Font size
WorksheetsFINAL (SUMMATIVE TEST)
Total questions: 15
Worksheet time: 15mins
Siya ang Prinsipe ng Humanismo at may akda- ng Praise of Folly kung saan niya tinuligsa ang hindi mabuting gawa ng mga pari at ordinaryong mamamayan
William Shakespeare
Desiderius Erasmus
Francesco Petrach
Giovanni Bocaccio
Ang bansang ito sa Europe ang siyang nagpasimula sa panggagalugad sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng pampalasa sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng pampalasa
Italy
Spain
Portugal
Germany
Ito ay tumutukoy sa transpormasyon sa aspektong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europa at sa Estados Unidos na kung saan pinalitan ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong makinarya.
Rebolusyong Agrikultural
Rebolusyong Ekonomikal
Rebolusyong Teknolohikal
Rebolusyong Industriyal
Sa Italy sumibol ang Renaissance dahil dito nagtatagpo ang mga kaisipan mula sa Silangan (Asya) at Kanluran (Europa). Ang kaisipang ito ay nagpatunay lamang na______
Malaki ang iniambag ang Heograpiya ng Italya sa pagsibol ng Renaissance.
Hindi posible ang pagsibol ng Renaissance sa ibang bahagi ng Europa.
Italya ang itinakdang bansang pinagmulan ng Renaissance
Mapalad ang Italya dahil sa lokasyon nito.
Ang prinsipyo sa pamamahala ni Niccolo Michiavelli na " The end justifies the means" ay makikita sa anong sitwasyon?
Madaling magwakas ang masama at malupit na pamumuno
Lahat ng pamamaraan ay may katapusan kung ito ay makabubuti sa lahat.
Hindi kailanman mabibigyan ng katwiran ang isang malupit na pamumuno.
Maaaring maging malupit sa pamumuno kung ang bunga naman nito ay para sa ikabubuti ng nakararami.
Pinaniniwalaan ni Thomas Hobbes na ang tao ay likas ang kasamaan o kaguluhan. Kaya naman, lohikal para sa kaniya na magkaroon ng isang pamahalaang________
tutulong at gagabay sa mga mamamayan
Nakikinig sa mga hinaing ng mamamayan
may absolutong kapangyarihan ang namumuno
may malakas na militar na susupil sa kaguluhan ng tao
Malaki ang naitulong ng rebolusyong Industriyal sapag-angat ng ekonomiya ng Europa. Ngunit hindi mapapasinungalingan na mayroon din itong naging masamang bunga sa ekonomiya. Ito ay ang ______
Paglipat ng mga tao mula rural patungo sa mga siyudad na nagpataas ng krimen
Paglaki ng bilang ng mga taong walang trabaho dahil sa mga naimbentong makinarya.
Kinakasangkapan ang mga menor de edad upang kumita ng malaki
paglala ng polusyon sa siyudad
Kalinsabay ng paglakas ng ekonomiya ng Great Britain dahil sa Rebolusyong Industriyal ay ang pagnanais nito na magkaroon ng mga kolonyang bansa. Ano ang dahilan ng pagnanais na ito?
Ninais ng Great Britain na makilala sa daigdig bilang makapangyarihang bansa.
Naghanap ang Great Britain ng pamilihang kokonsumo sa sobra nitong mga produkto.
Dahil sa laki ng kinikita ng Great Britain nagkaroon sila ng sobrang salaping panustos sa paglalayag.
Ninais ng Great Britain na talunin ang humihinang kapangyarihan ng Espanya sa Europa at maging sa ibang kontinente.
Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Makatutulong ang mga nakasalungguhit na salita sa pagsusuri ng ideya. Piliin ang wastong sagot:
I. Ang kolonisasyon at imperyalismo ay isang halimbawa ng tunggalian ng interes at pakinabang sa pagitan ng kolonisador at kolonya.
II. Sa panig ng kolonya, nakabubutiang kolonisasyonsapagkat nakakuha sila ng mga kaalaman mula sa mga mananakop na nagamit nila sa kanilang pag-unlad.
Ang una at ikalawang pangungusap ay tama
Ang una at ikalawang pangungusap ay mali
Ang unang pangungusap lamang ang tama
Ang ikalawang pangungusap lamang ang tama
Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Makatutulong ang mga nakasalungguhit na salita sa pagsusuri ng ideya. Piliin ang wastong sagot:
I. Kaalinsabay ng Enlightenment ay ang pagkuwestiyon sa katumpakan ng mga katuruan na pinanghahawakanat pinalalalaganap ng Sibahang Katolika.
II. Isa sa mga katuruang humamon sa Simbahan ay ang ideya na ang araw at Hindi Daigdig ang sentro ng Solar System.
Ang una at ikalawang pangungusap ay tama
Ang una at ikalawang pangungusap ay mali
Ang unang pangungusap lamang ang tama
Ang ikalawang pangungusap lamang ang tama
Piliin ang hindi kabilang sa pangkat
Porselana
rekado
Seda
Bigas
Piliin ang hindi kabilang sa pangkat
Ferdinand Magellan
Christopher Columbus
Amerigo Vespucci
Vasco Da Gama
Piliin ang hindi kabilang sa pangkat
John Locke
Thomas Hobbes
Cesare Beccaria
Jean Jacques Rousseau
Piliin ang hindi kabilang sa pangkat
Seed drill
Cotton gin
Mc cormick reaper
crop Rotation
Piliin ang hindi kabilang sa pangkat
Hispaniola
India
Cape of Good Hope
Mozambique
