Font size
WorksheetsAre you smarter than a Grade 5?
Total questions: 30
Worksheet time: 40mins
Easy. Ang mga hanapbuhay ng mga Pilipino noon ay nakabatay sa likas na yaman at kapaligirang malapit sa kanya.
Tama
Mali
Average. Siya ang itinuturing na pinakamalakas at pinakamataas na diyos ng mga sinaunang Pilipino noon. Sino siya?
Bathala
Agni
Idyinale
Diyan Masalanta
Easy. Saang pulo ng Pilipinas unang lumganap ang paniniwalaang Islam?
Mindanao
Luzon
Visayas
Average. Ang mga Muslim ay naniniwala na si Muhammad ang kanilang dakilang propeta at si __________ ang kanilang nag-iisang diyos.
Bathala
Abu Bakar
Allah
Koran
AVERAGE. Ito ang pagdarasal ng mga Muslim ng limang beses sa isang araw na nakaharap sa Mecca. Ano ito?
Salat
Zakat
Shahada
Hajj
AVERAGE. Ito ang sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino noon. Ano ang tawag dito?
Alibata
Abakada
Baybayin
AVERAGE. Ano ang larong ito?
HARD. Siya ang unang manlalakbay na Kanluranin na nakarating sa Pilipinas noong 1521. Sino siya?
Clue: Isa siyang Portuguese
AVERAGE. Ito ang isla sa East Indies na hinahanap ni Ferdinand Magellan. Tinatawag din itong "Spice Island". Anong isla ito?
Limasawa
Mollucas
Cebu
Mactan
AVERAGE. Siya ang datu ng Mactan na hindi kinilala ang kapangyarihan ng Espanya at kinilala bilang unang bayaning Pilipino. Sino siya?
Humabon
Lapulapu
Enrique
Kulambo
AVERAGE. Ito ang bansa sa Asya na may pinakamalaking bilang ng Katoliko at Kristiyano. Anong bansa ito?
China
Indonesia
Saudi Arabia
Pilipinas
EASY. Ang buwis ay mahalaga dahil ginagamit ito ng pamahalaan upang magbigay ng serbisyo sa mga tao tulad ng pagpapagawa ng mga hospital, daanan at iba pa.
TAMA
MALI
AVERAGE. Ito ang patakaran ng sapilitang paggawa ng mga lalaking Pilipino sa mga gawaing pambayan sa loob ng 40 na araw.
Polo Y Servicio
Bandala
Patronato real
EASY. Siya ang pinakamataas na kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas.
Gobernadorcillo
Gobernador-Heneral
Cabeza de Barangay
AVERAGE. Sila ang mga dayuhang nanakop sa Pilipinas sa loob ng 333 na taon kaya naman ay na impluwensyahan nila ang kulturang Pilipino. Sino sila?
EASY. Ito ay bahagi ng kultura na pwedeng makita, mahawakan, at minsan ay pwede pang makain dahil may pisikal ito anyo. Anong kultura ito?
Kulturang di-materyal
Kulturang materyal
AVERAGE. Pinagkaisa niya ang mga Muslim sa Mindanao upang labanan ang pagkalat ng Kristiyanismo noong 1656. Sino siya?
Sultan Kabungsuan
Sultan Abu Bakr
Sultan Kudarat
AVERAGE. Ang kalakalang Galyon ay kalakalan sa pagitan ng mga lugar na Maynila, Pilipinas at ___________________.
Madrid, Espanya
Acapulco, Mexico
Havana, Cuba
AVERAGE. Ito ang pananakop ng isang mas malakas na bansa sa isang lupain o bansa.
Kolonyalismo
Merkantilismo
EASY. Sinasakop ng mga Europeo ang mga lupain o ibang bansa upang gamitin at kunin ang kanilang mga likas na yaman.
TAMA
MALI
AVERAGE. Ang Espanya at ___________ ay mga bansa sa Europa na nanguna sa paglalakbay at pananakop noon.
England
Portugal
Pransya
HARD. Kumpletuhin ang tatlong pangunahing layunin ng paglalakbay at pananakop ng mga Europeo: GOD (Kristiyanismo), GLORY (Karangalan) at _________________.
AVERAGE. Anong relihiyon o paniniwala ang pinapalaganap ng mga Kastila sa Pilipinas?
HARD. Kilala siya bilang "The Liberator of Ilocos" na nag-alsa at lumaban sa mga Espanyol noong 1762. Sino siya?
HARD. Kilala siya bilang "Joan of Arc" at "La Henerala" ng Ilocos dahil sa tapang niyang na pamunuan ang mga Ilocano laban sa mga Espanyol matapos mamatay ng kanyang asawa. Sino siya?
Easy. Ano ang tawag sa patakaran ng sapilitang pagtatanim ng tabako sa Pilipinas noong 1782-1883?
Sapilitang Tabako
Monopolyo ng Tabako
Kalakalang Tabako
Average. Sila ang mga Pilipino nakapag-aral sa ibang bansa dahil mayaman sila at doon ay nalaman nila ang Kaisipang Liberal. Sino sila?
Peninsulares
Insulares
Ilustrado
Indio
HARD. Ito ang mga kaisipan na tungkol sa kalayaan at iba't ibang karapatan ng tao na unang umunlad sa Europa at Estados Unidos (USA). Ano ito?
HARD. Siya ang Espanyol na matagumpay na nakasakop sa Pilipinas. Sino siya?
Clue: Unang Gobernador-Heneral
SUPER BONUS QUESTION.
Ano ang buong pangalan ng teacher niyo sa A.P. 5?
Kailangan kasama ang Middle Initial. (Halimbawa: Jose P. Rizal)
