Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Uri ng pangungusap

Total questions: 15

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang coconut shampoo ay nakapagpapadulas ng buhok. Anong uri ito ng pangungusap?

a)

pautos

b)

padamdam

c)

pasalaysay

d)

patanong

2.

Mag-ingat! Ang dengue ay nakamamatay! Kaya bumili na kayo ng kulambo. Anong uri ng pangungusap ang may salungguhit?

a)

pautos

b)

padamdam

c)

pasalaysay

d)

patanong

3.

Kung maaari kunin mo sa mesa ang masarap na chocolate biscuit. Anong uri ito ng pangungusap?

a)

pakiusap

b)

padamdam

c)

pasalaysay

d)

patanong

4.

Ano ang aking iinumin sa sakit ng ulo? Anong uri ito ng pangungusap?

a)

pakiusap

b)

padamdam

c)

pasalaysay

d)

patanong

5.

Alin sa sumusunod ang pangungusap?

a)

ang aso

b)

sobrang sakit

c)

matalinong-matalino

d)

Siya ang kumain ng tinapay.

6.

Ito ay lipon ng mga salita na nagsasaad ng isang buong diwa?

a)

pangungusap

b)

simuno

c)

parirala

d)

pandiwa

7.

Ito ay uri ng pangungusap na kung saan ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin?

a)

padamdam

b)

patanong

c)

pautos

d)

pasalaysay

8.

Ito ay uri ng pangungusap na nagsasalaysay ng mga pangyayaring nasaksihan o nalaman

a)

padamdam

b)

patanong

c)

pautos

d)

pasalaysay

9.

Ang pangungusap na padamdam ay nagtatapos sa anong uri ng bantas?

a)

tandang pananong

b)

tuldok

c)

tandang padamdam

d)

panipi

10.

Kumain ka ba ng masarap na tsokolate? Anong uri ng pangungusap ang may salungguhit?

a)

pautos

b)

paturol

c)

padamdam

d)

patanong

11.

Ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon ay isang paraan upang makaiwas sa CoViD-19. Anong uri ng pangungusap ang may salungguhit?

a)

pautos

b)

pasalaysay

c)

padamdam

d)

patanong

12.

Magsuot ka ng facemask kung ikaw ay lalabas. Anong uri ng pangungusap ang may salungguhit?

a)

pautos

b)

pasalaysay

c)

padamdam

d)

patanong

13.

Alin sa sumusunod ang pangungusap na nagtatanong?

a)

Huwag mong kunin yan!

b)

Sino ang kumuha ng softdrinks ko?

c)

Pakikuha mo iyong laptop ko na nasa kuwarto.

d)

Ang bagyong Ulysses ay nag-iwan ng malaking pinsala sa bansa.

14.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang nakikiusap?

a)

Saan ka nakatira?

b)

Aray! Ang sakit ng tiyan ko!

c)

Pakiwalis mo nga ang kalat sa sala

d)

Masarap uminom ng mainit na kape tuwing umaga.

15.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagsasalaysay?

a)

Kailan ka ipinanganak?

b)

Masipag ang aming guro sa Filipino.

c)

Yehey! Nanalo kami sa patimpalak!

d)

Sagutan mo ang mga tanong sa iyong pagsusulit.