WorksheetsSanayin Natin
Total questions: 5
Worksheet time: 4mins
Sa paanong paraan mo maipapakita ang suporta upang mapanatili
ang kalinisan at kaayusan sa inyong pamayanan?
Magtatago lang ako sa loob ng aming bahay.
Papanoorin ko lang ang mga ginagawa ng aking mga kalaro na
pagtatapon ng basura sa kanal
Hindi ako susunod sa mga alituntunin ng aming pamayanan.
Itatapon ko ang aming basura sa tamang lalagyan nito.
Alin sa pahayag ang nagpapakita ng pagkakaisa sa gawaing
pampamayanan?
Paglilinis ng sariling paligid sa iyong bahay
Pakikipag-usap sa iyong mga kaibigan
Pagtulong sa pagkabit ng mga bandiritas para sa darating na Araw ng Barangay
Manood sa mga kapitbahay na naglilinis ng kanal
Paano ka makatutulong sa mabilisang pagtatapos ng isang proyekto
sa inyong pamayanan?
Makiisa at makilahok sa mga proyektong sa inyong pamayanan.
Gawin lang ang gawain na para lamang sa inyong pamilya
Hindi sasali sa mga proyekto inilalaan sa pamayanan
Magbigay ng sariling mungkahi at iyon ang dapat sundin
May ginagawang paligsahan ng laro sa inyong pamayanan para sa mga
batang katulad mo. Ano ang gagawin mo?
Hindi makikilahok sa paligsahan ng laro
Sasali ako at ibubuhos ko ang lahat ng aking makakaya
Manonood na lang ako sa sulok sa gawing palaro
Hihikayatin ko ang aking mga kaibigan na huwag din makilahok sa
laro.
Nagwawalis ka ng bakuran ng biglang nagyaya na maglaro ang iyong
mga kaibigan. Ano ang gagawin mo?
Makikipaglaro ako kaagad at iiwan ko ang aking ginagawa
Magpapaalam ako kay inay na makikipaglaro ako sa kanila
Hindi ko papansinin ang aking mga kaibigan
Tatapunan ko sila ng mga basura na aking nililinis
