NEW
Font size
WorksheetsPAUNANG PAGTATAYA- PANGKALAHATAN SANGGUNIAN
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Piliin ang kahulugan ng bawat sanggunian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Aklat na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa isang taon na kinasusulatan ng mga oras sa iba’t-ibang mga pangyayari at katotohanan.
A. almanak
B. yearbook
C. magasin
D. pahayagan
2. Ito ay aklat ng kalipunan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa iba’t-ibang paksa.
A. ensayklopidya
B. diksyunaryo
C. tesawro
D. atlas
3. Nagsasaad ng lawak, distansya at lokasyon, anyong tubig at anyong lupa ng mga lugar.
A. pahayagan
B. yearbook
C. globo
D. mapa
4. Ang aklat na nagsasaad ng pagbabaybay, pagbigkas, pagpapantig at bahagi ng pananalita na kinabibilangan ng salita.
A. atlas
B. almanak
C. diksyunaryo
D. ensayklopidya
5. Isang uri ng babasahin n kung saan dito matatagpuan ang mga bagay na nangyayari sa labas at loob ng bansa araw-araw.
A. pahayagan
B. magasin
C. yearbook
D. diksyunaryo
6. Ito ay naglalarawan ng iba’t-ibang lugar kasama ang kapaligiran tulad ng lupa at dagat.
A. pahayagan
B. tesawro
C. atlas
D. diksyunaryo
7. Ito ay isang uri ng babasahin na kung saan dito matatagpuan ang mga bagay na nangyayari sa labas at loob ng bansa araw-araw.
A. mapa
B. pahayagan
C. tesawro
D. ensayklopidya
8. Isang modelo ng daigdig na nagpapakita ng eksaktong posisyon ng daigdig na nakahilig sa aksis nito.
A. globo
B. mapa
C. yearbook
D. magasin
9. Aklat na naglalaman ng koleksyon ng mga katagang magka-kasingkahulugan ngunit hindi naglalaman ng kahulugan ang mga kataga rito.
A. magasin
B. pahayagan
C. tesawro
D. ensayklopidya
10. Isang peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kwento, larawan, anunsyo at iba pa.
A. atlas
B. diksyunaryo
C. yearbook
D. magasin
