Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3 PAGIGING MALIKHAIN SA PAGGAWA

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Kakayahan ng isang tao na bumuo o gumawa ng isang bagay mula sa kanyang imahinasyon. Alin sa sumusunod ang ipinakikitang katangian nito?

a)

malikhain

b)

makabago

c)

masinop

d)

matipid

2.

Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng malikhaing tao?

a)

orihinal ang gawa

b)

mayaman sa ideya

c)

paggaya sa mga sikat na proyekto

d)

nagagamit ang mga bagay na matatagpuan sa paligid

3.

Ano ang pinakamabuting naidudulot ng pagiging malikhain sa paggawa?

a)

napapadali ang gawain

b)

nakatitipid sa oras

c)

nagagamit ang talento

d)

nakapagpapalago ng kita

4.

Ang taong malikhain ay may kalayaang magpamalas ng kaniyang paninindigan. Anong katangian ang tinutukoy nito?

a)

sensitibo sa mga kakulangan sa kapaligiran

b)

nakatayo sa sariling desisyon

c)

mayaman sa ideya

d)

madaling iangkop ang sarili sa iba’t ibang pagkakataon

5.

Paano masasabi na ang isang taong malikhain ay may malakas na motibasyon upang magtagumpay?

a)

masigasig sa paggawa ng proyekto kahit dumaranas siya ng hirap

b)

nakapag-iisip ng bagong idea at bagay na hindi naiisip kaagad ng ibang tao

c)

madaling mabigyan ng solusyon ang mga kakulangan

d)

totoo sa kaniyang nilikha at hindi ginagaya ang gawa ng iba

6.

Alin sa mga gawain ang dapat na tandaan upang malinang at maipahayag ang pagiging malikhain?

a)

hindi pagtanggap sa pagbabagong nagaganap sa paligid

b)

pagtanggi sa gawain na mahirap para sa iyo

c)

pagpuna sa kamalian ng iba

d)

sumubok ng mga bagong bagay gamit ang mayamang imahinasyon

7.

Bawat tao ay may kakayahang tuklasin at paunlarin ang kasanayan sa pigiging malikhain dahil sa taglay niyang ______________.

a)

ganda

b)

talino

c)

karapatan

d)

kabaitan

8.

Bakit kailangang maging malikhain sa paggawa ng anumang proyekto?

a)

upang mapuri ang iyong gawa

b)

magkakaroon ng malaking kita

c)

mapapadali ang anumang gawain

d)

magbibigay ito ng kasiyahan at tagumpay

9.

Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging malikhain na makatutulong sa pag-unlad?

a)

si Alicia na bumibili ng mamahaling materyales para sa kaniyang proyekto

b)

si Patty na binebenta sa junkshop ang mga lumang diyaryo at bote

c)

si Lorie na mabilis gumawa ng proyekto ngunit hindi orihinal na disenyo niya

d)

si Rizza na sinisikap na makalikha ng proyekto mula sa sarili niyang ideya

10.

Kung nais na umunlad ang buhay at makatulong sa pag-unlad, kailangan na ikaw ay __________________.

a)

maging mapagmataas sa iyong kapwa

b)

maging malikhain sa paggawa

c)

matutong gumaya sa gawa ng iba

d)

maghanap ng maraming mapagtatanungan