wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Paggalang Quizizz 2

Total questions: 15

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ay kautusan na ibinigay sa tao noon pang

panahon ng Lumang Tipan sa panahon ni Moises.

a)

Pagmamahal

b)

Pagpapatawad

c)

Paggalang

d)

Pagsasakripisyo

2.

Ito ang unang utos na may kalakip na pangako na magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa lupa.

a)

Mahalin ang iyong kapwa

b)

Mangilin araw-araw

c)

Magbigay sa mga nangangailangan

d)

Igalang mo ang iyong ama at ina

3.

Mga taong may hawak ng kapangyarihan

o lakas na nagpapatupad ng mga

panuntunan na kailangan at dapat

Igalang upang mapanatili ang

kapayapaan, disiplina at kapakanan ng

pangkat, at ang kabutihang pang lahat.

a)

Katulong

b)

Awtoridad

c)

Mababang uri

d)

Pulubi

4.

Dito nagsisimula ang paggalang na siya ring nagbibigay sa atin ng halaga at tumutulong sa ating tuwing tayo ay nangangailangan.

a)

Pamilya

b)

Kaibigan

c)

Paaralan

d)

Simbahan

5.

Ano ang salitang latin ng paggalang?

a)

expectum

b)

expectus

c)

respectum

d)

respectus

6.

Sino ang nagwika ng mga katagang “He who cannot obey, cannot command.”

a)

Aristotle

b)

Benjamin Franklin

c)

Moises

d)

Courtney E. Ackerman

7.

Ang paggalang ay isa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang indibiwal.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Malakas na pinapatugtog ang paboritong musika kahit nakikita mong nagpapahinga ang tatay mo na pagod sa trabaho.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Kalimutan ang mga bilin ng guro tuwing online class.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Napagkasunduan ninyo na ikaw ang maghuhugas ng

pinagkainan ngayong araw. Hindi mo pa tapos ang modyul na iyong binabasa. Kailangan mo itong tapusin kaya _______

a)

sasabihin mo na hindi ka puwedeng maghugas

b)

maghuhugas pa rin habang naiinis

c)

maghuhugas pa rin at mag-aaral pagkatapos

11.

Anong sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa awtoridad sa panahon ng pandemya?

a)

Lumalabas ng bahay anumang oras na gusto

b)

Hindi pagsusuot ng Face Mask at Face Shield

c)

Sumisingit sa pila para makauwi agad.

d)

Pagsusuot ng Face Mask at Face Shield kahit walang bantay bayan o pulis.

12.

Ang awtoridad ng magulang ay kaugnay ng pagpapahalagang paglilingkod dahil:

a)

Ang pagsunod ay pagsisilbi sa magulang

b)

Ang paglilingkod ay malaya at responsableng pagmamahal sa magulang

c)

Ang awtoridad ay likas na nagpapasunod sa mga mababait na anak

d)

Ang mga magulang ay dapat paglingkuran

13.

Alin ang kaugnay sa konsepto ng awtoridad at pagsunod?

a)

Nagiging takot ang mga bata sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad.

b)

Malayang nakapapamasyal ang mga anak pagkatapos ng eskwela

c)

Nagkakaroon ng kalayaan at pananagutan ang mga anak

d)

Napapaunlad ng higit ang pananaw sa sarili ng mga anak

14.

Ang paggalang ay nakatatak na sa ating kultura. Kung paano mo iginagalang ang iyong kapwa, ganoon ka rin igagalang. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang taong magalang?

a)

Isinasaalang-alang ang kapwa, anuman ang antas ng kanyang pamumuhay, bata man siya o matanda.

b)

Isinasaalang-alang ang damdamin ng kapwa

c)

May malawak na pang-unawa

d)

Lahat ng nabanggit.

15.

Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Bilang mag-aaral ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?

a)

Huwag ilagay sa iyong kamay ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.

b)

Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.

c)

Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naaapektuhan.

d)

Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito