wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pang-abay at Pang-uri sa Paglalarawan

Total questions: 10

Worksheet time: 2mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa

pangngalan o panghalip. Maaari nitong ilarawan ang isang tao, bagay,hayop ,lugar o pangyayari.

a)

pang-uri

b)

pang-abay

c)

panghalip

d)

panggalan

2.

Ito ang mga pang-uring naglalarawan sa kulay,

hugis, laki, ugali, at iba pang katangian ng panggalan o panghalip.

a)

Pang-uring panlarawan

b)

Pang-uring pantangi

c)

Pang-uring pamilang

d)

Pang-uring pambalana

3.

Alin sa mga pangungusap ang nagtataglay ng panuring pantangi?

a)

Masayang pagdiriwang ang Higantes Festival

b)

Ang aking nanay ay mahilig sa mga halaman.

c)

Si Xydny ay nagpabili ng gulay sa palengke.

d)

Maraming sakit ang maari mong makuha kung ikaw ay laging nagpupuyat.

4.

Aling pangungusapa ang nagpapakita ng gamit ng pang-uring pamilang?

a)

Madalas mamasyal ang pamilya ni Kirsten sa Wawa.

b)

Kailangan matapos ni Lyam ang mga gawain sa loob ng isang linggo.

c)

Nalungkot ang guro dahil kakaunti lamang ang nagpasa ng mga performance tasks sa kanyang klase.

d)

Gabi na ng matapos ng gawaing bahay si Emie

5.

Ito ay bahagi ng pananalitang naglalarawan kung paano,

saan, at kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos o galaw na isinasaad

ng pandiwa. Ito ay mga salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, o sa

kapwa pang-abay.

a)

pang-abay

b)

panggalan

c)

pantangi

d)

panghalip

6.

Ito uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na “paano”

isinasagawa, isinagawa,o isasagawa ang isang kilos. Ginagamit itong

panuring sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

a)

pang-abay na pamaraan

b)

pang-abay na panlunan

c)

pang-abay na pamanahon

d)

pang-abay na pamatnugot

7.

Aling pangungusap ang nagpapakita ng gamit ng pang-abay na panlunan?

a)

Ang malapalasyong bahay ay itinayo sa gilid ng bundok.

b)

Si Jia ay taimtim na nanalangin para sa mga biktima ng Covid-19.

c)

Darating ang aking bisita sa Linggo ng umaga.

d)

Malakas humilik ang kuya ni Jaden.

8.

Punan ang patlang sa pangungusap ng tamang salita.

- Upang walang masayang, nagluluto lamang sila ng pagkaing ________ para

sa kanila.

a)

kulang

b)

sobra-sobra

c)

kapiraso

d)

sapat

9.

Punan ang patlang sa pangungusap ng tamang sagot.

-__________ nagtanim ng mga halamang bulaklakin si Jia Riz ___________.

a)

masiglang/kanina

b)

maaraw/kulang

c)

ubod/tatlo

d)

malakas/tumalon

10.

TAMA O MALI?

Ang pang-uri at pang-abay ay parehong mga salitang naglalarawan.Ang pang-uri ay naglalarawan sa mga pangngalan at panghalip samantalang ang pang-abay naman ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at isa pang pang-abay.

a)

TAMA

b)

MALI