NEW
Font size
WorksheetsQUIZ REVIEWER
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
1. Ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo ay isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng ekonomiya. Anong tawag sa kalagayan na patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa pamilihan.
Hyperinflation
Deflation
Implasyon
Price Index
2. Isang mekanismo ng panukat na ginagamit para mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at masukat ang totoong GNP.
GNP Deflator
Product Price Index
Consumer Price Index
Deflation
3. Sumusukat sa average na pagbabago ng mga produktong karaniwang kinokonsumo ng pamilyang
Pilipino na nasa loob ng market basket.
GNP Deflator
Product Price Index
Consumer Price Index
Deflation
4. Anong uri ng implasyon ang nagaganap kapag nagkakaroon ng paglaki sa paggasta ang sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor ngunit ang pagtaas ng aggregate demand ay hindi katumbas ng paglaki ng kabuuang produksyon.
Demand Push
Demand Pull
Cost Push
Cost Pull
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng bunga ng implasyon?
Pagtaas ng suplay ng salapi
Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
Pagtaas ng demand o paggasta kaya mahahatak ang presyo paitaas
Monopolyo o Kartel
6. Sino sa mga sumusunod ang pangunahing apektado kapag may implasyon?
Mga taong may tiyak na kita
Mga taong nagpapautang
Mga taong nag-iimpok
Lahat ng nabanggit
7. Ang mga sumusunod ay ang pangunahing nakikinabang kapag may implasyon. Alin lamang ang HINDI?
Mga umuutang
Mga taong nagpapautang
Mga speculator at mga negosyanteng may malakas ang loob na mamuhunan
Mga negosyante/ may-ari ng kompanya
8. Nagaganap kapag mas mataas ang demand ng mga produkto at serbisyo kaysa sa supply ng nasa pamilihan.
Demand Pull Inflation
Cost Push Inflation
Hyperinflation
Deflation
9. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa paglaban sa implasyon?
Bilhin lahat nang gusto sa mall
Tumulong sa mga gawaing bahay
Mag-attend palagi nang online class
Magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente
10. Paraan ng Bangko Sentral sa pag-aayos ng suplay ng salapi
Reserve Requirements
Contractionary Money Policy
Tight Money Policy
Easy Money Policy
11. Ito ay pag-aangkat, pagbili ng produkto, materyales o serbisyo ng ibang bansa papunta sa sariling bansa.
Import
Export
Deficit
Cartel
12. Ito ang pagluluwas ng mga produkto palabas ng bansa.
Import
Export
Deficit
Cartel
11. Tumutukoy sa kilos at pag-uugali ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis upang mabago ang galaw ng Ekonomiya.
Expansionary Fiscal Policy
Patakarang Piskal
Contractionary Fiscal Policy
Tight Money Policy
14. Ginagamit ito kapag ang overheated ang ekonomiya bunga ng sobra sobrang supply ng pamilihan na bunga ng mataas na paggastos ng sambahayan na nagreresulta sa hyperinflation.
Expansionary Fiscal Policy
Patakarang Piskal
Contractionary Fiscal Policy
Tight Money Policy
15. Isang plano kung paano tutugunan ng pamahalaan ang mga gastusin nito. Kilala rin ito sa tawag na General Appropriations Act
Expansionary Fiscal Policy
Patakarang Piskal
Contractionary Fiscal Policy
Pambansang Badget
