wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Long Quiz in M.T.B 2

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga pangungusap na ito ang magalang na pananalita?

a)

Hoy! Umalis ka nga diyan .

b)

Tumabi ka nga diyan !

c)

Ayoko sa iyo kaya umalis ka na !

d)

Kumusta po kayo lola?

2.

Ano ang kahulugan ng abalang -abalang sa pangungusap na ito? "Ang bawat isa ay abalang -abala sa paghahanda sa pagdating ng bisita.

a)

maraming ginagawa

b)

mababa ang halaga

c)

nagkagulo

d)

mabilisan

3.

Ang mga salitang tumutukoy sa dami o bilang ay tinatawag na _________________

a)

Pang -abay na Pamaraan

b)

Pang -abay na Panlunan

c)

Pang- abay na Panggaano

d)

Pang - abay na Pamanahon

4.

Ito ay mas kilala sa tawag na diary .Dito isinusulat ang mga pangyayari sa araw -araw na buhay.

a)

Liham Pagbati

b)

Liham Paanyaya

c)

Liham Pangkaibigan

d)

Talaarawan

5.

Ang ________ _____________ ay isang sulat na naglalaman ng iyong mga gustong sabihin o ikuwento sa iyong kaibigan .

a)

Liham Pangkaibigan

b)

Liham Paanyaya

c)

Liham Pagbati

d)

Talaarawan

6.

Ano ang kahulugan ng huwaran sa pangungusap na " Si Robert ay isang hiwarang bata. Tumutulong siya sa paglilinis ng silid -aralan kahit hindi inuutusan .

a)

tahimik na tahimik

b)

mabilisan

c)

nag -ingay

d)

magandang halimbawa

7.

Ano ang pang -abay na pamaraan sa pangungusap na ito ? Nagdarasal ng taimtim ang mag -anak ni Mang Alberto

a)

Mang Alberto

b)

Nagdarasal

c)

taimtim

d)

mag- anak

8.

Ang ____________ ___________ ay nagsasaad ng imbitasyon para sa isang pagdiriwang.

a)

Talaarawan

b)

Liham na Paanyaya

c)

Liham na Pangkaibigan

d)

Liham Pagbati

9.

Sinusulat dito ang tirahan ng sumulat at kailan ito isinulat .Anong bahagi ito ng liham ?

a)

Pamuhatan

b)

Bating Panimula

c)

Lagda

d)

Katawan ng Liham

10.

Sinusulat dito ang mensahe na nais mong ibigay sa sinulatan .Anong bahagi ng liham ito?

a)

Lagda

b)

Bating Panimula

c)

Bating Pangwakas

d)

Katawan ng liham

11.

Ang _______ _________ ay isang paraan ng pagsasabi ng labis na kasiyahan sa tagumpay na nangyari sa isang tao.

a)

Talaarawan

b)

Liham Pagbati

c)

Liham Pangkaibigan

d)

Liham Paanyaya

12.

Ano ang kahulugan ng salitang dumalo sa pangungusap na ito? Kami ay dumalo sa handaan ng aming kaibigan .

a)

tumutukoy sa isang imbitasyon

b)

pumunta

c)

nagkagulo

d)

maraming ginagawa

13.

Sa bahaging ito sinusulat ang pangalan ng sumulat.

a)

Lagda

b)

Bating Pangwakas

c)

Bating Panimula

d)

Katawan ng Liham

14.

Dito sinusulat ang pangalan ng pinadalhan ng liham .Anong bahagi ng liham ito ?

a)

Bating Panimula

b)

Pamuhatan

c)

Bating Pangwakas

d)

Lagda

15.

Ano ang pang -abay na pamanahon sa pangungusap na ito? Nagluto ng masarap na puto at biko ang nanay kahapon.

a)

Nagluto

b)

masarap

c)

nanay

d)

Kahapon

16.

Sino ang may alagang hayop sa kwentong Mga alagang hayop ni Mang Erning ?

a)

Albert

b)

Mang Erning

c)

Roberto

d)

Julio

17.

Ano ang kahulugan ng maalab sa pangungusap na ito? Maalab ang pagmamahal ng mga Pilipino sa sariling bayan.

a)

matapat at taos pusong pagtanggap

b)

binibigkas o sinasabing mga salita

c)

maraming ginagawa

d)

paraan ng pakikipag -usap sa kapwa tao

18.

Ang ______________ ____ __________ ay nagsasabi kung saan ginanap ang kilos

a)

Pang abay na panlunan

b)

Pang abay na pamaraan

c)

Pang abay na pamanahon

d)

Pang abay na panggaano

19.

Sino ang batang maagang pumapasok sa paaralan sa kwentong Huwarang bata?

a)

Anton

b)

Mario

c)

Berto

d)

Romeo

20.

Ano ang pang abay na panlunan sa pangungusap na ito? Nakatira sa probinsiya ang magkapatid na sina Ana at Nena.

a)

Nakatira

b)

probinsiya

c)

magkapatid

d)

Ana at Nena