NEW
Font size
WorksheetsHEALTH ACHIEVEMENT TEST
Total questions: 20
Worksheet time: 5hrs 0mins
1. Naglilinis ng klasrum sina Ana, May at Ella. Tapos na sina Ana at May sa ginagawa nila. Ano ang dapat nilang gawin?
a. Tutulungan na nila si Ella upang matapos kaagad.
b. Maglalaro na sa labas sina Ana at Mae.
c. Magbibidahan nalang ang dalawa habang hinihintay si Ella.
2. Masakit ang paa ni Jacob kaya paika-ika siyang lumakad. Ano ang dapat nyong gawin?
a. Pagtawanan siya.
b. Tuksuhin siya.
c. Tulungan siya.
3. Alin sa mga sumusunod ang gawain ng isang malinis na bata?
a. Nagsisipilyo ng ngipin tuwing gabi lamang.
b. Naliligo isang beses sa isang linggo.
c. Naglilinis ng katawan bago matulog.
4. Ano ang mangyayari kung ikinalat ni Joel ang mga balat ng saging sa sahig ng kanilang bahay?
a. Matutuwa ang kanyang nanay
b. Maaring madulas ang nanay dahil sa balat ng saging
c. Sasang-ayunan si Joel ng kanyang nanay
5. Ang sabi ng nanay ni Kamille, dapat siyang kumain ng mga gulay upang maging malusog ang katawan. Ano ang dapat gawin ni Kamille?
a. Hindi kakain kapag gulay ang kanilang ulam
b. Hindi nalang kakain ng kahit anong gulay
c. Susundin ang nanay upang maging malusog siya.
6. Hindi sinunod ni Renzo ang payo ng kanyang lola na magsipilyo ng ngipin pagkatapos kumain. Ano ang mangyayari sa ngipin niya?
a. Magiging maputi ang kanyang mga ngipin.
b. Masisira ang kanyang mga ngipin.
c. Magiging maganda ang kanyang mga ngipin.
7. Ano ang iyong gagawin kung may nakita kang mga lumang garapon?
a. Itatapon ko na lamang ito dahil wala na itong pakinabang.
b. Hahayaan ko lang sa lugar kung saan ko ito nakita.
c. Gagawin ko itong flower vase.
8. Bilin ng nanay ni Rosa na magligpit siya ng kanyang higaan pagkagising. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Maglaro muna bago magligpit ng higaan.
b. Iutos sa nakababatang kapatid ang pagliligpit ng higaan.
c. Sundin ang utos ng nanay para matuwa ito.
9. Nakita ni Maxi na tuyo at lanta na ang dahon ng mga halaman sa kanilang hardin. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Hayaan na lamang na ang nanay ang magdilig ng halaman.
b. Magkaroon ng kusa na diligin ang halaman upang di ito tuluyang malanta.
c. Huwag na lamang pansinin ang halaman at ipagpatuloy na lamang ang paglalaro.
10. Alin sa mga sumusunod ang dapat nating gawin upang makaiwas sa sakit?
a. Hayaan na lamang na madumi ang ating katawan.
b. Palaging kumain ng mga masusustansiyang pagkain.
c. Maligo lamang kung kalian mo gusto.
11. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng wastong panganglaga sa ating kalusugan maliban sa isa. Alin ito?
a. Uminom ng 8-12 basong tubig araw-araw
b. Kumain ng prutas at gulay upang makaiwas sa sakit.
c. Kumain ng mga paboritong tsitsirya at softdrinks dahil masarap ito.
12. Isang gabi ay bigla na lamang sumakit ang ngipin ni Elsa. Ano sa tingin mo ang dahilan nito?
a. Kumain siya ng mga tsokolate at hindi nagsipilyo ng ngipin.
b. Uminom siya ng gatas bago matulog.
c. Hindi niya inubos ang pagkain na inihain ng kanyang nanay.
13. Saan tayo dapat kumonsulta kapag tayo ay may karamdaman o sakit?
a. Sa hindi kilalang Doktor dahil mura ang bayad dito.
b. Sa isang nagpakilalang Nars dahil mabait ito sa iyo kahit hindi mo siya kilala.
c. Sa isang mahusay at kilalang Doktor sa isang pagamutan.
14. Alin sa mga sumusunod ang dapat nating gawin upang makaiwas sa lumalaganap na sakit na COVID19?
a. Lumabas ng bahay kahit walang suot na facemask.
b. Mamasyal sa parke kasama ang mga kaibigan.
c. Iwasang lumabas ng bahay upang makaiwas sa sakit.
15. May isa kang kaklase na galing sa sakit. Ano ang magandang gawin upang maipakita mo ang pagmamalasakit sa kaniya?
a. Iwasan siya dahil baka magkasakit ka din.
b. Sabihin sa kaniya na huwag nang na pumasok sa paaralan.
c. Bigyan siya ng prutas para mas lumakas ang kaniyang katawan.
16. Alin sa mga ito ang makatutulong upang maging malusog ang ating katawan?
a. Mag ehersisyo araw-araw.
b. Magpuyat dahil maganda ang palabas sa telebisyon.
c. Matulog maghapon.
17. Si Loraine ay mahilig magbasa tuwing gabi kahit madilim. Ano ang maaaring epekto nito sa kanya?
a. Mas makikita niya ng maayos ang binabasa niya.
b. Maaring lumabo ang kaniyang mata.
c. Mas bibilis siyang bumasa.
18. Alin sa mga sumusunod ang makatutulong upang maiwasan ang paglaganap ng COVID19?
a. Panatilihin ang social distancing sa mga matataong lugar lamang.
b. Magsuot ng facemask kung kailan mo lang gusto.
c. Iwasang lumabas ng bahay kung hindi namang mahalaga ang pupuntahan.
19. Ang mga sumusunod ay sintomas ng sakit na COVID19 maliban sa isa, alin ang hindi kabilang?
a. Panghihina ng katawan
b. Mataas na lagnat at ubo
c. Pagsusuka
20. Ano ang dapat mong gawin upang makasiguradong ligtas sa sakit o anumang karamdaman?
a. Ugaliing kumain ng mga masustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas.
b. Mas piliin ang karne kaysa gulay dahil hindi ka kumakain ng gulay.
c. Kumain lamang ng prutas at gulay kapag may nararamdamang sakit
