Font size
WorksheetsQ3-Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa ESP 5
Total questions: 25
Worksheet time: 19mins
Bilang isang kabataan, ano ang maitutulong mo upang maging malinis ang ating kapaligiran?
A. Walang gagawin
B. Bata pa ako para tumulong
C. Itapon ang mga basura sa tamang tapunan
D. Ikalat lang kung saan-saan ang mga balat ng pinagkainan
Buuin ang kasabihan. Ang Taong Malinis ay Malayo sa __________.
A. Kaaway
B. Kapahamakan
C. Sakit
D. Diyos
Ano ang dapat taglayin ng bawat isa upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran?
A. Katapangan
B. Katalinuhan
C. Disiplina
D. Palakaibigan
Narinig mong nangangailangan ang iyong tiyuhin na maraming magagawang papel at ang solusyon ay magpuputol ng maraming puno ang iyong ama. Ano ang gagawin mo?
A. Ikakampanya ko ang pagtitipid ng papel sa aking mga kaklase upang mabawasan ang konsumo nito
B. Magputol ng malalaking puno, may natitira pa namang maliliit
C. Hayaan lang ang nakagawiang pagsasayang ng papel
D. Marami namang puno, di naman mauubos agad
Namamasyal kayo sa tabi ng ilog ng may makita kang bata na walang pakundangan sa pagtatapon ng basura sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
A. Lalayo na lang ako sa kaniya
B. Gawin ko rin ang ginagawa niya
C. Hayaan ko lang siya sa kanyang ginawa
D. Pagsasabihan ko siya na nakakadumi sa ilog ang tinatapon niya.
Nakita mo ang iyong nakakabatang kapatid na nagsisipilyo na bukas ang gripo ng tubig. Ano ang gagawin mo?
A. Papaluin ko siya
B. Pabayaan ko na lang baka umiyak kasi siya
C. Di naman mauubos agad ang tubig, kaya hahayaan ko lang
D. Pagsasabihan ko na dapat gumamit siya ng baso para di masayang ang tubig
Upang makalanghap tayo ng sariwang hangin, ano ang ating dapat gawin?
A. Magsunog ng mga goma at plastic
B. Magtanim ng mga halaman at puno
C. Magtambak ng basura sa bakanteng lote
D. Hahayaan lang ang mga sasakyang bumubuga ng maitim na usok
Nang yayain mo ang kapatid mong maglinis ay sinagot kang “Hindi ako boy scout. Ang paglilinis ay ginagawa
lamang ng boy scout”. Ano ang gagawin mo?
A. Ako na lang ang maglilinis
B. Hayaan ko siya yun ang gusto niya
C. Sampalin ko siya upang matauhan siya sa sinabi niya
D. Ipauunawa ko sa kaniya na ang bawat isa ay may tungkulin na maglinis
Nakita mo ang iyong kaklase na nagtapon ng mga gamit na face mask sa parke kahit may nakasulat sa karatula na “BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO”. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipahuhuli ko siya sa pulis
B. Magkunwaring di siya kakilala
C. Ipagsasabi ko ang kaniyang ginawa
D. Sabihin na bawal ang magtapon ng basura baka siya ay maparusahan at di tama ang kaniyang ginawa
Bakit dapat na maging vigilant tayo sa mga illegal na gawain sa ating kapaligiran?
A. Para meron tayong ipopost sa social media at papasikatin at pagkakaguluhan
B. Dahil iyon ang tamang gawin upang maprotektahan natin ang ating kalikasan mula sa mga mapagsamantala
C. Di naman kailangan dahil bata pa ako at hindi naman makikinig ang mga matatanda sa aking sasabihin.
D. Tsaka nalang ako makikialam kapag malaki na ako
Si Andrea ay mahilig mag-alaga ng mga halaman. Palagi niyang dinidiligan ang kaniyang mga tanim sa kanilang
bakuran. Ano ang pinapahalagahan ni Andrea?
A. Kapayapaan
B. Kaligtasan
C. Kalusugan
D. Kalikasan
Palaging pinaaalahanan ni Toni ang kaniyang tatay na itigil na ang paninigarilyo sapagkat maaari itong makaapekto sa kanyang baga o lungs. Ano ang pinahahalagahan ni Toni?
A. Kapayapaan
B. Kaligtasan
C. Kalusugan
D. Kalikasan
Mahilig lumahok si Cassy sa mga “Tree Planting Program” ng kanilang samahan. Dahil sa paglahok ni Cassy sa nasabing programa, ipinapakita niya lamang na siya ay may pagpapahalaga sa _______________.
A. Kalinisan
B. Kaligtasan
C. Kapayapaan
D. Kalikasan
Nagsagawa ng isang Clean-Up Drive ang barangay nina Ethel. Bilang mamamayan ng kanilang barangay, maaga siyang gumising upang paghandaan ang pakikilahok dito. Ano ang pinahahalagahan ni Ethel?
A. Kalinisan
B. Kaligtasan
C. Kalusugan
D. Kapayapaan
Matiyagang nagbabantay at nagroronda gabi-gabi ang mga Barangay Tanod sa lugar nina Danny. Ano ang pinahahalagahan nila?
A. Kalinisan sa Barangay
B. Kaligtasan sa Barangay
C. Kalusugan sa Barangay
D. Kaguluhan sa Barangay
Lubos na mahalaga ang pakikiisa sa mga programa ng ating pamahalaan.
Tama
Mali
Maituturing na paggalang sa opinyon ng iba ang pagsang-ayon sa kagustuhan ng nakararami.
Tama
Mali
Ang paglahok sa mga proyekto ng pamahalaan ay tanda ng pakikiisa
Tama
Mali
Huwag nating igalang ang opinyon ng iba kahit salungat ito sa iyong paniniwala.
Tama
Mali
Ang katiwasayan at kapayapaan ng isang bansa ay nakasalalay sa mga mamamayan.
Tama
Mali
Ang batas ay mga kautusang ginawa para magkagulo ang mga tao.
Tama
Mali
Ang Filipino hospitality ay pagtanggap nang buong katapatan at kasiyahan sa lahat ng dayuhan.
Tama
Mali
Hindi ko pinakikitunguhan nang maayos ang sinumang dayuhan na bumubisita sa amin.
Tama
Mali
Ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa isang bansa ay mahalaga tungo sa kaunlaran.
Tama
Mali
Hindi kailangan ang pagtutulungan upang magkaroon ng pandaigdigang pagkakaisa.
Tama
Mali
