WorksheetsG2-4th Q. Exam - Filipino
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Ano ito na tumutukoy sa mga pangyayaring may batayan at tiyak?
opinyon
haka-haka
katotohanan
Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng salitang malinamnam?
masarap
tulog na tulog
nag-aalaga
Ano ito na tumutukoy sa palagay o hula tungkol sa kalalabasan ng pangyayari?
ideya
hinuha
katotohanan
Ano ang kalalabasan ng pangyayaring ito:
Natanaw ni Kevin ang dumarating na titser. Marami iyong dalang gamit.
Lalapit siya sa kanyang tister para tumulong.
Lilipat siya ng daan para hindi niya masalubong ang kaniyang titser.
Tatakbo siya ng mabilis palayo sa kanyang titser.
Base sa kuwento na Pilipinas... Saan Nagmula, saan nagmula ang salitang "Pilipinas"?
pulong lupa
piling palayan
piling palanas
Ano ang kasalungat ng salitang sagana?
marami
kulang
sobra
Alin sa mga sumusunod ang magkatulad na pantig ang mayroon ang mga sumusunod na salita?
humupa
nagpadala
panahon
na
pa
ho
Ano ito na tumutukoy sa kuwentong nagpasalin-salin mula pa noon, ito ay ang tawag sa pinaniniwalang pinagmulan ng isang bagay, hayop o lugar?
pabula
pangungusap
alamat
Alin sa mga sumusunod ang tawag sa mga salitang naglalarawan?
pang-uri
pangngalan
pandiwa
Alin sa mga sumusunod na larawan ang panday?
Ano ang kahulugan ng salitang hiyaw?
iyak
sigaw
yakap
Ano ito na tumutukoy sa ano mang direksiyon at tagubilin sa paggawa ng isang gawain?
ideya
utos
panuto
Alin sa mga sumusunod ang panuto?
Malakas kasi ang ulan.
Matutulog na ako.
Gumuhit ng bituin sa gitna ng kahon at kulayan ito.
Ano ang kahulugan ng salitang nahihimbing?
sumasayaw
nagsasaya
tulog na tulog
Ano ito na isang paraan ng pagpapaikli ng salita?
pagkakaltas
pagdaragdag
pagkukumpuni
Alin sa mga sumusunod ang tamang pinaikling anyo ng salitang mahalin at igalang?
mahalu't igalang
mahalin mo at igalang
mahali't igalang
Alin sa mga sumusunod ang katotohanan?
Si Adda ang pinakamaganda sa lahat ng babae.
Si Maja ang pinakamagaling sumayaw sa buong mundo.
Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan.
Ano ang kahulugan ng salitang palihim?
patago
kitang kita
malaya
Ano ang tawag sa bagay na nasa larawan?
banig
palayok
pala
Ano kasingkahulugan ng salitang nagwagi?
nanalo
natalo
nandaya
Ano ito na tumutukoy sa pala-palagay lamang ng isa o iilang tao?
katotohanan
alamat
opinyon
Alin sa mga sumusunod ang kasalungat ng salitang sumikat?
magliwanag
lumubog
lumitaw
Alin sa mga sumusunod ang magkatulad na pantig ang mayroon ang mga sumusunod na salita?
paligid
likas
pumili
li
pa
mi
Alin sa mga susumunod na salita ang pang-uri?
kumakanta
mabango
magmamahal
Ano ito na nagsasabi ng dami o bilang ng mga pangngalan?
pandiwa
pang-abay
pamilang
Alin sa mga sumusunod ang pamilang na tambilang?
10
sampu
X
Base sa larawan pang ilan ang pusa?
panlima
pang-anim
pang-apat
Ano ang tamang tambilang ng salitang bilang na dalawampu't isa?
112
12
21
Alin sa mga sumusunod ang salitang pinagsama ng salitang wika'y?
wika mo ay
wika ko ay
wika ay
Ano ang pang-uri sa pangungusap?
Ang anak niya ay sadyang malambing.
anak
sadya
malambing
Ano ang kasalungat ng salitang kapatagan?
kabundukan
palayan
karagatan
Alin sa mga sumusunod ang magkatulad na pantig ang mayroon ang mga sumusunod na salita?
luntian
mabuti
tirahan
han
ra
ti
Ano ito na tawag sa kuwentong kathang isip lamang o hindi totoo, kinatha ito upang magturo ng magandang asal?
pabula
panuto
alamat
Ano ang tawag sa bagay na nasa larawan?
banig
tuka
pala
Alin sa mga sumusunod ang salitang pinagsama ng salitang mayama't mahirap?
mayayaman at mahihirap
mayabang at mahirap
mayaman at mahirap
Anong uri ng kuwento binibigyang kapangyarihan ang mga hayop o bagay na magsalita at mag-isip na parang tao?
padula
alamat
pabula
Alin sa mga sumusunod na larawan ang pala?
Ano ang kahulugan ng salitang kaabay?
kaaway
katabi
kapatid
Alin sa mga sumusunod ang opinyon?
Ang isang anak ay may tatay at nanay.
Ang pamilya ay binubuo ng tatay, nanay at anak.
Mas masarap na kapatid ang babae kaysa sa lalaki.
Base sa larawan pang ilan ang aso?
una
pangngatlo
pangalawa
