wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FOURTH QUARTER EXAM - AP 10

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Ang West Philippine Sea / South China Sea ay napakahalagang daanan ng mga barkong nagdadala ng kalakal mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Anong dahilan ng suliraning teritoryal ang tinutukoy nito?

a)

Di - tiyak na hangganan

b)

Estratehikong kahalagahan

c)

Suliranin ng kakapusan

d)

Kultura, kasaysayan at mga paniniwala

2.

Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtatalo sa teritoryo sa kasalukuyang panahon ay kung mayroong mahalagang mineral o langis na matatagpuan dito. Alin sa mga dahilan ng suliraning teritoryal ang tumutukoy dito?

a)

Suliranin sa kakapusan

b)

Estratehikong kahalagahan

c)

Di-tiyak na hangganan

d)

Kultura, kasaysayan at mga paniniwala

3.

Mahigit 100 taon ang pagtatalo ng Thailand at Cambodia sa pagmamay-ari ng teritoryo sa Dangrek Mountains sa paniniwalang mga ninuno nila ang nagtayo ng templong ito.

a)

Angkor Wat

b)

Bayon Temple

c)

Preah Vihear

d)

Preah Khan Temple

HIDE ANSWER

4.

Anong isla ang pinag-aagawan ng Tsina at Vietnam na humantong sa pagpapasara ng Vietnam sa mga establisimientong pag-aari ng mga Tsino sa Vietnam at pagpapa-uwi ng Tsina sa kanyang mga tao?

a)

Paracel Island

b)

Penguin Island

c)

Pattys Island

d)

Pag-asa Island

5.

Saang pulo sa West Philippine Sea nakaistasyon ang mga sundalo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas upang magmatyag sa mga pangyayari sa lugar upang agad tumugon kung sakaling may magaganap na kaguluhan.

a)

Pag-asa Island

b)

Philippine Rise island

c)

Turtle island

d)

Talim island

6.

Ang mapang ito ang hawak ng Pilipinas na nagpapatunay na ang Spratlys ay bahagi ng Pilipinas.

a)

Murillo Velarde map

b)

Amarillo Velarde map

c)

Mansito Velarde map

d)

Maniago Velarde map

7.

Alin sa mga sumusunod na bansang umaangkin sa Spratly Islands ang kauna-unahang oil operator sa naturang mga isla?

a)

Brunei

b)

Vietnam

c)

Malaysia

d)

China

8.

May karapatan ang isang estado na galugarin, pangalagaan, at gamitin ang mga likas na yamang sinasakop nito.

a)

Kasaysayan ng Bansa

b)

Saligang Batas

c)

Doktinang Pagkapuluan

d)

Hangganan ng Bansa

9.

Saang rehiyon ng Asya nabibilang ang Pilipinas?

a)

Hilagang Asya

b)

Timog Asya

c)

Silangang Asya

d)

Timog-Silangang Asya

10.

Ang hukbong pandagat na sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ngangalaga sa karagatan ng PIlipinas

a)

Armed Forces of the Philippines

b)

Philippine Air Force

c)

Philippine Army

d)

Philippine Navy

11.

Sandatahang Lakas ng bansa na nangangalaga sa himapapawirin ng Pilipinas

a)

Armed Forces of the Philippines

b)

Philippine Air Force

c)

Philippine Army

d)

Philippine Navy

12.

Sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na nagtatangol sa bansa sa oras ng digmaan

a)

Armed Forces of the Philippines

b)

Philippine Air Force

c)

Philippine Army

d)

Philippine Navy

13.

Sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na nangangalaga sa kaligtasan ng mga mamamayan at kapayapaan ng bansa

a)

Armed Forces of the Philippines

b)

Philippine Air Force

c)

Philippine National Police

d)

Philippine Army

14.

May katungkulang ipagtanggol ang ating bansa at nangangalaga sa mga mamayan sa anomang pwersang magdudulot ng kaguluhan at panganib.

a)

Armed Forces of the Philippines

b)

Philippine Army

c)

Philippine National Police

d)

Philippine Air Force

15.

Tumutukoy sa kalupaan ng mga pulo at lahat ng matatagpuan dito, pati na rin ang mga katubigan at lalim nito.

a)

Kalawakan o Himpapawid

b)

Kalapagang Insular

c)

Panloob na Katubigan

d)

Kailaliman ng Lupa

16.

Bahagi pa rin ng teritoryo ng Pilipinas. Ito ay walang takdang lalim o hangganan.

a)

Panloob na Katubigan

b)

Kailaliman ng Lupa

c)

Kalapagang Insular

d)

Himpapawirin

17.

Isang pamilya ng mga politiko na namamahala sa isang lugar at naipapasa sa kanilang kapamilya ang katungkulang ginagampanan sa pamahalaan

a)

Political Ambiance

b)

Political Family

c)

Political Dynasty

d)

Political Friends

18.

Ang ______________ ng iilang pamilya na nakakatakbo, nananalo at nauupo sa poder ng pamahalaan ang may hawak ng kinabukasan ng bayan.

a)

Monopolyo

b)

Dinastiya

c)

Aristokrasya

d)

Pwersa

19.

Ang salitang ito ay nangangahulugang pamumuno o pampolitika at pang-ekonomiyang kapangyarihang namamana o naipapasa sa loob lamang ng isang pamilya.

a)

Dinastiya

b)

Demokrasya

c)

Abogasya

d)

Martial Law

20.

Ang tawag sa 'susunod sa linya’ ng pamumuno sa kaharian o imperyo.

a)

Successor

b)

Operator

c)

Motivator

d)

Warrior

21.

Ang tawag sa mga lugar na may direkta at malawak na Kapangyarihan.

a)

Baluwarte

b)

Kampo

c)

Tribu

d)

Partido

22.

Ito ang karapatan na may kinalaman sa karapatang pumili ng lider ng pamahalaan.

a)

Suffrage

b)

Expression

c)

Religion

d)

Citizenship

23.

Sino ang kilalang pamilya ng POLITIKO sa lalawigan ng Cavite?

a)

Singson

b)

Remulla

c)

Marcos

d)

Aquino

24.

Sino ang kilalang pamilya ng POLITIKO sa lalawigan ng Davao?

a)

Duterte

b)

Marcos

c)

Binay

d)

Aquino

25.

Sino ang kilalang pamilya ng POLITIKO sa lalawigan ng Ilocos Norte?

a)

Aquino

b)

Marcos

c)

Duterte

d)

Binay

26.

Sino ang kilalang pamilya ng POLITIKO sa lalawigan ng Ilocos Sur?

a)

Singson

b)

Remulla

c)

Laurel

d)

Enrile

27.

Sino ang kilalang pamilya ng POLITIKO sa siyudad ng Makati?

a)

Binay

b)

Remulla

c)

Revilla

d)

Sotto

28.

Alin sa mga sumusunod na dahilan ng pagpapanatili ng mga political dynasty ang tinutukoy ng pangungusap.

" May kakayahang gumastos ng malaki sa halalan ".

a)

Kayamanan

b)

Kahusayan

c)

Katanyagan

d)

Katalinuhan

29.

Sa sistemang ito, inilipat ang mga populasyon sa ilalim ng isang sentralisadong pamahalaan noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.

a)

reclusyon

b)

recession

c)

reduccion

d)

reclamasyon

30.

Ito ang batas ng Pilipinas na atinatawag ding " anti-dynasty law".

a)

Artikulo 1 ng 1987 Konstitu9syon ng Republika ng Pilipinas

b)

Artikulo 2, Seksyon 26 ng a987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas

c)

Republic Act No. 3019

d)

Executive Order No. 62

31.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa solusyon sa suliranin ng political dynasty?

a)

Alamin ang plataporma ng politiko

b)

Alamin ang kaugalian ng politko

c)

Tingnan ang mga nagawa nito sa mababang puwesto

d)

Tumanaw ng utang na loob sa mga politiko

32.

Alin sa mga sumusunod ang masosolusyunan upang maiwasan ang pagnanatili ng mga political dynasty?

" Gamit ang mga smartphone, tablet, kompyuter at internet, at traditional media, nagiging mabilis ang pagsiwalat ng katiwalian sa pamahalaan".

a)

patronage politics

b)

kakulangan sa mapanuring pag-iisip

c)

limitadong pagkakataong makakalap ng impormasyon

d)

lahat ng mga nabanggit

33.

Ito ang naging stepping stones ng mga artista upang maihalal sa posisyon sa pamahalaan.

a)

kayamanan

b)

katanyagan

c)

kahusayan

d)

katalinuhan

34.

Ito ang pagkuha ng pera o posisyon sa paraang taliwas sa batas, madaua at kuwestiyonable.

a)

graft

b)

korupsyon

c)

political dynasty

d)

political will

35.

Ito ang intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kaniyang kawalan ng integridad o prinsipyo.

a)

graft

b)

korupsyon

c)

political dynasty

d)

political will

36.

Ito ay nagmula sa salitang Latin na nangangahulugan na masira, mabulok o mabahiran ng dumi. Sa pamahalaan, ito ay intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin o obligasyon ng isang namumuno na magbubunga ng kanyang kawalan ng integridad.

a)

Graft

b)

Corruption

c)

Snatching

d)

Swindling

37.

Ito ay isang paraan ng paghingi ng pera sa sapilitang paraan, na itinuturing na krimen sa ating lipunan.

a)

Extortion

b)

Swindling

c)

Smuggling

d)

Cheating

38.

Ito ang hindi pagbabayad ng buwis o pagdeklara ng tamang kita na basehan ng buwis.

a)

Tax evasion

b)

Tax exemption

c)

Tax refund

d)

Tax exclusion

39.

Ito ang mga proyekto ng pamahalaan na inihihingi ng pondo o badyet, subalit hindi ito totoo.

a)

ghost busting

b)

ghost hunting

c)

ghost projects

d)

ghost employees

40.

Ang korapsyon sa Pilipinas ay nagmula pa sa panahon ng mga:

a)

Amerikano

b)

Kastila

c)

Hapon

d)

Panahon ngayon

41.

Ito ang ahensiya ng pamahalaan na responsible at maigting na nangangampanya sa pagbubuwis sa bansa.

a)

DTI ( Department of Trade and Industries )

b)

DAR ( Department of Agrarian Reform )

c)

BOC ( Bureau of Customs )

d)

BIR ( Bureau of Internal Revenue )

42.

Ang tanggapang ito ay mayroong hurisdiksyon sa mga kasong criminal at sibil na kinasasangkutan ng graft and corruption.

a)

Supreme Court

b)

Court of Appeals

c)

Sandiganbayan

d)

Ombudsman

43.

Tungkulin nito na magtatag ng isang serbisyong karera at magtaguyod ng moral, kaigihan, integridad, pagtugon, pagsulong at kagandahang loob sa serbisyong sibil.

a)

Commission on Elections

b)

Civil Service Commission

c)

Commission on Audit

d)

Commission on Human Rights

44.

Ito ay isang dokumento na isinusumite taon-taon ng mga nakaupo sa gobyerno .

a)

SALN ( Statement of Assets Liabilities and Networth )

b)

SALN ( Statement of Assets Liabilities and Netgain )

c)

SALN ( Statement of Assets Liabilities and Network )

d)

SALN ( Statement of Assets Liabilities and Networld )

45.

Ito ay isang hukumang anti-graft sa Pilipinas na may hurisdiksyon sa mga kasong sibil at krminal ng mga empleyado at opisyal ng pamahalaan.

a)

Office of the Ombudsman

b)

Office of the Civil Service

c)

Office of the Commission on Audit

d)

Office of the Sadiganbayan

46.

Ito ay ang pagpapabor o pagkiling sa isang kamag-anak na ihalal sa isang posisyon ng kapangyarihan.

a)

Tax evasion

b)

Nepotismo

c)

Graft

d)

Corruption

47.

Ito ay pagbubukas sa publiko ng pagkakataong makakuha ng kontrata mula sa pamahalaan ukol sa paggawa ng proyekto o pagbili nito ng mga gamit.

a)

Red Tape

b)

Bid Rigging

c)

Kickback

d)

Public Bidding

48.

Ito ay isang anti-competitive agreement kung saan ang mga pribadong kumpanyang tumutugon sa alok ng pamahalaan na mag bid ay nagkakasundo sa mga presyong kanilang itutugon , sa halip na mag sumite ng kani-kanilang tugon.

a)

Public Bidding

b)

Bid Rigging

c)

Red Tape

d)

Kickback

49.

Ito ay isang sistema na parte ng ating Konstitusyon na ginagarantiya na walang parte ng pamahalaan ang magiging mas malakas kumpara sa iba.

a)

Check and balance

b)

Check point

c)

Check mate

d)

Check listing

50.

Siya ang mayor ng Pasig na nakatipid ng halos P415 milyong sa loob lamang ng isang taon dahilan sa malinis na paraan ng transaksyon sa pagbili ng mga kailangan ng kanyang nasasakupan

a)

Mayor Vico Sotto

b)

Mayor Valmar Sotto

c)

Mayor Marvic Sotto

d)

Mayor Tito Sotto