wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagtataya sa Modyul 7

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito binubuo ng gumagalaw na larawan at tunog na lumilikha ng kapaligiran at mga karanasang malapit sa katotohanan.

a)

Direksiyon

b)

Bidyo

c)

Dulang Pantelebisyon

2.

Pinatitingkad nito ang atmospera at damdamin.

a)

Musika/tunog

b)

tauhan

c)

direksiyon

3.

Ipinapakita rito kung paano pinagsasanib ng direktor ang lahat ng sangkap ng dulang pampelikula.

a)

direksiyon

b)

direktor

c)

dula

4.

Sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.

a)

tauhan

b)

manonood

c)

direktor

5.

Ito tumutukoy sa pook o tagpuan, make-up, kasuotan, at iba pang kagamitan sa dulang pantelebisyon.

a)

disenyong pamproduksiyon

b)

sinematograpiya

c)

kagamitan

6.

Ito ang masining na pagpoposisyon ng anggulo at mga puwesto ng larawan na mapapanood sa isang pelikula.

a)

Kamera

b)

Sinematograpiya

c)

Direktor

7.

ito ang sagutang pag-uusap ng mga nagsisiganap. Tinatawag din bilang linyang binibitawan ng bawat karakter

a)

Musika

b)

Liriko

c)

Diyalogo

8.

layuning ipakita ang karanasan ng isang pangkat ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kaniyang pagkahubog.

a)

Historikal

b)

sosyolohikal

c)

sikolohikal

9.

Nagbibigay-diin sa layuning maipakita ang mga suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mambabasa sa pagpuksa sa mga katulad na suliranin.

a)

Sikolohikal

b)

Historikal

c)

Sosyolohikal

10.

Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari sa akda o tekstong nagbibigay-diin sa mga pangyayaring nagpapakita ng kalagayan, sitwasyon at suliraning panlipunang kinabibilangan ng may-akda at naipakikita batay sa kasaysayan na siyang bahagi ng buhay ng tao at manonood.

a)

Sosyo-historikal

b)

Sosyolohikal

c)

Historikal

11.

Ang tauhan sa dula ang naghahatid at nagbibigay ng mga diyalogo batay sa nabuong iskrip.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Pinangungunahan ng direktor ang kabuoang ayos at galaw ng produksyon ng dulang pantelebisyon.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Nakaugnay sa mga usapin at isyung panlipunan ang mga pangyayari sa kontekstong sosyolohikal.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Ang pelikulang “Heneral Luna” at “GOYO: Ang Batang Bayani” ay mga pelikulang nakaugnay sa Sosyo- historikal na konteksto.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Sa dulang pantelebisyon kailangan lang ito mapanood at hindi na kailangang suriin pa.

a)

Tama

b)

Mali