NEW
Font size
WorksheetsPAG-USBONG NG KAMALAYANG FILIPINO SA SEKULARISASYON
Total questions: 10
Worksheet time: 9mins
Ang mga paring Kastila ay kabilang sa mga ordeng panrelihiyon o mga paring Regular samantalang ang mga paring Pilipino naman ay tinaguriang mga paring _____________.
Katutubo
Prayle
Regular
Sekular
Ano ang layunin ng Sekularisasyon ng mga Parokya?
Pag-aalis ng karapatan sa mga Pilipino na maging pari.
Mga paring Kastila lamang ang maaaring mamuno sa mga Parokya.
Mga paring Pilipino lamang ang may tungkulin sa mga Parokya.
Pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga paring Pilipino at Kastila.
Sino sa mga paring ito ang namuno sa Sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas?
Antonio Tagle
Pedro Pelaez
Rafael Izquierdo
Meliton Martinez
Dahil sa kalupitang ipinakita ng gobernador-heneral na ito, nagkaisa ang mga Pilipino na mag-alsa sa Cavite noong Enero 20, 1872?
Carlos Maria de la Torre
Ruy Lopez de Villalobos
Miguel Lopez de Legazpi
Rafael Izquierdo
Ano ang naging bunga ng pagkakahuli sa mga nag-alsa sa Cavite?
Paggarote kina GOMBURZA
Pagbaril kay Dr. Jose Rizal
Pagpatay kay Andres Bonifacio
Pagkakadiskubre sa Katipunan
Bakit ikinatakot ng mga paring Regular ang itinatadhana ng Konseho ng Trent?
Dahil inalisan sila ng karapatan na mamuno sa mga misa.
Dahil pinauwi na sila lahat sa Espanya.
Dahil sila ang namuno sa mga misyon.
Dahil pinahintulutan ang mga paring Pilipino na mamahala sa mga parokya sa bansa.
Ano ang mabuting naidulot ng sekularisasyon sa mga Parokya?
Nagkawatak-watak ang mga Pilipino.
Nakipagkasundo ang maraming Pilipino sa mga Espanyol.
Nakipagtulungan ang mga mamamayan sa mga paring Pilipino .
Lumakas ang tiwala ang mga mamamayan sa pamahalaan.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan ng pag-aalsa sa Cavite?
Mahigpit na pamamalakad ng mga Espanyol.
Paghahadlang sa sekularisasyon ng mga parokya.
Paglimita sa pamamahayag ng mga Pilipino.
Pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga Pilipino.
Alin sa mga sumusunod ang ginawang dahilan ng mga Espanyol sa paghatol ng kamatayan kina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora?
Ninais ng mga Pilipino na manatili sa kapangyarihan ng Espanya.
Ibig ng mga Pilipino na pabagsakin ang kapangyarihan ng Espanya.
Nakipagsabwatan ang mga Pilipino sa mga dayuhan.
Inamin ng mga Pilipino na ayaw na nila ng relihiyon.
Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagnanais na magkaroon ng pantay na karapatan sa mga Espanyol?
Pagtataksil sa kapuwa Pilipino
Pakikipagtulungan sa mga Pilipinong pari
Patuloy na pagbabayad ng buwis
Patuloy na pagtupad sa Polo Y Servicio
