Font size
WorksheetsAP 5 - IKAAPAT NA MARKAHAN - SUMMATIVE TEST
Total questions: 60
Worksheet time: 3570secs
Sa pagdating ng mga Espanyol ay nagpakilala sila ng sari-saring lutuing Espanyol, alin sa mga nabanggit ang HINDI kabilang dito?
afritada
mechado
spaghetti
caldereta
Ang mga sumusunod ay mga apelyidong Espanyol, piliin ang hindi kabilang sa pangkat.
dela Cruz
Smith
Santiago
Fernandez
Ano ang unang aklat na inilimbag sa Pilipinas?
Noli Me Tangere
Fray Botod
El Filibusterismo
Doctrina Christiana
Ano ang naging patakaran ng sapilitang paggawa sa pagtatatag ng kolonyang espanyol sa bansa?
Lahat ng mga lalaking naninirahan sa kolonya, may edad na 16-60 ay kailangang magtrabaho nang walang bayad sa loob ng 40 araw
Lahat ng mga lalaking naninirahan sa kolonya ay babayaran ng 10 reales kada araw sa kanilang trabaho
Lahat ng mga lalaking naninirahan sa kolonya ay bibigyan ng sariling lupang sakahan kapalit ng paggawa nila nang libre sa pamahalaan
Lahat ng mga lalaking naninirahan sa kolonya ay magkakaroon ng sariling tahanan sa loob ng publo nang libre
Ano ang kaugnayan ng falla sa polo y servicio?
Inabuso ng mga opisyal ng pamahalaan ang sistema ng transportasyon at komunikasyon.
Ang polo y servicio ay tatagal lamang ng 40 araw na sapilitang pagtratrabaho.
Hindi malinaw ang kaugnayan ng falla sa polo y servicio bilang isang patakarang pang-ekonomiko.
Ang falla ang ibinabayad sa pamahalaan upang makalibre sa paglilingkod ang isang polista sa sapilitang paggawa.
Bakit Mexico ang kasali sa Kalakalang Galyon?
Paboritong bansa ng Spain
Mayamang bansa ito
Kolonya din ito ng Spain
Malapit sa Hari ng Spain ang pinuno nito
Sapilitang pagtitinda ng mga ani, produkto at kalakal sa pamahalaan noong panahon ng panankop ng Espanya sa Pilipinas. Ang kaukulang dami at kalidad ng mga produktong sisingilin sa bawat pueblo o bayan ay itinatakda ng pamahalaan.
Sistemang Kasamá
Bandala
Monopolyo ng Tabako
Kalakalang Galyon
Ito ay maliit na dokumentong naglalaman ng pangalan, lugar ng tirahan at ang buwis na iyong binabayaran. Ano ang tawag dito?
visita
bandala
cedula
falla
Ang mga katutubo ay sapilitang pinalipat ng matitirahan upang maging mas mabilis ang pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubo. Ngunit dahil sa reduccion, may mga katutubong bumalik sa kanilang orihinal na tahanan. Bakit kaya sila bumalik?
Bumalik sila dahil hindi maganda ang buhay sa plaza.
Bumalik sila dahil ayaw nila sa bahay na ginawa ng Espanyol.
Bumalik sila dahil hindi sila sanay na tumira sa bahay na ginawa ng Espanyol.
Bumalik sila dahil wala sa plaza ang kanilang mga hanapbuhay.
Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng Kalakalang Galyon sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino?
Umunlad ang kanilang pamumuhay
Lalong naghirap ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Maraming Pilipino ang nakasama sa Kalakalang Galyon
Naging masipag ang mga opisyal sa paglilingkod sa mga katutubong Pilipino
Nagsilbing tagasingil ng buwis ng mga encomiendero.
Conquistador
Reduccion
Cabeza de Barangay
Datu
Itinatag ni Gobernador Heneral Jose Basco y Vargas noong 1781 upang lumaki ang kita ng pamahalaan.
Monopolyo ng Tabako
Kalakalang Galyon
Bandala
Sistemang Kasama
Ito ay ang tawag sa mga nabinyagang Igorot na nagbalik sa kabundukan at sa dati nilang gawi at kilos.
Kawatan
Tulisan
Kempetai
Remontados
Bakit napag-desisyunan nina Lakan Dula at Rajah Matanda na makipagkaibigan sa mga Espanyol?
Dahil nakita nila na mabuti ang hangarin ng mga Espanyol
Dahil batid nila na mas makapangyarihan ang mga Espanyol
Dahil marami silang matutunan sa mga Espanyol
Dahil naniniwala rin ang mga Espanyol sa Diyos
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan bakit bumalik muli sa kabundukan ang mga katutubo na nagpasakop sa nga Espanyol?
Dahil sa pang-aabusong naranasan nila
Dahil gusto nilang mamuhay ng simple at payapa
Dahil alam nilang mas makabubuti sa kanila ang bumalik sa bundok
Dahil hindi sila pabor sa mga panuntunan ng mga Espanyol
Ano ang tawag sa mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas?
Peninsulares
Insulares
Principales
Remontado
Ano ang tawag sa mga katutubong Pilipino na kinolonya ng mga Espanyol?
Indio
Sangley
Mestizo
Remontado
Bakit nabigo ang mga Espanyol na kubkubin ang mga Muslim ng Mindanao?
Dahil mas malalakas ang mga armas ng mga Muslim
Dahil mas magaling ang taktika ng mga Muslim
Dahil sa pinagsama-samang Sultanato ng mga Muslim
Dahil nakatira ang mga Muslim sa kabundukan ng Mindanao
Sino ang malupit na Gobernador Heneral na gumamit ng kamay na bakal sa pamumuno?
Carlos Maria Dela Torre
Rafael Izquierdo
Fernando La Madrid
Jose Rizal
Ito ang makipot na daan sa bansang Egpyt na binuksan kaya napabilis ang paglalakbay mula Espanya hanggang Pilipinas.
Panama Canal
Suez Canal
Indian Canal
Bagong Canal
Ang pinakamataas na uri ng Pilipino noong panahon ng mga Espanyol
ilustrado
indio
principalia
sangley
Pag-aalsa sa Samar noong 1649 na umabot hanggang 1650. Ang pangunahing dahilan nito ay ang sapiltang paggawa.
Sumuroy
Tamblot
Ito ang tawag sa malaking sasakyang pandagat at pakikipagkalakalan na siyang pangunahing nagdala ng mga produkto ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo.
vinta
balangay
galyon
karakoa
Ang pagkamatay ni Diego Silang ay hindi naging sagabal upang matigil ang layunin na masugpo ang pagmamalabis ng espanyol. Ito ay pinagpatuloy ng kanyang asawa na si
Gregoria Silang
Teresa Magbanua
Marcela Agoncillo
Gabriela Silang
Ang mga sumusunod ay dahilan ng pag-aalsa maliban sa___
Hindi makatarungon polo y servicio
Tributo
Pamimigay ng mga lupain
Pagpatay
Pinagtatrabaho ng mga espanyol ang mga katutubo tulad ng paggawa sa sasakyang pantubig, walang pahinga at ipinadadala sa malayong lugar. Kumokolekta sila ng buwis sa mga bata, matatanda at sa mga alipin. Ano ang ipinahihiwatig nito?
pang-aabuso sa mga katutubo
pagpatupad ng tuntunin
pagbibigay laya sa mga katutubo
pagdidisplina sa mga katutubo
Si Dagohoy ang nagtatag ng kaisipang tinawag na Cofradia de San Jose sa Tayabas, Quezon
TAMA
MALI
Ang Katagalugan ang naging sentro ng pag-aalsang Agraryo sapagkat dito lamang matatagpuan ang mga hacienda ng mga prayle
TAMA
MALI
SI Apolinario Dela Cruz ay kilala sa bansag na_______________.
Hermano Pule
Dakilang Lumpo
Apo ni Gabriela Silang
Pambansang Bayani
Kaninong pag-aalsa ang pinakamahaba?
Apolinario dela Cruz
Juan dela Cruz Palaris
Diego Silang
Francisco Dagohoy
Ano ang dahilan ng malawakang pag-aalsa ni Juan dela Cruz Palaris?
pang-aaabuso ng mga Espanyol
pagpapatupad ng Polo Y Servicio
kawalan ng repormang pangkabuhayan
pagkamatay ng kapatid
Bakit hindi tinanggap na maging pari si Apolinario dela Cruz?
dahil siya ay isang Indio
dahil siya ay isang Espanyol
dahil siya ay isang matapang na tao
dahil siya ay mahirap lamang
Ano ang dahilan ng pag-aalsa ni Dagohoy noong 1744?
Dahil siya ay isang babaylan na naniniwala sa animismo at dahil sa pagtanggap ng kaniyang mga kanayon sa relihiyong Kristiyanismo.
Dahil hindi pinayagan ni Padre Gaspar Morales na bigyan ng isang libing na Kristiyano ang kaniyang kapatid na si Sagarino dahil ito ay namatay dahil sa pakikipagduwelo.
Dahil may nakita siyang diwata at pinangakuan siya ng magandang buhay at ang kapalit ay ang pagtalikod sa Kristiyanismo at mag-alsa laban sa mga Espanyol.
Dahil ito sa pagbinyag kina Miguel Alalab at Alababan ng labag sa kanilang kalooban.
Ano ang dahilan ng pag-aalsa ni Tamblot noong 1621?
Dahil siya ay isang babaylan na naniniwala sa animismo at dahil sa pagtanggap ng kaniyang mga kanayon sa relihiyong Kristiyanismo.
Dahil inagaw ng mga prayleng Jesuit ang lupain ng mga katutubo.
Dahil may nakita siyang diwata at pinangakuan siya ng magandang buhay at ang kapalit ay ang pagtalikod sa Kristiyanismo at mag-alsa laban sa mga Espanyol.
Dahil ito sa pagbinyag kina Miguel Alalab at Alababan ng labag sa kanilang kalooban.
Ano ang dahilan ng pag-aalsa ni Bankaw noong 1621?
Dahil sa hindi pagpapayag ng mga Espanyol sa itinatag niyang kapisanan na Cofradia de San Jose.
Dahil tinangka at pinilit sila ng mga Español na binyagan at ipasailalim sa relihiyong Kristiyanimo.
Dahil may nakita siyang diwata at pinangakuan siya ng magandang buhay at ang kapalit ay ang pagtalikod sa Kristiyanismo at mag-alsa laban sa mga Espanyol.
Dahil gusto niyang bumalik sa kaniyang unang relihiyon o pagiging Pagano.
Si Pagali ay isang babaylan na tumulong kay Bankaw sa kaniyang pag-aalsa.
TAMA.
MALI
TAMA o MALI
Tanging ang mga opisyal ng pamahalaan at prayle ang yumaman sa kalakalang galyon.
TAMA
MALI
Bakit itinuring na TAGUMPAY ang pag-aalsa na pinamunuan ni Francisco Maniago?
Napatay nila ang gobernador-heneral
Pinangakuan sila na bibigyan ng malaking halaga at hahayaan silang magtanim sa kanilang bukid
Natalo nila ang puwersa ng mga Espanyol
Namagitan ang prayle at pinakiusapan ang mga nag-aalsa na tumigil na at ibibigay ang kanilang mga kahilingan
Siya ang nagpatigil ng mga hindi makataong patakaran sa kolonya tulad ng paghihigpit sa mga pahyagan.
Carlos Maria de la Torre
Jose Rizal
Jose Basco y Vargas
Rafael De Izquierdo
Ano ang tawag sa mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa?
Espanyol
Ilustrado
Liberal
Mestizo
Sa anong paraan natin maipapakita ang damdaming nasyonalismo ?
Hindi pakikialam sa mga pangyayari sa bansa.
Hindi pakikisama sa mga pandaigdigang kalakalan.
Pag-alis sa bansa sa panahon ng krisis.
Pakikiisa at pagtaguyod ng mga pagbabago sa lipunan.
Sa kaninong pag-aalsa ang pagpapadala ng mga polista sa pagawaan ng barko sa Cavite, malayo sa kanilang tirahan.
Pag-aalsa ni Dagohoy
Pag-aalsa ni Sumuroy
Pag-aalsa ni Pule
Pag-aalsa ni Tamblot
Namuno sya sa pag-aalsa dahil sa kalupitan ng mga Espanyol, tutol sya sa sapilitang paggawa gaya ng pagpapadala ng mga Pampangenyo sa malalayong minahan.
Francisco Dagohoy
Diego Silang
Francisco Maniago
Apolinario Dela Cruz
Ano tawag sa tiket para makakuha ng puwesto sa loob ng galyon para sa kanilang mga kalakal?
Tael
Boleta
Pundahan
Ginto at Pilak
Bakit nabigo ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga mananakop?
Wala silang pinuno
Wala silang pagkakaisa
Wala silang armas
Wala silang sapat na dahilan
Madali niyang nakuha ang tiwala ng mga Pilipino dahil sa kanyang liberal na pamamahala sa bansa. Nakinig sya sa mga suliranin ng mga mamamayan at nakihalubilo sa mga tao.
Gobernador Heneral Rafael de Izquidero
Gobernador Heneral Carlos Maria Dela Torre
Gobernador Heneral Miguel Lopez de Legazpi
Gobernador Heneral Narciso Claveria
Saang lalawigan naganap ang pag-aalsa ng basi?
Zamboanga
Pangasinan
Ilocos
Silangan Visayas
Dapat bang ipagmalaki ang mga Pilipinong nakipaglaban sa mga Espanyol kahit na nabigo sila?
Oo, dahil ang pagkatalo ay nagpapakita ng pagkabayani.
Hindi, dahil hindi naman ito nakatulong sa kalayaan
Hindi, dahil hindi naman sila nagtagumpay.
Oo, sapagkat nagpapakita ito ng kanilang pagmamahal sa bayan at sa kapawa Pilipino
Aling samahan ang itinatag ni Hermano Pule na ipinagbawal ng mga Espanyol?
KKK
El Shaddai
Iglesia ni Cristo
Confradia de San Jose
Nagkaroon ng pag-aalsang agraryo dahil sa pangangamkam ng lupa ng mga prayle.
Tama
Mali
Matagumpay ang lahat ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol.
TAMA
MALI
Isa sa dahilan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Espanyol ay ang sapilitang paggawa o polo y servicio.
TAMA
MALI
Tinanggihan ng mga Espanyol na maging pari si Hermano Pule.
TAMA
MALI
Ang mga Pilipinong Muslim ay napanatili ang kanilang kultura dahil hindi sila nasakop ng mga dayuhan. Sino ang bayaning ito na naging dahilan ng pagkakaisa ng mga Moro upang hindi sila magapi ng mga mananakop?
Karim Ul Makdum
Lapulapu
Rodrigo Duterte
Sultan Kudarat
Anu-ano ang mga lalawigang sakop ng monopolyo ng tabako?
Ilocos, Cagayan at Nueva Ecija
Bicol, laguna at Quezon
Cebu, Iloilo at Samar
Basilan, Davao at Maguindanao
Ano ang HINDI dahilan ng pag-aalsa laban sa mga Espanyo?
Politikal
Relihiyon
Ekonomiko
Kasaganaan
Ang mga sumusunod ay ang dulot ng pagbubukas ng Suez Canal MALIBAN sa isa.
Natuto ang mga Pilipino na lumangoy
Nakarating ng mas mabilis ang mga Pilipino sa Europa
Mas mabilis ang byahe mula Pilipinas hanggang Europa
Mas dumami ang kalakal na napupunta sa Pilipinas mula Europa
Naging mabuti ang pamamahala ni Carlos Maria Dela Torre sa mg Pilipino
TAMA
MALI
Bakit maituturing na mahalaga sa ating kalayaan ang unang nag-alsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?
Nakatulong sila upang mamulat ang mga Pilipino na dapat nilang ipaglaban ang kanilang mga Karapatan.
Nahikayat nila ang lahat ng mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang mga personal na dahilan sa pag-aalsa.
Napalaya nila ang Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol
Napaunlad nila ang pamumuhay ng mga Pilipino
Sino ang nag-utos na gumamit ng apelyidong Espanyol?
Jose Rizal
Narciso Claveria
Julian Felipe
Juan Luna
