wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quiz #2 in Araling Panlipunan

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Pumili ng mga pangungusap na nagpapakita ng pangangalaga sa mga likas na yaman.

a)

Naglagay ng babala si Den sa bakanteng lupain upang hindi gawing tapunan ng krudo.

b)

Gumagamit ng tamang pamamaraan sa pangingisda si Mang Pandoy.

c)

Ginagawang tapunan ng mga patay na hayop ang ilog.

d)

Nagtanim ng mga puno sa paligid ng ilog.

e)

Hinihiwalay ni Ana ang basurang nabubulok at di-nabubulok.

2.

Aling mga pangungusap ang nagsasaad ng wastong gawain at makatutulong sa pangangalaga ng kapaligiran. Lagyan ito ng tsek.

a)

Magkaroon ng disiplina sa sarili.

b)

Tipirin ang mga likas na yaman dahil nauubos din ito.

c)

Panonoorin ko lamang ang kapitbahay kong nagtatapon ng basura sa ilog.

d)

Makikilahok sa mga programang pangkapaligiran na ipinatutupad ng pamahalaan.

e)

Hindi pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan.

3.

Si Ana ay isang mabait na bata at mapagmahal sa kapaligiran, ugali na niyang paghiwa-hiwalayin ang mga basura kung ito ay nabubulok, di-nabubulok at recycables. Ano ang tawag sa kanyang pamamaran ng pagtatapon ng basura?

a)

Waste segregation

b)

Waste arrangement

c)

Waste disposal

d)

Waste management

4.

Ito ay ang isa sa dahil kung bakit nasisira ang Ozone layer na maaring magdulot ng pagkakasakit sa balat o skin cancer dahil sa sobrang radiation mula sa araw.

a)

Pagputol ng mga punong-kahoy

b)

Pagsunog ng basura

c)

Pagtatapon ng basura

d)

Paggamit ng dynamita

5.

Ano ang katangian ng isang maayos na kapaligiran

a)

Maraming halaman at hayop

b)

Maraming basura

c)

Maraming insekto at langaw

d)

Wala sa nabanggit

6.

Ang mga sumusunod ay katangian ng maruming kapaligiran, maliban sa isa.

a)

Maraming basura

b)

Kakaunting puno

c)

Maraming sariwang damo

d)

Mabahong simoy ng hangin

7.

Pinuputol ang mga puno sa kagubatan.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Piliin ang pangungusap na nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran?

a)

Nagtatapon ng basura sa tabing ilog isi Aling Teresa kahit pa ipinagbabawal na ito.

b)

Tumutulong sa kanyang tatay na magdilig ng mga bagong tanim na halaman si Marlon.

9.

Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagkasira ng kapaligiran maliban sa isa.

a)

Pagtatapon ng basura

b)

Pagtatanim ng mga halaman

c)

Dynamite Fishing

d)

Mining

10.

Piliin ang pangungusap na nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran?

a)

Pagsasagawa ng reduce, reuse recycle.

b)

Pagtatapon ng mga basura sa ilog.