Worksheets4th Quarter Exam In AP 3
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Pinangungunahan ng Kongreso na binubuo ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan na ang pangunahing tungkulin ay bumuo ng mga batas para sa higit na ikabubuti ng mga mamamayan at ng bansa sa pangkalahatan.
Sangay ng Tagapaghukom
Sangay ng Tagapagbatas
Sangay ng Tagapagpaganap
Ito naman ang sangay ng pamahalaang may kapangyarihang dinggin at lutasin ang mga suliraning may kaugnayan sa pagpapatupad ng batas. Ang kapangyarihan nito ay nasa kamay ng Korte Suprema at sa Mababang Hukumang Itinatag ng batas.
Sangay ng Tagapaghukom
Sangay ng Tagapagpaganap
Sangay ng Tagapagbatas
Pinangungunahan naman ng Pangulo ng bansa kasama ang ikalawang-pangulo at kanyang gabinete na binubuo ng mga kalihim ng ibat- ibang kagawaran. Ang sangay na ito ang nagpapatupad ng mga batas sa bansa.
Sangay ng Tagapagbatas
Sangay ng Tagapaghukom
Sangay ng Tagapagpaganap
Ito ay ang kalipunan ng mga batas na ipinatutupad sa buong kapuluan. Ito ang mga batas na ginawa ng kongreso.
Pambansang Batas
Ordinansa
Batas
Mga batas na itinakda para sa mga pook na sakop ng isang barangay na gumawa nito.
Ordinansa
Kautusang Pambarangay
Pambansang Batas
Mga batas na ipinatutupad sa isang bayan, lungsod o lalawigan kung saan ito binuo.
Pambansang Batas
Kautusang Pambarangay
Ordinansya
Tumutukoy sa malaya o malasariling pamamahala ng bawat sangay ng pamahalaan. Ang bawat sangay ay walang karapatang manghimasok sa gawain ng bawat isa.
Separation of Power
Check and Balance
Pambansang Batas
Bagamat hindi maaaring makialam ang bawat isa sa isa pa, mahalaga naman na magkaisa at magkaugnay ang bawat sangay sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Ginagamit din ito upang maiwasan ang pang-aabuso sa kapangyarihan.
Separation of Power
Saligang Batas
Check and Balance
Ano ang kahulugan ng DEPED?
Department of Environment
Department of Energy
Department of Education
Isang mahaba, patag, aspaltado o sementado na ruta o daan na ginagamit sa paglalakbay ng mga sasakyang panlupa
Riles ng Tren
Kalsada
Paliparan
Ano ang pinakamahabang kalsada sa Pilipinas?
San Juanico Highway
Pan-Philippine Highway
San Juanico Bridge
Pinakamahabang tulay sa Pilipinas?
San Juanico Bridge
Maharlika Bridge
Pan-Phiiippine Bridge
Impraestrukturang itinayo upang idugtong ang dalawang lugar nang hindi isinasara ang anyong tubig, lambak, riles, o kalsada na nasa ilalim nito.
Kalsada
Tulay
Riles ng Tren
Ito ay isang institusyong kumikilos upang maisakatuparan ang lahat ng mga adhikain ng bansa at ng mamamayan.
Tungkulin
Pamahalaan
Karapatan
Mga pares ng mahahabang daang-bakal na tinatakbuhan ng mga treng naghahatid ngmga pasahero, kagamitan, at produkto patungo sa mga lugar na may estasyon hanggang dulo ng destinasyon.
Riles
Tulay
Kalsada
Ano ang pinakamatandang kompanya ng transportasyon sa riles sa Pilipinas?
Philippine Transit
Philippine National Railways
Philippine Economic Zone
Impraestruktura na binubuo ng mga landas (runways) at mga gusali para sa pag-alis, paglapag, at pananatili ng mga eroplano at iba pang sasakyang panghimpapawid.
Pantalan
Kalsada
Paliparan
Daungan ng mga barko upang magbaba at magsakay ng mga pasahero, produkto, kagamitan, at iba pang kargamento.
Paliparan
Pantalan
Riles ng Tren
Mataas na estrukturang naglalabas at sumasagap ng signal para sa radyo at telebisyon.
Mga Cell Site
Communication Tower
Estasyon ng Radyo at Telebisyon
Estrukturang itinayo upang pigilin ang daloy ng tubig mula sa ilog o batis hanggang sa maipon at tumaas ang natas nito.
Irigasyon
Power Plant
Dam
Planta ng kuryente ay pasilidad na itinayo upang makagawa ng kuryente mula sa enerhiya ng tubig (hydropower), singaw (geothermal), natural gas, at iba pa. Sa tulong ng generator, napapalitan ang enerhiya at nagagawang kuryente na ginagamit sa mga kabahayan, eskuwelahan, opisina, industriya, at iba pa.
Power Plant
Dam
Irigasyon
Ang nagdadala ng tubig sa mga taniman sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan
Power Plant
Irigasyon
Dam
Tawag sa mga bagay na likas na mayroon ang tao.
Tungkulin
Karapatan
Pakinabang
Ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.
Tungkulin
Karapatan
Paniniwala
Paano pinipili ang mga pinuno sa ating komunidad?
pinipili
binoboto
palakasan
Si Roy ay pitong (7) taong gulang. Maari na ba siyang bumoto ng nais niyang pinuno?
Hindi, dahil maari lang bumoto kung siya ay labing walong (18) taong gulang na.
Siguro, kung talagang mapilit siya.
Oo, dahil gusto niya.
Si Ana ay hindi pinayagang mag- aral. Anong karapatan niya ang hindi natugunan?
Karapatan sa edukasyon
Karapatan sa pagpili ng relihiyon
Karapatan sa proteksyon laban sa pang-aabuso
Pinaglilinis ng bahay si Iza ng walang pahinga. Anong karapatan ang nilalabag dito?
Karapatan sa edukasyon
Karapatan sa pangalan
Karapatan sa proteksyon laban sa pang-aabuso at pang-aapi
Pinapabayaan ng magulang si Ana na mag-isa sa bahay, walang sapat na pagkain at damit. Anong karapatan ang nilalabag dito?
Karapatan sa pangalan
Karapatan sa edukasyon
Karapatan sa pangangalaga ng magulang
Mahalaga bang malaman ang ating mga karapatan?
Oo, Upang maging gabay sa ating pamumuhay
Hindi, dahil hindi ito nakakatulong.
Siguro, minsan kung kanakailangan.
