NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO Q3- QUIZ
Total questions: 20
Worksheet time: 24mins
Tukuyin ang kahulugan o ibig sabihin ng bawat tambalang salita
1. labas-pasok
akto ng paulit-ulit na paglabas at pagpasok
hindi mapakali sa gagawin
magnanakaw
taong madalas na pinalalayas
Tukuyin ang kahulugan o ibig sabihin ng bawat tambalang salita
2. lampas-tao
malaking bilang ng mga tao sa isang grupo
mas mataas sa karaniwang tangkad ng tao
pangkat ng mga kabataan
malayo sa kasalukuyang kinalalagyan ng tao
Ibigay ang paksa at tema ng teksto.Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
3. Ang pagkakaroon ng edukasyon ng isang tao ay mahalagang bagay. Upang mabago ang lipunan mahalagang makatapos ng pag-aaral ang mga bata. Ang sabi nga ni Nelson Mandela, “Ang edukasyon ang pinakamakapangyarihang sandata na magagamit upang makapagpabago sa mundo.
Ang edukasyon ang pinakamakapangyarihang sandata na magagamit upang makapagpabago sa mundo.
Upang mabago ang lipunan mahalagang makatapos ng pag-aaral ang mga bata.
Ang pagkakaroon ng edukasyon ng isang tao ay mahalagang bagay.
Piliin ang pandiwang ginamit bilang karanasan sa pangungusap.
4. Naiyak si Andi sa pagkawala ng kaniyang aso.
naiyak
Andi
aso
Piliin ang pandiwang ginamit bilang karanasan sa pangungusap.
5.Natuwa si Andrea sa marka niya sa Filipino ngayong 2nd quarter.
Andrea
natuwa
Filipino
Piliin ang letrang idadagdag sa hulihan upang makabuo ng bagong salita.
6. uso
k
t
l
m
Piliin ang letrang idadagdag sa unahan upang makabuo ng bagong salita.
7. asa
d
b
s
r
Piliin kung paano nabago ang unang salita upang mabuo ang pangalawang salita.
8. tawag - tawad
pinalitan
dinagdagan
binawasan
Tukuyin ang salitang hinuha sa bawat pangungusap.
9. Marahil ay nasanay na kayo sa online class natin.
marahil
nasanay
online class
Tukuyin ang salitang hinuha sa bawat pangungusap.
10. Baka kapag lahat tayo ay sumunod sa safety protocols ay mawawala na ang Covid-19.
safety
sumunod
baka
Tukuyin ang salitang hinuha sa bawat pangungusap.
11. Siguro magkakaroon na tayo ng face to face sa susunod na school year.
magkakaroon
siguro
school
Piliin ang mga pang-ukol sa bawat pangungusap.
12. Ang mga bagong libro ay para kay Ronnie.
bagong libro
para kay
Ronnie
Piliin ang mga pang-ukol sa bawat pangungusap.
13. Nais tayong kausapin ng punong-guro para sa parating na kompetisyon sa ating lungsod.
kausapin
punong-guro
para sa
Tukuyin ang pang-abay na pamaraan sa bawat pangungusap.
14. Masipag mag-ipon ang batang si Jenny kaya mayroon siyang pambili ng bagong damit.
masipag
mag-ipon
Jenny
damit
Tukuyin ang pang-abay na pamaraan sa bawat pangungusap.
15. Si Baste ay tahimik na nakikinig sa kanyang lola habang ito ay nagkukwento.
Baste
tahimik
nakikinig
lola
Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang pangungusap.
16. Tuwing hapon ay tinutulungan ako ni nanay sa pagsagot ng aking modyul.
Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na Panlunan
Pang-abay na Pamaraan
Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang pangungusap.
17. Hindi pa tayo pwedeng pumasok sa paaralan.
Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na Panlunan
Pang-abay na Pamaraan
Piliin ang sanhi sa pangungusap na nasa ibaba.
18.Nag-aral siya nang mabuti kaya hindi siya nahirapan sa pagsusulit.
Nag-aral siya nang mabuti
Kaya hindi siya nahirapan sa pagsususlit
Piliin ang bunga sa pangungusap na nasa ibaba.
19. Nais niyang makapunta sa bahay ng kaibigan kaya’t nagpaalam siya sa kaniyang magulang.
Nais niyang makapunta sa bahay ng kaibigan
kaya’t nagpaalam siya sa kaniyang magulang.
20. Ibigay ang angkop na pamagat ng talata.
Mahusay sumayaw si Noli. Araw-araw ang ginagawa niyang pag-eensayo. Gusto niyang makamit ang pagiging kampeon. Gusto niyang ikarangal siya ng kaniyang mga magulang.
Ang Pagsayaw ni Noli
Ikarangal ng Magulang.
Araw-araw na Pagensayo
