WorksheetsNEOKOLONYALISMO
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
(1) Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mekanismo o midyum na ginagamit sa neokolonyalismo?
Midya
edukasyon
teknolohiya
katapatan sa bansa
(2) Kailan nagsimula ang neokolonyalismo?
matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
sa pagsisimula ng ika-21 siglo
kasabay ng Panahon ng Pagtuklas
(3) Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga internasyonal na institusyon na nakatuon sa pagpapautang sa mga bansang nangangailangan?
World Bank
Asian Development Bank
United Nations
International Monetary Fund
(4) Kailan nagaganap ang kolonyal na mentalidad?
kapag bumibili ng produkto mula ibang bansa
kapag humahanga sa produkto at kultura ng ibang bansa
kapag mas mataas ang tingin sa produkto at kultura ng ibang bansa kaysa sa sarili
kapag nagtatrabaho sa ibang bansa
(5) Sa anong bansa higit na nakabatay ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas?
Tsina
Hapon
Korea
Estados Unidos
(6) Anong anyo ng neokolonyalismo ang sinasalamin dito:
Pagtangkilik sa teknolohiya at produkto mula ibang bansa kaysa sarili
neokolonyalismong pulitikal
neokolonyalismong kultural
neokolonyalismong pangmilitar
neokolonyalismong pang ekonomiya
(7) Anong anyo ng neokolonyalismo ang sinasalamin dito:
Pagsunod ng Pilipinas sa utos ng Amerika na huwag tanggapin ang komunismo sa Pilipinas.
neokolonyalismong pulitikal
neokolonyalismong kultural
neokolonyalismong pang ekonomiya
neokolonyalismong pang militar
(8) Alin sa sumusunod na bansa ang HIGIT na nakaiimpliuwensiya sa Pilipinas?
Hapon
Tsina
Estados Unidos
Canada
(9) Alin sa sumusunod ang kabilang sa mekanismo para sa neokolonyalismong kultural?
pagsasanay militar
social media
kasunduan
makabagong armas
(10) Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa epekto ng neokolonyalismo sa mga bansang naiimpluwensiyahan/ kinokontrol?
unti-unting paglakas ng mga bansa
overdependence/ labis na pagdepende
mabagal na pag-unlad ng ekonomiya
pagpapatuloy ng pagkaalipin
