Font size
WorksheetsMTB III Quarter IV Week 2 Paggawa ng Balangkas
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Mahalaga ang paghuhugas ng kamay lalo na sa panahon ngayon ng pandemya. Maiiwasan ang pagkalat ng mikrobyo at paghahawahan ng sakit na CoViD-19. Nakatutulong ka pa sa iba upang hindi magkasakit, dahil sa paghahawak ng mga bagay. Napupuksa ang mikrobyo sa ganitong paraan. Gumamit ng sabon at malinis na tubig. Kailangang kumanta ng “Happy Birthday” nang dalawang ulit habang nagsasabon para masigurong malinis ang paggawa nito. At patuyuin ng malinis na tuwalya.
Tungkol saan ang teksto?
Kahalagahan ng paghuhugas ng kamay
Kahalagahan ng paghuhugas ng tubig
Kahalagahan ng paghuhugas ng malinis na tuwalya
Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay ayon sa binasa?
Magkakasakit
Maiiwasan ang sakit
Matututong maging malinis
Alin pa sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay ayon sa binasa?
Pumili ng dalawa.
Maiiwasan ang pagkalat ng mikrobyo at paghahawahan ng sakit na CoViD-19
Maipapakita ang pagiging aktibo sa mga gawain.
Nakatutulong sa iba upang hindi magkasakit, dahil sa paghahawak ng mga bagay.
Nakakatulong upang maiwasan ang pagkalat ng iba pang sakit tulad ng dengue.
Paraan sa paghuhugas ng kamay ayon sa tekstoong nabasa
Buksan ang gripo ng katamtaman upang may lumabas na tubig.
Magsabon ng kamay at banlawan kaagad
Kailangang kumanta ng “Happy Birthday” nang dalawang ulit
Patuyuin ng malinis na tuwalya
Ano ang pangunahing paksa ng tekstong binasa?
(a)
Sa panahon ngayon, nararapat lamang na magpatupad ang
mga kinauukulan ng mahigpit na pagpapairal ng panglahatang
curfew mula ika – sampu ng gabi hanggang ika – lima ng umaga
upang makontrol ang pagkalat ng CoViD - 19. Pag-iwas lumabas
ng bahay at mga kailangan lamang ang papayagang lumabas.
Pagsusuot ng face mask at face shield. Sa ganitong gawain
maiiwasan ang pagkalat ng bagong uri ng sakit nito.
Mababawasan ang gastusin kung sakaling magkasakit. At higit sa
lahat makababalik na tayo sa normal na mga gawain.
Ang pangunahing paksa ay_________________?
Pagpapatupad ng batas tungkol sa pagkontrol ng pagkalat ng CoViD -19.
Pangkalahatang Curfew
Mababawasan ang gastusin kung magkasakit
Alin sa mga sumusunod ang isa sa paraan ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng COVID19?
Nagpatupad ng curfew
Paghuli sa mga lumalabas ng bahay
Pagbibigay multa sa mga lalabag sa batas
Ano ang curfew?
Bawal lumabas ng bahay
Pagbibigay ng takdang oras na nasa labas ng bahay
Paghuli sa mga lumalabas ng bahay
Kabutihang dulot ng pagsunod sa batas sa panahon ng pandemya AYON SA TEKSTONG BINASA
Maiiwasan ang pagkalat ng sakit na CoViD -19
Makababalik na tayo sa normal
Makaliligo na ang lahat sa dagat o ilog
Maaari ng magdaos ng selebrasyon at magvideoke
Tungkol saan ang huling tekstong binasa?
