NEW
Font size
WorksheetsAraling Panlipunan 4
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Saan nagmumula ang kapangyarihan ng isang demokratikong bansa?
a. mamamayan
b. pamahalaan
c. pangulo
d. kongreso
Ilan ang sangay ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas?
a. 2
b. 3
c.4
d. 5
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangunahing tungkulin ng mga sangay ng pamahalaan?
a. tagapagtalakay
b. tagapagbatas
c. tagapagpatupad
d. tagapaghukom
Kaninong tungkulin o kapangyarihan ito?
Magsagawa ng impeachment proceedings
a. pangalawang pangulo
b. pangulo
c. kongreso
d. gobernador
Alin sa sumusunod na mga sangay ang may tungkulin na suriin ang pagtalima ng mga batas at kasunduan sa Konstitusyon ng1987?
a. hudikatura
b. komisyon
c. lehislatura
d. ehekutibo
Sino ang may kapangyarihan magsagawa nito?
Bukas ay nakatakdang hirangin ng pangulo si Juan de la Cruz bilang kalihim ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
a. punong kumander
b. punong mahistrado
c. kongreso
d. pangulo
Ano ang dalawang antas ng pamahalaan ng Pilipinas?
a. pambansa at lokal
b. awtonomus at rehiyonal
c. awtonomus at distrito
d. lokal at sentral
Ano ang tawag sa pangkalahatan at pinakamataas na pamahalaang nangangasiwa sa buong bansa?
a. lokal
b. pambansa
c. awtonomus
d. distrito
Ano ang tawag sa pamahalaang kinabibilangan ng mga lalawigan, lungsod, bayan, at barangay?
a. lokal
b. sentral
c. awtonomus
d. yunit.
Sino ang pinakamataas na pinuno sa pamahalaang ng Pilipinas?
a. pangulo
b. senador
c. kinatawan
d.punong mahistrado
Sino ang may pangunahing tungkulin na magsuri at lumikha ng batas?
a. hukom
b. gobernador
c senador.
d. pangalawang pangulo
Sino ang maaaring humalili sa pangulo sa panahon ng kaniyang pagkawala sa tungkulin?
a. punong ministro
b. pangalawang pangulo
c. pangulo ng senado
d. punong mahistrado
Sino ang isa sa mga namuno sa Asamblea na naglatag ng Saligang Batas ng 1935?
a. Claro M. Recto
b. Lorenzo Tanada
c. Ramon Magsaysay
d. Emilio Aguinaldo.
Anong katangian ng isang mabuting pinuno o pamumuno ang ipinahihiwatig? Hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo ng hukuman ang pinakamayamang tao sa bansa.
a. makatarungan
b. matulungin
c. malinis
d. magalang
Anong katangian ng isang mabuting pinuno o pamumuno ang inilalarawan? Binibigyan niya ng pagkakataon ang mga mamamayan na malaman ang lahat ng gawain ng pamahalaan.
a. limitado
b. masipag
c. bukas
d. makatao
Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito?
Si Lorenzo Tañada ay itinuturing na “Grand Old Man of Philippine Politics” dahil sa pagiging senador sa loob ng dalawampu’t apat na taon.
a. mabuting pinuno
b. matalinong senador
c. makataong lider
d. mayamang pinuno
Anong kagawaran ang namamahala sa mga programang pangkalusugan ng Pilipinas?
a. Kagawaran ng Edukasyon
b. Kagawaran ng Pananalapi
c. Kagawaran ng Kalusugan
d. Kagawaran ng Turismo
Ilang Center for Development ang sinasaklaw ng Kagawaran ng Kalusugan?
a. 16
b. 15
c. 13
d. 12
Saan nangyayari ang serbisyo para sa pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal?
a. government hospital
b. health center
c. provincial hospital
d. general hospital
Ano ang pinaikling tawag sa Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education?
a. DepEd
b. KagEd
c. DECS
d. CHED
