WorksheetsFilipino 3 Bahagi ng Pananalita
Total questions: 15
Worksheet time: 9mins
1. Ito ay salitang ngalan ng tao, hayop, bagay, pook at pangyayari.
pandiwa
pang-uri
pangngalan
pang-abay
2. Alin sa mga sumusunod na salita ang pangngalan?
kumakain
halaman
mabait
sila
3. Alin sa mga sumunsunod na salita ang Pangngalang Pantangi?
aklat
pinsan
okasyon
Pampanga
4. Ito ay mga salitang ginagamit na pamalit sa ngalan ng tao upang maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga ito.
panghalip panao
panghalip pananong
pang-uri
pang-ukol
5. Alin sa mga sumusunod na salita ang panghalip panao?
Sino? Bakit? Ano?
kapatid, kaibigan, kaklase
ako, ikaw, siya
para sa, ukol sa
6. Ito ay mga salitang ginagamit sa pagtatanong tungkol sa mga pangngalan.
panghalip pananong
panghalip panao
pandiwa
pang-abay
7. Alin sa mga sumusunod na salita ang panghalip pananong?
tayo
para sa
Andrea
Saan
8. Ito ay mga salitang naglalarawan sa pangngalan (noun) at panghalip (pronoun).
pandiwa
pang-ukol
pang-uri
panghalip panao
9. Piliin ang mga pang-uri.
maingay
natutulog
mabango
malinis
10. Ito ang tawag sa salitang nagsasabi ng kilos (verb) o galaw.
pandiwa
pang-uri
pang-abay
pangngalan
11. Piliin ang mga pandiwa.
nag-aaral
uminom
maglilinis
aralin
12. Ito ay tumutukoy o naglalarawan sa pang-uri o pandiwa.
pandiwa
bantas
pang-abay
pang-ukol
13. Piliin ang mga parirala na may pang-abay na pamaraan (adverb of manner).
Dahan-dahang naglakad palabas ng kuwarto
Itinago ni Mario ang laruan
Mabilis naglakad pauwi ng bahay
Nag-aaral mabuti ng kanyang mga aralin
14. Piliin ang mga pangungusap na may pang-abay na pamanahon?
Araw-araw naglalakad patungo sa paaralan si Henry.
Mahilig maglaro ng Roblox ang magkakaibigan.
Pakilagay ang baso sa lamesa.
Tuwing Linggo ay nanonood kami ng Online Mass ng aking pamilya.
15. Ito ay maaaring kataga o dalawang kataga na nag-uugnay o nagdurugtong ng pangngalan o panghalip sa iba pang salita o parirala sa pangungusap. Halimbawa nito ay "Ang mga libro na ito para kay Amber".
pang-ukol
pang-uri
pandiwa
pang-abay
