wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO QUIZ- 3RD QUARTER

Total questions: 20

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Hindi matatawaran ang kabutihang-loob ng ilang mga Pilipino sa panahon ng pandemya.


Alin ang tambalang salita sa pangungusap?

a)

hindi

b)

Pilipino

c)

kabutihang -loob

d)

pandemya

2.

Nagtataingang-kawali si Red sa utos ng kanyang ina.


Alin ang tamabalang salita sa pangungusap?

a)

Red

b)

utos

c)

Taingang-kawali

d)

ina

3.

Ang sumusunod na salita ay nabuo sa pagdaragdag ng tunog maliban sa isa.

a)

pala-palay

b)

lubos-ubos

c)

saba-sabaw

d)

gata-gatas

4.

Walang sinasayang na panahon si Jun. Maaga pa lang ay naghahanda na siya para sa kaniyang klase. I nihahanda niya angmga gagamitin niya sa pag-aaral. Pagkatapos naman ng kaniyang klase ay ginagawa niya agad ang mga takdang-aralin.


Ano ang paksa ng talata?

a)

Ang batang masipag mag-aral

b)

Ang batang ayaw mag-aral

c)

Ang batang makulit

d)

Ang batang walangn tiyaga sa pag-aaral

5.

Si Nadine ay mahusay umawit at sumayaw. Sumasali siya sa mga paligsahan sa kanilang paaralan. Palagi s iyang nananalo dahil ibinigay niya nang buong husay ang kaniyang talento.


Ano ang paksa ng talata?

a)

Ang magandang si Nadine

b)

Ang iba't ibang talento ni Nadine

c)

Ang batang umayaw na si nadine

d)

Ang mahusay sumayaw na si Nadine

6.

Dumaan man ang mga problema, siya ay patuloy na magiging matatag sa kaniyang pananampalataya. Ang pandiwa sa loob ng pangungusap ay____

a)

dumaan

b)

problema

c)

patuloy

d)

matatag

7.

Nabalitaan mong may bigayan ng relief goods sa inyong barangay simula bukas ngunit pinaaalalahanang dapat sundin ang iskedyul at hindi sabay- sabay. Ano ang angkop na opinyon mo ukol dito?

a)

Hindi ako sang-ayon dahil dapat sabay-sabay ang lahat kahit may pandemya.

b)

Hindi ako sang-ayon dahil baka magkaubusan na ng mga ibibigay.

c)

Sang-ayon ako upang lahat ay ligtas at maging maayos ang proseso.

d)

Sang-ayon ako basta dagdagan nila ang ibibigay sa amin.

8.

Si Dagul ay nadapa kaya't siya ay nasugatan.


Ano ang sanhi sa pangungusap?

a)

Si Dagul ay nasugatan

b)

Si Dagul ay nadapa

c)

Si Dagul ay umiyak

d)

wala sa nabanggit

9.

Ano ang pang-ukol sa pangungusap?


_______ ating guro, magkakaroon tayo ng pagsusulit sa darating na linggo.

a)

Ayon sa

b)

para sa

c)

Laban sa

d)

tungkol sa

10.

Isinulat ang modyul na ito _______ ikatututo ng mga mag-aaral. Ano ang angkop na pang-ukol sa pangungusap?

a)

tungkol sa

b)

ukol sa

c)

para sa

d)

ayon sa

11.

Ang ating aralin ngayon ay _______pang-ukol at pagsulat ng mga liham. Ano ang angkop na pang-ukol sa pangungusap?

a)

para sa

b)

laban sa

c)

ayon sa

d)

tungkol sa

12.

Ang mga mag-aaral sa PES ay naglulunsad ng kampanya ______ mga biktima ng baha. Ano ang tamang pang-ukol na angkop gamitin sa pangungusap?

a)

ukol sa

b)

tungkol sa

c)

ayon sa

d)

para sa

13.

Itinahi nang mahusay ni Aling Thelma ang mga bestida.

Ano ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap?

a)

itinahi nang mahusay

b)

Itinahi

c)

Aling Thelma

d)

Ang mga bestida

14.

Matiyaga nilang ibinalot ang mga pagkain para sa mga nasalanta. Ano ang pang-abay sa pangungusap?

a)

nilang ibinalot

b)

ang mga pagkain

c)

para sa mga nasalanta

d)

matiyagang ibinalot

15.

Taimtim akong nagdarasal para sa kapayapaan ng ating bansa. Ano ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap?

a)

ating bansa

b)

para sa kapayapaan

c)

taimtim akong nagdasal

d)

nagdasal

16.

Masayang tinanggap ng mga Pilipino ang planong pagpapabakuna. Ano ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap?

a)

Pilipino

b)

Masayang tinanggap

c)

plano

d)

pagbabakuna

17.

Masiglang nag-aaral ang mga bata sa kanilang online class. Ano ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap?

a)

masiglang nag-aaral

b)

mga bata

c)

online class

d)

nag-aaral

18.

Magalang na sumasagot ang mga mag-aaral sa bawat tanong ng guro. Ano ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap?

a)

sumasagot

b)

mag-aaral

c)

tanong ng guro

d)

magalang na sumasagot

19.

Ang tagahatid-sulat ay mabilis maglakad dahil tirik na tirik ang araw. Ano ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap?

a)

tagahatid-sulat

b)

mabilis maglakad

c)

tirik na tirik

d)

ang araw

20.

Maraming kapakinabangan ang mga halaman sa ating paligid. Ginagamit ang mga puno sa paggawa ng bahay, at mga kasangkapan sa tahanan. Ang ilan

sa mga halaman sa paligid ay mabisang panlunas sa mga sakit. Tumutulong din sa atin ang mga puno upang makaiwas tayo sa polusyon at baha tuwing tag-ulan. Karamihan din sa ating mga pagkain ay galing sa iba’t ibang tanim.


Alin ang angkp na pamagat sa tekstong binasa?

a)

Ang kapaligiran

b)

Pag-iwas sa baha

c)

kapakipakinabangan ng mga Halaman

d)

Pag-iwas sa Polosyun