wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit

Total questions: 20

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ang tekstong ito ay naglalayong makapagsasalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya.

(a)  

2.

Si Gracielle ay bumuo ng isang teksto na ang katunggaling tauhan ay si Ruben. Sa unang bahagi ng teksto, inilarawan ang tauhang binanggit bilang isang mayabang at mapang-api at nanatili ang ganitong katangian ni Ruben hanggang sa huling bahagi ng teksto. Anong uri ng tauhan si Ruben?

(a)  

3.

Ito ay isa sa mga elemento ng tekstong naratibo na naglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto.

(a)  

4.

Ito ay isa sa bumubuo ng banghay na naglalaman ng pagpapakilala sa tauhang maaaring dahilan ng suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan.

(a)  

5.

Ito ay tumutukoy sa hindi pagsunod sa kumbensiyal na pagbuo ng tekstong naratibo.

(a)  

6.

Uri ng paglalahad ng mga pangyayari na kung saan ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.

(a)  

7.

Sa tekstong sinulat ni John, ipinapakita na si Junie na isa sa mga tauhan sa teksto ay may kakayahang makita ang hinaharap at ang teksto ay nagsimula sa pamamagitan ng paglalahad ng mga pangyayaring magaganap sa hinaharap. Anong uri ng paglalahad ang ginamit ng may-akda?

(a)  

8.

Si Bunny ay isa mga kilalang manunulat. Sa mga tekstong kanyang isinusulat mapapansin na na ang sentral na ideya ay umiikot sa pamilya at pagkakaibigan. Anong elemento ng teksting naratibo ang nakapaloob sa pahayag?

(a)  

9.

Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang pangyayari.

(a)  

10.

Si Levie ay isa sa mga tauhan ng kuwentong aking binasa. Siya ang isa sa mga tauhan na dahilan kung bakit nasasaktan ang pamilya na sentro ng teksto. Anong uri ng tauhan si Levie?

(a)  

11.

Siya ang tauhang kasangga ng pangunahing tauhan.

(a)  

12.

Si Anna ay isa sa magkakapatid na nag-aaral nang mabuti upang makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Anong elemento ng tekstong naratibo ang nakapaloob sa pahayag?

(a)  

13.

Si Anna ay isa sa magkakapatid na nag-aaral nang mabuti upang makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Anong paraan ang ginamit sa paglalahad ng tauhan sa kuwento?

(a)  

14.

Nakagawian na ni Gabby ang mag-abot ng tulong sa kanyang pamilya maging sa mga nangangailangan kapag natatanggap niya ang kanyang sahod sa kabila na walang tumutulong sa kanya kapag siya ay nangangailangan. Anong uri ng paglalahad ng tauhan ang nakapaloob sa pahayag?

(a)  

15.

Nakagawian na ni Gabby ang mag-abot ng tulong sa kanyang pamilya maging sa mga nangangailangan kapag natatanggap niya ang kanyang sahod sa kabila na walang tumutulong sa kanya kapag siya ay nangangailangan. Anong uri ng paglalahad ng tauhan ang nakapaloob sa pahayag?

(a)  

16.

"Lourdes, umuwi na ba ang iyong kapatid?" tanong ni Aling Bebang. Anong paraan ng pagpapahayag ang ginamit?

(a)  

17.

Nagmamadaling umalis si Rammy sa kanilang tahanan at ibinilin sa kanyang ina ang pasalubong na ibibigay sa kanyang ama. Anong paraan ng pagpapahayag ang ginamit sa pahayag?

(a)  

18.

Uri ng panauhan na nagpapabatid ng iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.

(a)  

19.

Uri ng pananaw na gumagamit ng panghalip na ka o ikaw.

(a)  

20.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa tekstong naratibo?

a)

Maaaring mula sa epiko, dula, maikling kuwento lamang.

b)

Ito ay nagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral at mga pagpapahalagang pangkatauhan.

c)

Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari nang hindi maayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.