Font size
WorksheetsAraling Panlipunan 5
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ano ang ibig sabihin ng “krus” na ginamit na estratehiya sa pananakop ng Espanya sa Pilipinas?
a. Katolisismo
b. espada
c. Santo Niño
d. Prayle
Anong mga armas ang ginamit ng mga Espanyol sa pagsupil sa mga Pilipino?
a. baril
b. tangke
c, itak
d. kanyon
Anong mga katutubong grupo ang nakaiwas sa pananakop ng mga Espanyol?
a. Katutubo sa Maynila
b. Pangkat-etniko sa kapatagan
c. Muslim sa Mindanao
d. Katutubo sa Hilagang Luzon
Anong pangkat mula sa Cagayan ang nagrebelde o nag-alsa noong 1621 laban sa mga encomendero at opisyal ng pamahalaan?
a. Igorot
b. Gaddang
c.Babaylan
d. Cofradia
Sino ang namuno sa rebelyon sa Ilocos noong ika-18 siglo laban sa indulto de comercio?
a. Francisco Dagohoy
b. Diego Silang
c. Magat Salamat
d. Andres Malong.
Sino ang nagrebelde dahil nais niyang maibalik ang kapangyarihang dating tinatamasa ng kanilang mga ninuno kagaya ng ipinangako ng mga Espanyol ?
a. Agustin Sumuroy
b. Francisco Maniago
c. Andres Malong
d. Magat Salamat
Ano ang iba pang tawag kay Apolinario de la Cruz, ang nagtatag ng Kapatiran ng San Jose?
a. Hermano Pule
b, Apolinario Mabini
c. Kuya “San Jose”
d. Polio de la Cruz
Sino ang gobernador na nagdeklarang labag sa batas ang Kapatiran?
a, Gobernador Rafael de Izquierdo
b. Gobernador Marcelino de Oraa
c. Gobernador Pablo Ocampo
d. Gobernador Jose de la Vega
Sino ang nagrebelde dahil Itinakwil niya ang Katolisismo upang muling yakapin ang kinagisnang pananampalataya.
a. Sumuroy
b. Francisco Maniago
c. Tamblot
d. Magalat
Ano ang kolonyalismo?
a. pagsakop
b. paghati
c. pagtulong
d. pagsulong
Ano ang sistemang pangkabuhayan ng Europa noong ika-16 at ika-17 na siglo ang nakatuon sa akumulasyon o pagtitipon ng maraming ginto at pilak?
a. kapitalismo
b. merkantilismo
c. kolonyalismo
d. laissez faire
Aling bansa ang pinakamakapangyarihan noon?
a. maganda ang klima
b. nasa Europa
c. maraming ginto at pilak
d. nagsisimulang manakop
Paano magkakaroon ang isang bansa ng maraming ginto at pilak noon?
a. manankop
b. magmmina
c. manghihiram
d. bibili
Ano ang batayan ng uri ng mga tao bago buksan ang Pilipinas sa kalakalang pandaigdig?
a. yaman
b. posisyon
c. edukasyon
d. lahi
Ano ang tawag sa mga Pilipinong nagkaroon ng pormal na edukasyon sa mga pamantasan sa loob at labas ng Pilipinas?
a. ilustrado
b. bayani
c. gitnang uri
d. repormista
Anong pag-aari ng gitnang uri ang higit sa mga Espanyol?
a. yaman
b. edukasyon
c. lahi
d. mga anak
Ano ang dahilan ng pag-aalsa ni Tamblot?
a. edukasyon
b. relihiyon
c. pulitika
d. agrikultura
Sino ang nag-alsa sa Bohol noong 1744 dahil sa pagtanggi ng mga paring Heswita na bigyan ng Katolikong libing ang kaniyang kapatid na isang kawal dahil namatay ito sa isang duwelo?
a. Magalat
b. Salamat
c. Dagohoy
d. Silang
Sino ang lider ng barangay sa sinaunang lipunang Pilipino?
a. sultan
b. gobernador
c. datu
d. cabeza
Sino ang lider ng sultanato?
a. sultan
b. hari
c. datu
d. heneral
