wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MAY 11 OUTPUT IN FILIPINO SEMINAR (LITERASI)

Total questions: 10

Worksheet time: 2mins

Name
Class
Date
1.

Isang umaga, nasalubong mo ang iyong ninang sa daan. Paano mo siya babatiin?

a)

Magandang hapon po ninang.

b)

Magandang umaga po ninang.

c)

Magandang gabi po ninang

2.

Inutusan ka ng nanay mo na tawagin mo ang iyong lola para uminom ng kanyang gamot. Ano ang sasabihin mo kay lola?

a)

Lola, tawag ka po ni nanay iinom na po kayo ng gamot.

b)

Hoy! lola, tawag ka ni nanay. Inom ka na daw ng gamot mo.

c)

Ano ka ba lola tawag ka ni nanay! Iinom ka na ng iyong gamot.

3.

Pinapuntahan sa iyo ng nanay mo ang bahay ni Aling Paz na kumuha ng iyong module. Sa daan pa lamang nalito ka kung saan banda ang bahay nila. Paano ka magtatanong sa isang ale na papalapit sa iyo?

a)

Ale, alam mo ba ang bahay ni Aling Paz?

b)

Ituro mo nga sa akin ang bahay ni Aling Paz.

c)

Ale pwede po pakituro naman sa akin ang bahay ni Aling Paz.

4.

Nasagi mo ang gatas na iniinom ng iyong kapatid. Ano ang iyong sasabihin?

a)

Ikaw kasi inilagay mo diyan ang gatas mo.

b)

Pasensiya ka na. Hindi ko naman sinasadya.

c)

Bakit kasi hindi mo pa ininom kaagad ang gatas mo.

5.

Pinasasagutan sa iyo ni tatay ang iyong modyul. hindi mo makita ang iyong lapis. Nakita mo na maraming lapis sa pencil case ang iyong kuya. Ano ang iyong gagawin?

a)

Magpapaalam ako sa aking kuya na pahiramin niya ako ng lapis.

b)

Kukunin ko na lang ang lapis niya ng hindi nagpapaalam.

c)

Kukunin ko ang isang lapis at itatago ko agad.

6.

Dumating ang pinsan mo galing sa ibang bansa. Gusto niyang makipaglaro sa iyong mga kaibigan. Paano mo siya ipapakilala?

a)

Mga kaibigan ko, ito ang pinsan kong bagong dating sa amin.

b)

Mga kaibigan kayo na ang mgatanong sa kanyang kung sino siya.

c)

Mga kaibigan nais daw niyang makipaglaro sa inyo.

7.

Matagal na kayong hindi nakakalabas ng bahay dahil sa pandemya. May biglang dumating na kahon at nalaman mo na galing ito sa tiya mo. Ano ang iyong gagawin?

a)

Tatanggapin lamang ito.

b)

Ichat ang tiya na natanggap niyo na ang padala niya.

c)

Tatawagan ang tiya at magpapasalamat sa kanyang ipinadala,

8.

Alam mong bawal lumabas ang mga bata dahil sa pandemya. Nais mong maglaro sa labas lamang ng bahay niyo. Ano ang maaari mong gawin upang payagan kang lumabas?

a)

Magpapaalam ako ng mabuti kay nanay.

b)

Tatakbo ako palabas kapag hindi na nakatingin si nanay.

c)

Lalabas ako ng bahay kahit ayaw ni nanay.

9.

Tinatawag ni nanay si tatay. Ngunit nakita mong may kausap siya sa celphone. Ano ang iyong gagawin?

a)

Kakalabitin si tatay at sasabihin na tinatawag siya ni nanay.

b)

Kukunin kay tatay ang celphone niya at sasabihin na tinatawag siya ni nanay.

c)

Sasabihin sa nanay na may kausap pa si tatay sa celphone niya.

10.

Nabasa mo sa chatbox ng ate mo na binabati ka niya dahil matataas ang nakuha mong marka. Ano ang isasagot mo sa kanya?

a)

Maraming salamat ate.

b)

Ewan ko sa iyo ate.

c)

Ano ka ba ate?