NEW
Font size
WorksheetsHirarkiya ng Pagpapahalaga
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Siya ang nag-aral patungkol sa hirarkiya ng pagpapahalaga na inaral natin.
Max Scheler
Thomas Aquinas
Abraham Maslow
Jean Piaget
Ito ang mga pagpapahalaga na may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being).
Ispirtwal na pagpapahalaga
Pandamdam na pagpapahalaga
Pambuhay na pagpapahalaga
Banal na pagpapahalaga
Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kanyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.
Banal na pagpapahalaga
Pandamdam na pagpapahalaga
Pambuhay na pagpapahalaga
Ispiritwal na pagpapahalaga
Ang mga pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa kasiyahang pandama ng tao.
Pambuhay na pagpapahalaga
Pandamdam na pagpapahalaga
Banal na pagpapahalaga
Ispiritwal na pagpapahalaga
Ito ay nahahati sa tatlong uri:
a. Aesthetic values
b. Value of justice
c. Value of full cognition of truth
Banal na pagpapahalaga
Ispiritwal na pagpapahalaga
Pandamdam na pagpapahalaga
Pambuhay na pagpapahalaga
Si Carlo ay nag-eehersisyo para maging malusog ang kanyang pangangatawan at makaiwas sa anumang uri ng sakit. Anong pagpapahalaga ito?
Banal na pagpapahalaga
Pambuhay na pagpapahalaga
Ispiritwal na pagpapahalaga
Pandamdam na pagpapahalaga
Nauuso ngayon ang community pantries, kung saan marami ang nagbibigay ng libreng pagkain sa mga nangangailangan. Anong pagpapahalaga ang ipinapakita dito?
Banal na pagpapahalaga
Pambuhay na pagpapahalaga
Ispiritwal na pagpapahalaga
Pandamdam na pagpapahalaga
Ayon sa Mateo 4:4, "Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos." Sa anong pagpapahalaga maaaring iugnay ang talatang ito?
Banal na pagpapahalaga
Pandamdam na pagpapahalaga
Ispiritwal na pagpapahalaga
Pambuhay na pagpapahalaga
Kapag tayo ay nagugutom, kumakain tayo. Umiinom naman tayo kung nakakaramdam tayo ng pagka-uhaw. Nagpapahinga naman tayo kapag tayo ay napapagod. Anong pagpapahalaga ang kaugnay nito?
Banal na pagpapahalaga
Pandamdam na pagpapahalaga
Ispiritwal na pagpapahalaga
Pambuhay na pagpapahalaga
Sa pabula ni Tipaklong at Langgam, anong dalawang pagpapahalaga ang ating matutukoy?
Banal na pagpapahalaga at Ispiritwal na pagpapahalaga
Pandamdam na pagpapahalaga at Banal na pagpapahalaga
Ispiritwal na pagpapahalaga at pambuhay na pagpapahalaga
Pambuhay na pagpapahalaga at pandamdam na pagpapahalaga
