Font size
WorksheetsFil9Q4: Kaligiran ng Noli Me Tangere
Total questions: 12
Worksheet time: 6mins
Ang Noli Me Tangere ay pahayag na Latin na ang katumbas sa wikang Ingles ay _______.
Touch Me Not
Don't Touch Me
The Reign of The Greed
The Social Cancer
Isa sa mga aklat na nagsilbing inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli ay ang The Wandering Jew. Ito ay tungkol sa _______.
Pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga Negro.
Tungkol sa lalaking kumutya kay Jesus habang patungo sa Golgota.
Tungkol sa babaeng sinabihan ni Jesus na huwag siyang salingin.
Tungkol ito sa batang gamo-gamo na di sumusunod sa kanyang ina.
Isa pa sa mga aklat na nagsilbing inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli ay ang Uncle Tom's Cabin na patungkol naman sa _______.
Pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga Negro.
Tungkol sa lalaking kumutya kay Jesus habang patungo sa Golgota.
Tungkol sa babaeng sinabihan ni Jesus na huwag siyang salingin.
Tungkol ito sa batang gamo-gamo na di sumusunod sa kanyang ina.
Ang pinaghandugan ni Rizal ng kanyang nobelang Noli Me Tangere ay ang _______.
Gomburza
Inang Bayan
mamamayan
simbahan
Mga patunay na hindi naging madali kay Jose Rizal ang pagsulat ng kanyang aklat, maliban sa _______.
naranasan niya ang pagkagutom at pagkakasakit
halos sumuko na siya at gustong sunugin na lamang ito
labis na pagtitipid at pangungutang sa mga kaibigan
naranasan niyang huminto sa pag-aaral
Layunin ni Jose Rizal sa pagsulat ng kanyang aklat, maliban sa _______.
Maisakatuparan ang mithiin na magamit ang edukasyon sa pagkakamit ng kalayaan.
Mahubog ang mga kabataang Pilipino na magiging lider sa susunod na panahon.
Maipakilala ang kanyang kabayanihan at katalinuhan sa tao.
Upang mabuksan ang mga mata ng tao sa kanser ng ating lipunan.
Paano naging mabisa ang Noli Me Tangere sa mambabasa?
Iminulat niya ang kamalayang panlipunan ng mga tao.
Nagkaroon tayo ng kaalaman sa kasaysayan
Tinuruan niya ang tao na maghimagsik.
Ipinakita niya ang kanyang kagalingan sa pagsulat.
Mga patunay na patuloy pa ring umiiral sa kasalukuyan ang mga kondisyong naganap sa panahon ng mga kastila, maliban sa _______.
Patuloy na paglaganap ng krimen sa ating bansa.
Marami pa ring mga Pilipino ang naaabuso ang kanilang karapatang pantao.
Nakararanas pa rin tayo ng matinding kahirapan.
Naiuugnay na ng mga kabataan ang kanilang mga karanasan sa bayan.
Piliin ang 4 na batayan ni Rizal sa pagsulat ng Noli.
Ang pagbagsak ng Espanya bilang mga mananakop na
nakaranas ng pagkalugi sa “Galleon Trade.
Nasaksihang pang-aabuso ng mga prayle.
Pagsibol ng kaalamang kaugnay sa prinsipyo ng kalayaan.
Ang impluwensiya ng pangkabataang karanasang nakapaloob sa mga isinulat na akda.
Impluwensiya ng mga kaibigang Pilipino sa Europa.
Piliin ang mga pahayag na totoo tungkol sa Noli Me Tangere.
Isinulat ni Rizal sa edad na 24, at siya mismo ang nagdisenyo ng orihinal na pabalat nito.
Hango ang pamagat mula sa Ebanghelyo ni San Juan ng Bagong Tipan
Ang Noli ay pahayag sa latin na ang ibig sabihin ay "Huwag mo akong salingin."
Natapos ang kabuoan ng nobela noong Pebrero 21, 1887 sa Alemanya.
Naging madali kay Rizal ang pagsulat nito dahil sa kanyang mga karanasan.
Piliin ang mga aklat na nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere
The Wandering Jew
Uncle Tom's Cabin
Ang Bibliya
Florante at Laura
Ibong Adarna
Naipalimbag ang 2000 kopya ng Noli Me Tangere sa Imprenta Lette sa Berlin sa tulong ni _______ .
Maximo Viola
Valentin Ventura
Eduardo de Lette
Ferdinand Blumentritt
