Font size
WorksheetsPaghahanda Part 2
Total questions: 10
Worksheet time: 7mins
Maaari tayong manghiram ng salita mula sa ibang wika nang walang sinusunod na tuntunin.
Tama
Mali
Alin sa mga tuntunin ang sinunod sa panghihiram ng salitang "coke"?
Pantanging ngalan
Salitang may natatanging kahulugang kultural
Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit
Alin sa mga tuntunin ang sinunod sa panghihiram ng salitang "taxi"?
Pantanging ngalan
Salitang may natatanging kahulugang kultural
Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit
Bakit hindi marapat hiramin ang salitang "education"?
Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa.
Salitang may Iregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog.
Ano ang paksang pangungusap sa talatang ito?
"Ano nga ba ang kahulugan ng kalusugan? Para sa marami, kapag sinabing kalusugan o health ito ay nangangahulugan ng kawalan ng sakit o anumang karamdaman. Kaya naman, ang taong nasa mabuting kalusugan ay isang taong walang sakit. Ayon sa WHO o World Heath Organization, ang kalusugan ay isang kalagayan ng pagiging masigla ng isip, katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan, o iba pang karamdaman."
Ano nga ba ang kahulugan ng kalusugan?
Ayon sa WHO o World Heath Organization, ang kalusugan ay isang kalagayan ng pagiging masigla ng isip, katawan, at pakikitungo sa iba.
Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan, o iba pang karamdaman.
Aling pansuportang pangungusap ang pinakaangkop na idagdag sa talata?
"Ano nga ba ang kahulugan ng kalusugan? Para sa marami, kapag sinabing kalusugan o health ito ay nangangahulugan ng kawalan ng sakit o anumang karamdaman. Kaya naman, ang taong nasa mabuting kalusugan ay isang taong walang sakit. Ayon sa WHO o World Heath Organization, ang kalusugan ay isang kalagayan ng pagiging masigla ng isip, katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan, o iba pang karamdaman."
Diabetes, rayuma, mataas na presyon ng dugo at iba't ibang uri ng kanser ay ilan lamang sa mga halimbawa ng sakit.
Minsan may mga taong mukhang malusog ngunit may matinding sakit sa pag-iisip.
Uminom ng bitamina upang lumusog.
Ano ang paksang pangungusap sa talatang ito?
"Ang overfishing o labis na panghuhuli ng isda ang isa sa mga sinasabing dahilan kung bakit halos masaid na ang laman ng ating karagatan. Tulad na lamang sa bayan ng Mercedes sa Camarines Norte, panghuhuli ng malalaking isda gaya ng pating ang naging kabuhayan ng ilan sa mga residente sa mahabang panahon. Walang ordinansa sa kanilang lugar o batas pambansa na nagbabawal sa panghuhuli nito. Ngunit maging sila, napansin ang papakaunting bilang ng pating na nakukuha nila. Kung mauubos ang mga pating, hindi raw malayong maubos din ang ibang maliliit na isda."
Ang overfishing o labis na panghuhuli ng isda ang isa sa mga sinasabing dahilan kung bakit halos masaid na ang laman ng ating karagatan.
Tulad na lamang sa bayan ng Mercedes sa Camarines Norte, panghuhuli ng malalaking isda gaya ng pating ang naging kabuhayan ng ilan sa mga residente sa mahabang panahon.
Walang ordinansa sa kanilang lugar o batas pambansa na nagbabawal sa panghuhuli nito.
Aling pansuportang pangungusap ang pinakaangkop na idagdag sa talatang ito?
"Ang overfishing o labis na panghuhuli ng isda ang isa sa mga sinasabing dahilan kung bakit halos masaid na ang laman ng ating karagatan. Tulad na lamang sa bayan ng Mercedes sa Camarines Norte, panghuhuli ng malalaking isda gaya ng pating ang naging kabuhayan ng ilan sa mga residente sa mahabang panahon. Walang ordinansa sa kanilang lugar o batas pambansa na nagbabawal sa panghuhuli nito. Ngunit maging sila, napansin ang papakaunting bilang ng pating na nakukuha nila. Kung mauubos ang mga pating, hindi raw malayong maubos din ang ibang maliliit na isda."
Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit pitong libo at isandaang isla.
Nasa mahigit isa't kalahating milyong Pilipino ang umaasa sa pangingisda.
Hindi nakapagtatakang isa ang ating bansa sa may pinakamayamang karagatan sa buong mundo.
Anong uri ito ng babasahin?
Piksyon
Di-piksyon
Anong uri ito ng babasahin?
Piksyon
Di-piksyon
