Font size
WorksheetsFilipino 6 4th Summative Test
Total questions: 20
Worksheet time: 21mins
Alin sa mga sumusunod ang angkop na paglalarawan sa Pangatnig?
a. Ito ay salitang nagsasaad ng kilos o galaw.
b. Ito ay salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip.
c. Ito ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap.
d. Ito ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pangyayari o ideya.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumagamit ng pangatnig?
a. Ang mga bata ay naglalaro.
b. Magaling sa pakikipag-usapan si Mario.
c. Ito ang aking paboritong laruan.
d. Maglalaro sana ako ngunit tinawag ako ni Tatay.
Alin sa mga sumusunod na salita ang ginagamit pang-ugnay sa dalawang kaisipang may hinhinging kundisyon?
a. kung
b. habang
c. ngunit
d. sapagkat
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginagamt sa pag-uugnay ng dalawang salita o kaisipang pinagpipilian?
a. Nagluto si Nanay ng masarap na ulam.
b. Ano ang gusto manga o saging?
c. Malakas na umiyak ang beybi kasi kinuha ni Roy laruan niya.
d. Mananatiling malinis ang paligid sapagkat iniingatan ito ng mga kabataan.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginagamt sa pag-uugnay ng sanhi o dahilan ng pangyayari o ikinikilos?
a. Umiyak ng malakas si beybi dahil kunuha ng kanyang kuya ang kanyang laruan.
b. Sino ba ang mahal mo ako o siya?
c. Malakas na umiyak ang beybi kasi kinuha ni Roy laruan niya.
d. Mananatiling malinis at mapayapa sa bukid ni Aling Susan.
Pumili sa saknong. Isulat/E-type ang angkop na pangatnig upang mabuo ang pangungusap.
( samantalang, kasi, kapag )
Si Ate ay tumutulong kay Nanay (a) si kuya ay tumutulong kay Tatay sa pag-aayos ng sirang mesa namin.
Pumili sa saknong. Isulat/E-type ang angkop na pangatnig upang mabuo ang pangungusap.
( dahil , at, ngunit )
Gusto kitang tulungan sa iyong takdang aralin (a) marami pa akong ginagawa.
Alin sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang nababagot?
a. nagdududa
b. nagbahagi
c. natatakot
d. naiinip
Alin sa mga sumusunod na salita ang kasalungat ng salitang pagsubok?
a. matarik
b. biyaya
c. natatakot
d. kalamidad
Alin sa mga sumusunod ang angkop na paglalarawan sa Pang-angkop?
a. Ito ay katagang ginagamit upang maganda ang pagkakabigkas ng dalawang salitang magkasunod.
b. Ito ay bahagi ng pananalita na ipinapahayag ang mga ugnayan sa panahon o lawak (o pagmamarka sa iba't ibang semantikong pagganap .
c. Ito ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap.
d. Ito ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pangyayari o ideya.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumagamit ng pang-angkop?
a. Kinain ni Sarah ang manga.
b. Matarik na bundok ang inakyat nina Jose at Ben.
c. Ito ang binili ni Tatay noong pasko.
d. Malaki ang ipinagbago ni Beth noong pumunta siya sa Maynila.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumagamit ng pang-angkop?
a. Kinuha ni Joy ang pagkain ni Cj.
b. Mahal na mahal ko ang aking Nanay at Tatay.
c. Marami akong paboritong pagkain.
d. Masayang naglalaro ang mga bata sa plasa.
Alin sa mga sumusunod ang angkop na paglalarawan sa pang-abay na Pamanahon?
a. Naglalarawan kung paano ginawa ang kilos.
b. Naglalarawan sa bilang o dami .
c. Naglalarawan kung kalian ginawa ang kilos.
d. Naglalarawan kung saan ginawa ang kilos.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng pang-abay na panlunan?
a. Marami ang naghihintay sa kanyang pagdating.
b. Malakas humilik ang lalaking natutulog.
c. Magkakaroon kami ng pagsusulit bukas.
d. Parang hirap nang makabangon ang mga tinamaan ng kalamidad sa Gitnang Luzon.
Alin sa mga sumusunod ang angkop na paglalarawan sa pang-abay na pamanahon?
a. Naglalarawan kung paano ginawa ang kilos.
b. Naglalarawan sa bilang o dami .
c. Naglalarawan kung kailan ginawa ang kilos.
d. Naglalarawan kung saan ginawa ang kilos.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng pang-abay na Pamaraan?
a. Masayang nagsasayawan ang Pamilya ni Carlo dahil sa kanyang pagkapanalo sa patimpalak.
b. Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Mulan noong isang araw sa gym.
c. Magkakaroon kami ng pagsusulit mula Lunes hanggang Miyerkoles.
d. Parang hirap nang makabangon ang mga tinamaan ng kalamidad sa Gitnang Luzon.
E-type ang iyong sagot. Magbigay ng isang halimbawa ng pangungusap na nagpapakita ng “OPINYON”.
E-type ang iyong sagot. Magbigay ng isang halimbawa ng pangungusap na nagpapakita ng “KATOTOHANAN”.
E-type ang iyong sagot. Sa tulang “Halina … Para sa bayan!, Ano ang panawagan para sa mga kabataan?
E-type ang iyong sagot. Ano ang magandang aral na naituro ng kuwentong “Dear Diary”?
