wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa EsP Ikatlong Kwarter

Total questions: 20

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

1. Isa sa mga pinag-aralan ninyo sa inyong aralin ay ang mga batas pangkalusugan. Agad mo itong sinaliksik gamit ang cellphone na hiniram mo sa iyong kuya.

a)

Tama

b)

Mali

2.

2. Paggawa ng FB page para sa proyekto ng mga kabataan sa inyong lugar na naglalayong makaiwas sa peligrong dulot ng COVID-19.

a)

Tama

b)

Mali

3.

3. Hindi mo pinansin ang iyong kamag-aaral na gustong makigamit ng computer dahil abala ka rin sa paggawa ng iyong proyekto at ayaw mong mahuli ka sa pagpapasa sa inyong guro.

a)

Tama

b)

Mali

4.

4. Nakita mong nahihirapan ang iyong kaklase kung paano ang gagawin niya upang matapos ang kaniyang proyekto sa batas pangkapayapaan at alam mo ang gagawin ngunit hindi mo siya ginabayan.

a)

Mali

b)

Tama

5.

5. Paggawa ng poster ng wastong paghihiwa-hiwalay ng mga basura gamit ang aplikasyon sa kompyuter.

a)

Mali

b)

Tama

6.

6. Madalas kang ayain ng iyong mga kaibigan na lumabas dahil nakakainip ng maglagi sa bahay. Ngunit binilinan ka ng iyong ina na hindi ka pwedeng lumabas.

a)

a. Alam mo ang peligrong idudulot ng iyong gagawin kaya hindi ka na lang lalabas.

b)

b. Lalabas ka dahil inip na inip ka na sa bahay at minsan lang naman.

c)

c. Hindi mo na lang papansinin ang iyong mga kaibigan upang hindi ka na kulitin.

7.

7. Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyektong humihikayat sa lahat na magtanim ng mga gulay sa kanilang likod-bahay.

a)

a.Tumalima sa proyekto dahil napakahalaga ng gulay sa pang arawaraw na pagkain.

b)

b. Hindi ka naman mahilig sa gulay kaya hindi ka magtatanim

c)

c. Hayaan mo na lang ang iyong mga magulang na gumawa nito

8.

8. Ilan sa inyong mga kapitbahay ang madalas maglagi sa tindahan na malapit sa inyong tahanan. Gayunman, napansin mo na hindi nilalagay sa basurahan ang kanilang kalat.

a)

a. Papayuhan ang nagtitinda na maglagay ng basurahan sa harap ng kanyang tindahan.

b)

b. Wala kang gagawin dahil tindahan naman nila iyon.

c)

c. Sisigawan ang mga bumibili na ilagay ang kalat sa basurahan.

9.

9. Nakatira kayo sa paanan ng bundok. Isang umaga, may nakita kang isang grupo na nagpuputol ng mga puno. Ano ang iyong gagawin?

a)

a. Ipapaalam ito sa inyong kapitan.

b)

b. Huwag silang pansinin sa kanilang ginagawa

c)

c. Aalamin mo kung may permiso ba sila para magputol ng puno.

10.

10. Nais dalawin ng iyong kamag-anak ang inyong pamilya. Alam mong may health protocols na kapag galing sa ibang lugar ay kailangang ipagbigay alam ito upang makapag quarantine. Hindi balak ipaaalam ito ng iyong magulang.

a)

a. Sasabihan ang magulang na dapat sundin ang health protocols para sa ikabubuti ng lahat

b)

b. Makiayon na lang sa kanilang pasya.

c)

c. Pagagalitan ang magulang dahil hindi sila marunong sumunod.

11.

11. Mataas na ang tubig dahil sa lakas ng ulan na dulot ng bagyong Yolanda. Ayaw sumamang lumikas ng inyong kapit-bahay dahil baka mawala ang kanilang ari-arian.

a)

a. Sasabihin sa tatay na kumbinsihin sila upang lumikas na rin.

b)

b. Huwag na silang pakialaman sa kanilang desisyon

c)

c. Iwanan na lamang sila dahil matigas ang kanilang ulo

12.

12. Madalas mong nakikita ang iyong lolo na laging inuubo at masama ang pakiramdam. Natatakot ka at nag-aalala ka na iniinda na itong sakit. Ano ang gagawin mo?

a)

a. Uutusan mo ang iyong nakababatang kapatid na siyang tumingin sa inyong lolo

b)

b. Uutusan mo ang iyong nakababatang kapatid na siyang tumingin sa inyong lolo.

c)

c. Ipagbibigay alam mo ito sa iyong magulang upang maipacheckup ang iyong lolo at madala siya sa inyong health center.

13.

Bagaman umalis ang kanyang mga magulang upang pumunta sa pamilihan, inasikaso pa rin ng magkapatid na Jimmy at Mara ang kanilang mga tiya na sorpresang dumalaw sa kanila sa probinsya.

a)

Maka-Diyos

b)

Maka-Kalikasan

c)

May matibay na pagkakabuklod sa Pamilya

d)

Magiliw sa pagtanggap ng mga Bisita

14.

14. Tuwing Linggo ay dumadalo sa pagsamba ang pamilya nina Nescy sa kanilang kapilya. Ano ang kanais-nais na kaugalian ng mga Pilipino ang ipinapakita nila?

a)

Maka-Diyos

b)

Maka-Kalikasan

c)

May matibay na Pagkakaabuklod ang Pamilya

d)

Magiliw na Pagtanggap sa Bisita

15.

15. Kahit pa nasa kolehiyo na ang kapatid ni Johnny, linggo-linggo pa rin itong umuuwi upang makapiling ang kanilang pamilya.

a)

Maka-Kalikasan

b)

Maka-Diyos

c)

May matibay na pagkakabuklod ang Pamilya

d)

Magiliw na Pagtanggap sa mga Bisita

16.

16. Dahil sa kagustuhan ng nanay ni Allysa na makapaghain ng masarap na pagkain para sa kanilang bisita, palihim itong lumabas at humiram ng pera sa kanyang tita Ellen. Piliin kung kanais-nais bang kaugalian ang ipinakita ng nanay ni Allysa o hindi kanais-nais.

a)

Kanais- nais

b)

Hindi Kanais-nais

17.

17. Palaging bumibili ng mga imaheng santo ang lola ni Ana sa tuwing may makikita ito sa may labas ng simbahan. Para kay Ana, mas mainam ang manampalataya sa tunay na Panginoon ng hindi tumitingin sa mga estatwang ginawa upang maging modelo nito. Ano sa tingin mo ang kaugaliang Pilipino na ipinakita ni Ana?

a)

Kanais-nais

b)

Hindi kanis-nais

18.

Ayon sa tanong sa bilang 17, ano ang kaugaliang ipinakita ng lola ni Ana? Basahin muli sa ibaba ang sitwasyon sa bilang 17.


17. Palaging bumibili ng mga imaheng santo ang lola ni Ana sa tuwing may makikita ito sa may labas ng simbahan. Para kay Ana, mas mainam ang manampalataya sa tunay na Panginoon ng hindi tumitingin sa mga estatwang ginawa upang maging modelo nito. Ano sa tingin mo ang kaugaliang Pilipino na ipinakita ni Ana?

a)

Kanais-nais

b)

Hindi kanais-nais

19.

Ang bawat mamamayan ay mayroong (a)   o kalayaan.

20.

Kalakip nito ang mga (a)   o responsibilidad.

Similar Resources on Wayground