NEW
Font size
WorksheetsQ4 WEEK 2 - 3 - AP6 (EDSA People Power 1)
Total questions: 10
Worksheet time: 7mins
1. Ang mga sumusunod ay naging dahilan ng pagdedeklara ni Pangulong Marcos ng Batas Militar sa bansa, maliban sa isa.
Pagsulpot at pagdami ng mga makakaliwang pangkat.
Malawakang pagwewelga o demonstrasyon.
Kaguluhan at kawalan ng katiwasayan.
Pagkakaisa ng mamamayan.
2. Ang mga sumusunod ay naging masamang epekto ng pagdedeklara ng Batas Militar sa bansa sa panahon ni Pangulong Marcos, maliban sa isa.
Pangaabuso ng militar na kapangyarihan.
Pagkakaroon ng disiplina ng mamamayan.
Nasiiil ang karapatang pantao ng taong bayan.
Kawalan ng karapatang magpahayag na may kinalaman sa pamahalaan.
3. Ang People Power Revolution 1 o Himagsikan ng Lakas ng Bayan ay tinatawag ding ano?
Rebolusyon sa EDSA 1986
Labanan sa EDSA
Rebolusyon ng Bayan
Laban ng mga Pilipino
4. Ang mga sumusunod ay ang naging daan sa pagsulong ng People Power Revolution o EDSA Revolution 1986 maliban sa isa.
Pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino.
Dayaan sa SNAP Election at kawalan ng mga karapatang pantao.
Pagkamatay ng Senador Benigno Simeon "Ninoy" Aquino Jr.,
Malaking pagtitiwala sa pamumuno ni Pangulong Marcos.
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoong impormasyon tungkol sa People Power Revolution 1 o EDSA Revolution 1986?
Naganap mula Pebrero 22 - 25, 1986 na naganap sa kahabaan ng EDSA.
Mapayapang demonstrasyon na nilahukan ng maraming mamayang Pilipino.
Maraming mamamayan ang nagbuwis ng buhay dahil sa madugong labanan.
Naging daan sa pagbagsak ng diktatoryal na pamumuno ni Pangulong Marcos.
6. Kasalukuyang tawag sa Manila International Airport?
Philippine International Airport
Ninoy Aquino International Airport
Pilipinas International Airport
Noynoy Aquino International Airport
7. Nagkaroon ang dayaan sa SNAP Election 1986 batay sa datos ng NAMFREL, bunga ng mga pangyayaring ito ay ang sumusunod maliban sa isa.
Panawagan ni Cory Aquino sa mamayan ng Civil Disobedience at pagboycot sa mga produkto ng mga cronies ni Marcos.
Pagamin ng ilan miyembro ng COMELEC ang dayaan sa nasabing halalan.
Higit na pagkawala ng tiwala ng taong bayan kay Pangulong Marcos.
Pagkabalik ng tiwala ng taong bayan kay Pangulong Marcos at sa pamahalaan.
8. Sila ay nagpatawag ng Press Conference Kampo Crame upang ipahayg ang pagtiwalag sa administrayong Marcos.
Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos
John Ponce Enrile at Ferdinand V. Ramos
Favian Ver at Corazon Aquino
Favian Ver at Fidel V. Ramos
9. Ang mga sumusunod ay ang mga ginawa ng taong bayan sa pagpunta sa maksaysayang People Power Revolution o EDSA REvolution 1986 maliban sa isa.
Madugong Pakikipagdigmaan sa mga militar.
Pagdarasal ng rosaryo.
Pagawit ng Awiting Bayan.
Pagkakapit bisig upang maging human baracade sa mga tangke ng militar.
10. Ang mga sumusunod ay aral ng People Power I o EDSA Revolution 1986 maliban sa isa.
Kung may pagkakaisa ang bawat Pilipino makakamit natin ang tagumpay.
Ang pagmamahal sa bayan, sa Diyos, kapaligiran ay magiging daan sa pagunlad ngbansa.
Ito ay magsisilbing simula ng magandang pagbabago sa bansa.
Lahat ng bagay ay madaan sa marahas at madugong pamamaraan.
