NEW
Font size
WorksheetsAP
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang ____________ ay tumutukoy sa lokasyon at pisikal na kapaligiran ng isang lugar. Ito ay nakakaapekto sa kultura ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon.
lugar
klima
kapaligiran
heograpiya
Iniaangkop ng mga tao ang uri ng kanilang tahanan batay sa kanilang lokasyon. Karamihan sa mga tao na naninirahan sa mga lugar na madalas daanan ng bagyo ay nagtatayo ng mga bahay na yari sa _____________.
plastic
bato
kawayan
pawid
Ang lokasyon at ____________ ay nakaiimpluwensya sa paghubog at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa bawat lalawigan at rehiyon.
klima
heograpiya
kasuotan
kaugalian
Nakabatay din sa pisikal na kapaligiran ng mga lalawigan ang nagiging hanapbuhay ng mga taong naninirahan dito. Ang _____________ ay karaniwang hanapbuhay ng mga taong nakatira malapit sa mga anyong tubig gaya ng dagat.
pagsasaka
pangingisda
pagtitinda
pamumuhay
Ibinabagay din ng mga tao ang kanilang ____________ ayon
sa klima. Maninipis ang karaniwang isinusuot sa panahon ng tag-init at makakapal na damit naman kapag malamig ang panahon.
kaugalian
kabuhayan
pagkain
kasuotan
Iniaangkop ng mga tao ang kanilang pamumuhay
sa uri ng lugar na kanilang kinabibilangan.
tama
mali
Pag-aalaga ng mga hayop gaya ng manok, baboy, baka at itik ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taong naninirahan malapit sa mga anyong tubig gaya ng dagat.
tama
mali
Magkakaparahes ang pamumuhay ng lahat ng tao sa buong bansa.
tama
mali
Nagsusuot ng makakapal na damit ang mga tao na naninirahan sa malalamig na lugar na nasa itaas ng bundok.
tama
mali
May epekto sa paraan ng pamumuhay ng tao ang klima at lokasyon ng isang lugar.
tama
mali
