wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mahabang Pagsusulit sa Nobela

Total questions: 20

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Sa pagdating ni Godfrey Munira sa probinsya ng Ilmorog, nakita niya na hindi kaaya-aya ag bahay sa bakuran ng paaralan pati ang loob nito. Anong elemento ng nobela ang inilalarawan sa pangungusap?

a)

Banghay

b)

Tagpuan

c)

Tauhan

d)

Pananalita

2.

Babalik siya sa Ilmorog upang ituloy ang kaniyang pangarap para sa paaralan pati na rin sa mga tao roon. Anong elemento ng nobela ang inilalarawan sa pangungusap?

a)

Banghay

b)

Simbolismo

c)

Pananaw

d)

Pananalita

3.

Matapos sabihin ni Minura na kailangan ng maghanap ng ibang guro, nakita niya ang mukha ng ilan na tinatawanan siya dahil sa kanyang pagsuko. Ano ang nais ipahiwatig ng salitang nakasalungguhit?

a)

Pang-aasar

b)

Panunuya

c)

Pangyuyurak

d)

Pagmamaliit

4.

Anong uri ng akdang pampanitikang naglalahad ng kawing-kawing na pangyayari at nagtataglay ng maraming tagpuan.

a)

Nobela

b)

Maikling Kuwento

c)

Tula

d)

Mito

5.

Ang kapanapanabik na bahagi sa mga pangyayari sa nobela

a)

Tunggalian

b)

Kasukdulan

c)

kakalasan

d)

suliranin

6.

Ang tagpuang ginamit sa nobelang "Talulot ng Dugo"

a)

Kenya

b)

Ilog

c)

Ilmorog

d)

Enugu

7.

Saan makikita ang pangyayaring ito sa nobelang "Talulot ng Dugo" Napag-usapan agad ng mga matatandang babae at lalaki ang pagdating ni Munira. Sinabi nila na hindi magtatagal si Munira tulad ng ibang guro doon.

a)

Simula

b)

Gitna

c)

Wakas

d)

Tunggalian

8.

Siya ang pangunahing karakter sa nobelang "Purple Hibiscus".

a)

Beatrice Achike

b)

Eugene Achike

c)

kambili Achike

d)

Jaja

9.

ito ang tunggalian sa nobelang "purple Hibiscus"

a)

Pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan ni Beatrice(mama)

b)

Ang hindi pagkomunyon ni jaja sa simbahan

c)

Pagkamatay ni Eugene

d)

Pagmamalupit ni Eugene (papa)

10.

Naging epekto kay Kambili nang pagiging istrikto ng kanyang ama

a)

mistulang pipi

b)

animo'y bingi

c)

mistulang bulag

d)

naging paralisado

11.

Ang kanilang ama ay labis na istrikto sa pagpapalaki sa mga anak. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

Mapagbigay

b)

di-makatwiran

c)

mahigpit

d)

masama

12.

Ang kaniyang malapanatikong pagsunod sa Katolisismo ay nagdulot ng kawalan ng pagmamahal sa pagpapalaki sa mga anak. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

a)

abuloy

b)

di-makatuwiran

c)

obsesyon

d)

tagahanga

13.

Si Papa ay bukas-palad na nagbibigay ng donasyon sa kaniyang simbahan at sa paaralan ng mga bata.

a)

mapagbigay

b)

madamot

c)

marangya

d)

maalalahanin

14.

Uri ng tunggaliang ginamit sa dalawang nobela "Purple Hibiscus" , "Talulot ng Dugo"

a)

Tao vs. Tao

b)

Tao vs. Kalikasan

c)

Tao vs. Lipunan

d)

Tao vs. Sarili

15.

(a)   Ang balangkas ng nobela na sumusunod sa kaayusang Sinula-Gitna-Wakas.

16.

(a)   Ang nagsabing ang nobela ay nagbibigay ng aral hinggil sa kagandahang-asal na magiging puhunan sa pamumuhay

17.

Ang nobela ay nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo at pangyayari tungo sa kapana-panabik na wakas.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Ang nobela ay mahabang kathang pampanitikan na natatapos sa isang upuan lamang.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Ang nobela ay pumupuna sa lahat ng larangan ng buhay ng tao.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Ang nobela ay binubuo ng mga kawing-kawing na pangyayari at iisang tagpuan.

a)

Tama

b)

Mali