NEW
Font size
WorksheetsIkapitong Lagumang Pagsusulit sa AP 3
Total questions: 30
Worksheet time: 2hrs 30mins
Ito ay natatanging church organ sa Las Piñas na karamihan sa mga pipa (pipes) ay gawa sa kawayan.
Bamboo Organ
Kudyapi
Kulintang
Ano ang tawag sa pagdiriwang kung saan tampok ang pagtugtog ng mga kilalang komposisyon gamit ang organ na gawa sa kawayan?
International Bamboo Organ Cultural Festival
International Bamboo Flute Festival
International Bamboo Organ Festival
Mayroong malaking rebolto ng Birheng Maria sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) at Ortigas Avenue sa Quezon City. Bakit ipinatayo ito?
Simbolo ito ng kaarawan ng Birheng Maria.
Sinasabing tinulungan ng Birheng Maria ang mapayapang pagpapatalsik sa dating pangulong Ferdinand Marcos.
Dahil marami ang mga nanampalataya kay Birheng Maria sa lugar na ito.
Saan ipinagdiriwang ang Sinugdan Festival?
Samar
Bacolod
Southern Leyte
Bakit makasaysayan ang Samar Obelisk?
Ito ay nagpapaalala sa apat na mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Samar.
Ito ang naging daungan ni Heneral Douglas McArthur.
Dito napatay si Magellan.
Bakit isinasagawa ang Sinugdan Festival?
Bilang pagdiriwang sa magandang ani sa Leyte.
Upang pasalamatan ang mga bayaning nakipaglaban sa mga Espanyol.
Bilang paggunita sa pagdating ng mga Espanyol sa kanilang lalawigan.
Ang mga eskulturang ito ay itinayo upang markahan ang lugar kung saan dumaong sina Hen. Douglas McArthur sa kanyang pagbabalik sa bansa.
People Power Monument
Leyte Landing Memorial Park
Samar Obelisk
Bakit naging inspirasyon ang 1986 EDSA People Power Revolution sa mga mamamayan ng ibang bansa? Dahil _____.
Nagtagumpay ang mga Pilipino na makamit nito ang pagbabago sa mapayapang paraan.
Dito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas.
Marami ang nasawi sa labanang ito.
Sinong Amerikanong heneral ang nangakong tutulungan ang Pilipinas na labanan ang mga Hapones?
Heneral Luna
Douglas McArthur
Aguinaldo
Alin ang hindi kabilang sa apat na mahahalagang pangyayari sa kasaysayan na naging dahilan sa pagpatayo ng Obelisk?
Ang pagdating ng mga misyonero noong 1596.
Ang labanan sa Blangiga kung saan natalo ang mga Amerikano.
Ang rebolusyon ng mga Pilipino upang mapatalsik ang pangulo.
Bakit malaki ang pasasalamat ng mga Pilipino kay Heneral McArthur?
Tinulungan niya ang mga Pilipinong labanan ang mga Espanyol.
Napagtagumpayan niya kasama ang mga Pilipino na mapaalis ang mga Hapones.
Napatalsik niya ang mga Espanyol sa Maynila.
Sino ang naglilok at gumawa ng People Power Monument?
Eduardo Castrillo
Carlos Francisco
Jose Blanco
Alin sa sumusunod ang makasaysayang pook na matatagpuan sa Leyte?
Landing Memorial
People Power
Obelisk
Saan isinagawa ang unang misa sa Pilipinas?
Cebu
Limasawa
Davao
Sa anong rehiyon tampok ang International Bamboo Organ Festival?
NCR
Silangang Visayas
CAR
Ang ______ o mahahalagang pangyayari noong unang panahon ay nakaragdag sa pagkakakilanlang kultural ng rehiyon.
kultura
kasaysayan
heograpiya
Kailan dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas?
Marso 15, 1521
Hunyo 16, 1521
Hulyo 1, 1521
Alin sa sumusunod ang makasaysayang pook na makikita sa National Capital Region?
People Power Monument
Leyte Landing Memorial
Samar Obelisk
Sino ang nag-alsa laban sa mga Espanyol noong 1649?
Eduardo Castrillo
Douglas McArthur
Agustin Sumuroy
Sa anong rehiyon ipinagdiriwang ang Sinugdan Festival?
NCR
Silangang Visayas
Cordillera Administrative Region
Panuto: Piliin ang TAMA kung ang sumusunod na pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi.
Karamihan sa pipa ng Bamboo Organ ay gawa sa bakal.
TAMA
MALI
Naganap noong 1987 ang EDSA People Power Revolution.
TAMA
MALI
Makikita sa gitnang bahagi ng obelisk ang mga lilok na
naglalarawan ng kasaysayan ng lalawigan ng Samar.
TAMA
MALI
Ang McArthur Landing Memorial National Park ay matatagpuan sa Leyte.
TAMA
MALI
Makasaysayan ang People Power Monument dahil naganap dito ang EDSA Revolution.
TAMA
MALI
Pinapasalamatan ng mga Pilipino si Heneral Douglas McArthur dahil sa pagtulong niya laban sa mga Hapones.
TAMA
MALI
Sinasabing ang Birheng Maria ang nag-utos sa mga tao na mag-alsa laban sa pangulo.
TAMA
MALI
Maaaring gumawa ng mga pagdiriwang (festivals) tungkol sa mga makasaysayang pangyayari.
TAMA
MALI
Mapapanood ang iba’t ibang tanghalan sa NCR (National Capital Region) tungkol sa mahahalagang pangyayari o tao sa kasaysayan ng rehiyon.
TAMA
MALI
Salik ang kasaysayan sa pagkakakilanlang kultural ng lalawigan at rehiyon.
TAMA
MALI
