Worksheets3rd Quarter AP#5
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
I. Basahin at unawain ang bawat tanong.
Alin sa mga pahayag ang TUNAY na nagsasabi tungkol sa relihiyong Hinduismo?
Milyun-milyong diyos ang sinasamba ng mga Hindu kaya’t polytheism ang anyo ng kanilang relihiyon.
Ang Hindu Triad (Brahma, Vishnu, Shiva) ay may pare-parehong power of function.
Monotheism ang Hinduism dahil ang lahat ng diyos ay aspeto ng universal spirit na si Brahma.
Hindi kasali ang mga diyos sa cycle of birth, death and rebirth na tinatawag na chakra.
Itinatag ni Siddharta Gautama ang relihiyong Buddhism. Kung ikaw ay isang tagasunod ng relihiyong ito, anong uri ng pamumuhay ang inaasahang taglay mo?
marangyang buhay
simpleng buhay
buhay na puno ng pighati
buhay na puno ng kasayahan
Ang Taoism ay nangangahulugang “Ang Daan ng Kalikasan”. Ayon dito ang kalikasan ay may sariling landas na tinatahak. Alin sa mga sumusunod ang lumalabag sa daloy ng kalikasan?
paggawa ng mga dam para sa irigasyon
pagpapanatili ng biodiversity sa mga kagubatan
pagpapadami ng mga bakawang tirahan ng mga isda
paggamit ng hydro-electric power plant
Ang mga sinaunang tao ay naniniwala sa maraming diyos. May diyos ng araw, buwan at iba pa. Ang dahilan nito ay
bahagi iyon ng kanilang tradisyong kinagisnan
ang paniniwalang mas maraming diyos mas mabuti
mamalasin ang sinuman na hindi sasamba
sinasamba ang anumang bagay na nakatutugon sa kanilang pangangailangan
Ang Confucianismo ay ipinalaganap ni Confucius. Binigyang-diin dito ang pagiging isang mabuting tao. Kung isa ka sa mga tagasunod nito, ano sa mga sumusunod ang hindi mo dapat ginagawa?
Paggalang sa mga magulang at sa ibang tao.
Pagiging kuntento sa kung ano lang ang nangyayari sa buhay.
Pagmamahal sa edukasyon.
Pagtataglay ng mababang kalooban sa anumang natatamo sa buhay.
Ang Hinduismo ay isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Naniniwala ang mga mananampalataya nito sa reinkarnasyon. Ano ang naging epekto sa mga Hindu ng paniniwalang ito?
Sinikap nilang maging mabuting tao upang makamit ang magandang karma kapag sila’y nabuhay muli.
Sinikap nilang supilin ang limang cardinal na bisyo.
Pinilit nilang makapagkamal ng kayamanan habang sila’y nabubuhay.
Pinalaganap nila ang kanilang pananampalataya.
Relihiyong laganap lamang sa Japan ang Shintoismo. Sumasamba sila sa mga espiritung naninirahan sa mga elemento ng kalikasan. Dahil sa relihiyong ito, nagawa ng mga mamamayan ng Japan na
Magkaroon ng takot sa kalikasan.
Mapanatiling malinis at kaaya-aya ang kapaligiran nito.
Samantalahin ang likas na yaman.
Magsagawa ng maraming pagdiriwang para sa kalikasan.
Sa sinaunang lipunan ng India, ang mga mamamayan ay kabilang sa sistemang caste. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng sistema?
sa caste nakabatay ang hanapbuhay
maaaring magbago ng antas o uri sa caste
ang kasal ay sa pagitan lamang ng magkatulad na caste
may apat na pangkat ang bumubuo nito
Napakaraming relihiyon ang isinilang sa Timog Asya. Isa na rito ang Buddhism, Jainism at Sikhism. Sa paanong paraan magkakatulad ang mga taong nagtatag ng mga relihiyong nabanggit?
Lahat sila ay naging asetiko bago nagsimulang magtatag ng relihiyon.
Lahat sila ay naliwanagan sa loob ng kuweba.
Lahat sila ay nagmula sa mahihirap na pamilya.
Lahat sila ay hindi na nakapag-asawa pa bunga ng gawaing pagpapakabanal.
Anong kaisipan ang maaaring mabuo sa sistemang caste?
Maging kontento sa kalagayan.
Maging masikap upang makamit ang tagumpay.
Walang permanente sa mundo. Lahat ay may pagbabago.
Tadhana ang nagtatakda ng buhay ng tao.
Ang konsepto ng karma na pinaniniwalaan ng mga tagasunod ng Hinduismo at Budismo ay nakasaad sa kasabihang:
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
Daig ng maagap ang masipag.
Pag binato ng bato, batuhin ng tinapay.
Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin.
Ayon kay Confucius, ang mahalagang katangian ng isang pinuno ay may kakayahan siyang pagbuklurin upang magkaisa at mapatino niya ang kabuuan ng kanyang nasasakupan. Paano ito maipakikita ng isang pinuno?
Nahihiya siyang gumawa ng makasasama sa kanyang posisyon bilang pinuno.
Magsisilbi siyang huwaran sa kilos, salita, gawa at mga desisyon.
Kailangan niyang sumunod sa mga mamamayan kahit paminsan-minsan.
Tinitiyak niyang hindi malalaman ng mga mamamayan ang kanyang mga kabiguan.
Nakaapekto sa pamumuhay ng mga tagasunod ng Jainism ang ahimsa. Ipinapakita ito sa pamamagitan ng mga sumusunod MALIBAN sa
naglalakad nang nakapaa at nakamaskara
hindi lumalahok sa pakikidigma
pagiging vegetarian
hindi pag-aasawa
“Walang ibang lupalop ang pinagmulan ng mga pangunahing relihiyon kundi ang Asya”. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sumusuporta sa paglalahat na ito?
Sentro ng buhay ng mga Asyano ang relihiyon.
Libangan ng mga Asyano ang manalangin.
Malalim ang kaugnayan ng mga Asyano sa Lumikha.
Ang ritwal ay bahagi ng buhay ng mga Asyano.
Si Confucius ay nakilala sa napakahalaga niyang turo hinggil sa Gintong Aral. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito?
Pag-iwas sa pandaraya at panloloko.
Pagsunod sa utos ng mga nakatatanda.
Paggawa nang may katapatan at kasiyahan.
Pag-iwas sa paggawa ng mga bagay na ayaw maranasan sa kapwa.
