wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP Summative Test

Total questions: 20

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Ang pangkat ng mga taong nagmula sa salitang taga-ilog na ang ibig sabihin ay nakatira sa tabi ng ilog. Sila ay nagmula sa Rehiyon IV-A CALABARZON at Rehiyon IV-B MIMAROPA at ilang bahagi ng Rehiyon III at sa NCR. Sino sila?

a)

Bicolano

b)

Kapampangan

c)

Bisaya

d)

Tagalog

2.

Ang mga pangkat ng taong ito ay madasalin. Mahilig silang magluto ng pagkain na may gata at paggamit ng sili sa pagluluto. Sino sila?

a)

Bicolano

b)

Pangasinense

c)

Ilocano

d)

Tagalog

3.

Ang mga Ilocano ay nagmula sa hilagang kanluran ng Pilipinas. Marami rin sa kanila ang naninirahan sa NCR. Sa anong ugali o katangian nakilala ang mga Ilokano?

a)

Matipid

b)

Mahilig sa makukulay na damit

c)

Madasalin

d)

Mahusay sa pangangalakal

4.

Mayroon kang bagong kaklase na nagmula sa Visayas. Kakaiba ang wika na kaniyang ginagamit kung kaya’t pinagtatawanan siya ng ibang bata. Ano ang iyong gawin?

a)

Hindi ko sila papansinin.

b)

Palalabasin ko na lang siya ng silid-aralan.

c)

Sasabihan ang mga kaklase ko na itigil ang tawanan.

d)

Pagtatawanan ko rin siya.

5.

Ang mga pangkat ng taong ito ay nanirahan sa NCR noong unang panahon. Natutuhan ng mga Pilipino ang pagkain ng pansit, lumpia, lugaw at miswa na bahagi ng kanilang kultura. Sino sila?

a)

Amerikano

b)

Koreano

c)

Indian/ Bombay

d)

Tsino

6.

6. Iba’t ibang pangkat ng tao ang naninirahan sa NCR. Anong pangkat ng tao ang pinakamarami?

a)

A. Bicolano

b)

C.Tagalog

c)

B. Cebuano

d)

D. Waray

7.

7. Ang sumusunod ay naglalarawan sa mga Tagalog maliban sa ___________.

a)

A. masinop

b)

C. matipid

c)

B. mabagsik

d)

D. matiyaga

8.

Ano ang mahalagang sangkap sa pagkain ang madalas na ginagamit ng mga Bicolano sa pagluluto?

a)

sili at gata

b)

sili at toyo

c)

toyo at suka

d)

kamatis at gata

9.

9. Alin sa sumusunod na paglalarawan ang tumatalakay tungkol sa mga Waray?

a)

A. Sila ay masayahin at mahilig sa mga sayaw.

b)

B. Sila ay matipid.

c)

C. Sila ay nagmula sa hilagang bahagi ng bansa.

d)

D. Sila ay mahilig magluto ng masasarap na pagkain.

10.

Ano ang maaari mong magawa bilang mag-aaral upang maipagmalaki ang mga pangkat ng tao sa ating rehiyon?

a)

Huwag makilahok sa mga gawaing nagpapaunlad ng pamayanan.

b)

Ipagmalaki ang kinabibilangang pangkat ng tao.

c)

Pumunta sa ibang pangkat etniko at doon manirahan.

d)

Sabihin sa iba na mas magaling ka sa kanila.

11.

Ano ang salitang tumutukoy sa mga bagay na likha o gawa ng tao na naipakikita sa biswal na bagay, pandinig at panlasa?

a)

Kultura

b)

Eskultura

c)

Sining

d)

Paglililok

12.

12. Sino ang tanyag sa larangan ng musika na nagpakita ng husay sa Miss Saigon?

a)

A. Sharon Cuneta

b)

C. Lea Salonga

c)

B. Sarah Geronimo

d)

D. Levi Celerio

13.

Alin sa sumusunod ang hindi katutubong sayaw ng mga Pilipino kabilang ang mga taga-NCR?

a)

Tinikling

b)

Jazz

c)

Cariñosa

d)

Itik-Itik

14.

14. Ano ang tanyag na eskultura ang nililok ni Guillermo Tolentino na ipinakikita ang isang bayani ng NCR?

a)

A. Bonifacio Monument

b)

B. Rizal Monument

c)

C. Gomburza Monument

d)

D. Santo Domingo Church

15.

Bakit mahalagang matutuhan ang sining ng NCR at Lungsod Makati?

a)

Upang magkaroon sila ng bantayog.

b)

Upang hindi na muling pag-aralan sa klase.

c)

Upang mainggit ang ibang tao dahil mas mahusay sila.

d)

Upang hangaan at maging inspirasyon ng mag-aaral.

16.

Ano ang ipinakikita ng sining sa buhay ng mga tao sa isang bansa o rehiyon?

a)

Ang sining ay magastos at nagpapahirap sa mga tao.

b)

Ang sining ay mahalagang bahagi ng buhay ng tao.

c)

Ang sining ay pag-aaksaya ng oras.

d)

Ang sining ay hindi mahalaga sa buhay ng mga tao.

17.

Sa anong larangan naging tanyag si Isabelo Tampinco na gumawa ng altar sa Simbahan ng Laoag sa Ilocos?

a)

Paglililok

b)

Sayaw

c)

Awit

d)

Pagpipinta

18.

Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa sining?

a)

Pagmamano

b)

Pag-awit

c)

Bayanihan

d)

Pamamanhikan

19.

Sino ang naglilok ng estatwa ng Oblation sa UP Diliman?

a)

Isabelo Tampinco

b)

Lea Salonga

c)

Felix Hidalgo

d)

Guillermo Tolentino

20.

Ang mga sumusunod ay mga katutubong laro maliban sa isa. Ano ito?

a)

Basketbol

b)

Patintero

c)

Luksong Tinik

d)

Piko