WorksheetsSummative Assessment: WWI - Globalisasyon
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Sino ang pinapaslang na tagapagmana ng trono ng Austria na naging dahilan ng simula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Franz Ferdinand
Franz Magellan
Franz Philip
Franz Joseph
Aling dalawang bansa ang nagpasimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Germany at Russia
Austria at Serbia
Austria at Russia
Germany at Serbia
Ano ang tawag sa alyansa sa pagitan ng Pransya, Britanya, at Russia?
European Alliance
Triple Alliance
Triple Entente
European Union
Mga dahilan kung bakit bumuo ng alyansa ang Pransya, Britanya, at Russia, maliban sa isa.
Upang tugunan ang mga alyansa at pagpapalakas ng Alemanya
Upang magdalawang-isip ang Alemanya sa pakikidigma sa kahit isa sa kanila
Upang magkaroon ng depensa laban sa Alemanya
Upang mahati ang Europa sa dalawang panig
The Great War
European Wars
Cold War
World War 2
World War 1
Ano ang Treaty of Versailles?
Kasunduang nagpataw sa Alemanya ng multang 2,000 gold marks bilang bayad pinsala
Kasunduang nagtapos sa ikalawang digmaang pandaigdig
Kasunduang naglimita sa kabuuang laki at dami ng militar ng Alemanya
Kasunduang nagsimula sa ikalawang digmaang pandaigdig
Paano masasabing ang WWII ay epekto ng imperyalismo?
A. Nagpapalawak ng teritoryo ang Alemanya kaya’t kailangan nitong sakupin ang iba’t ibang bansa.
B. Ang Britanya ay nagpapalaki ng populasyon upang sumagupa sa digmaan.
Parehong tama ang A at B
Tama ang B
Tama ang A
Walang tama sa A at B
Ano ang dahilan kung bakit nanaig ang Allied Forces laban sa Axis Powers?
A. Hindi organisado ang pagsalakay ng Axis Powers.
B. May iisang adhikain ang mga Allied Forces – ang talunin ang Alemanya.
Parehong tama ang A at B
Tama ang B
Tama ang A
Walang tama sa A at B
Bakit dumami ang bilang ng mga bansa sa mundo matapos ng WWII?
A. Maraming kolonya sa Asya ang nagpahayag ng kasarinlan
B. Ipinagbawal ng United Nations ang pagkakaroon ng kolonya
Parehong tama ang A at B
Tama ang B
Tama ang A
Walang tama sa A at B
Paano naging super powers ang Estados Unidos at Unyong Sobyet?
Sila lamang sa lahat ng mga bansang nasangkot sa digmaan ang nakabangon agad
Nakabuo ng nuclear armaments ang dalawang bansang ito.
Nakabuo ng mas maraming teritoryo ang mga bansang ito matapos ng WWII.
Wala ng ibang bansang lalaban sa kanila.
Paano nakatulong ang space race sa pagitan ng Estados Unidos at Unyong Sobyet sa pag-unlad ng daigdig?
Dahil sa kanilang tunggalian, napatunayan na kayang makarating ng tao sa kalawakan.
Dahil sa paligsahan sa space race, napag-aralan ang kalawakan, mas naging moderno ang mga teknolohiya, at lumawak ang kaalaman tungkol sa agham.
Dahil sa paligsahan, napatunayan sa daigdig na mas magaling sa larangan ng pananaliksik at teknolohiya ang Estados Unidos.
Dahil napalitan ang tradisyunal na pananaw nang maka-agham na kaalaman tungkol sa kalawakan, naging mas matalino ang mga tao.
Anong aspekto ng bansa ang naaapektuhan ng neokolonyalismo kung ito ay tinutulungan ng mga kumpanyang dayuhan?
pamahalaan
edukasyon
militar
ekonomiya
Ano ang tawag sa hindi tuwirang pananakop ng makapangyarihang bansa sa mga papaunlad na bansa?
neokolonyalismo
imperyalismo
komunismo
kolonyalismo
Anong aspekto ng globalisasyon ang nakatutulong sa pagpapaunlad ng komunikasyon at transportasyon?
ekonomiya
pulitika
sambayanan
karatig-bansa
Ano ang naging batayan ng pang-ekonomiya at pampulitikang desisyon ng mga bansa?
sistema
batas
pamahalaan
ideolohiya
Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan kung bakit sumuko ang Hapon matapos silang bombahin ng bomba atomika ng Estados Unidos?
Nagdulot ng maraming kamatayan sa bansang Hapon ang pambobomba
Lubhang nalumpo ang kanilang puwersa
Walang sariling bomba ang bansang Hapon.
Nalagay sa panganib ang seguridad ng buong bansa
Anong organisasyon ang binuo ng mga Allied Forces noong kasagsagan ng WWII na siya nang namamahala sa pagsiguro ng kapayapaang pandaigdig?
ASEAN
League of Nations
UNESCO
European Union
Alin sa mga sumusunod na mga bansa ang kabilang sa UN Security Council?
France
United States of America
China
Lahat ng nabanggit
Bakit importanteng magkaroon ng kapayapaang pandaigdig?
Upang maging maligaya, maayos, tahimik, at may pag-unlad ang buhay ng mga mamamayan sa mundo.
Upang mas umunlad ang modernisasyon at globalisasyon
Upang magkaroon ng pagbabago sa lipunan ng mundo
Lahat ng nabanggit
Karamihan sa mga kasunduang nabuo pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay itinuring ng mga Central Powers na hindi makatarungan, batay sa karapatan ng mga malayang bansa sa pagsasarili. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Hindi pumirma ang mga Central Powers sa kasunduan dahil hindi ito patas.
Hindi kapakipakinabang sa mga Central Powers ang mga kasunduang nabuo.
Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, hindi na kinilala bilang mga malayang bansa ang mga Central Powers.
Ang mga kasunduan ay naglagay ng limitasyon sa ilang mga kapangyarihan ng mga Central Powers bilang bansa.
