NEW
Font size
Worksheets3rd quarter Araling Panlipunan 2 Week 7 quiz 5
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
1. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang mabuting pinuno maliban sa ____________ .
mapagmahal sa bayan
nagpapakita ng kabutihan
palaging tinatamad sa mga gawain
2. Bakit kailangang pumili tayo ng pinunong may magandang katangian?
upang maging sikat ang pinuno nating napili
upang maging maayos niyang mapamunuan an gating bayan
upang maging maganda ang patingin nila sa ibang bayan
3. Ano ang maaaring mangyari kung nagkakaisa at nakikipagtulungan ang mga mamamayan sa pinuno ng kanilang komunidad?
magiging malungkot ang buhay nila
mahihirapan silang mamuhay
magiging maunlad ang komunidad
4. Sinu-sino ang bumubuo sa Sangguniang Pambarangay?
gobernador at kapitan
kapitan at mga kagawad
mga kagawad at mamamayan
5. Ano ang tungkulin ng mga mamamayan sa komunidad?
magbigay ng gastusin sa komunidad
magtrabaho para sa komunidad
pumili ng lider para sa komunidad
6. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng kapitan sa komunidad?
nagpapanatili ng katahimikan
nagpapatupat ng batas
pumili ng lider sa komunidad
7. Ano ang tungkulin ng mga tanod sa ating komunidad?
nagpapatupad ng batas
nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan
tinutulungan ang kapitan sa pagsasaayos ng komunidad
8. Ano kaya ang mangyayari kung ang ating komunidad ay magiging maayos?
malulungkot ang mga tao
lilipat sa ibang lugar ang mga tao
magiging masaya ang mga tao
9. Alin sa mga sumusunod ang mga katangian ng komunidad na dapat tularan?
maayos at tahimik
tahimik at marumi
marumi at maingay
10. Sino ang pinakamataas na pinuno sa komunidad?
kagawad
tanod
kapitan
