NEW
Font size
WorksheetsTAYAHIN-AGRIKULTURA
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang gulaman ay isang produktong ginagamitan ng mga damong dagat sa paggawa nito, aling subsektor ng agrikultura ito napapabilang?
A. Paghahalaman
B. Pangingisda
C. Paghahayupan
C. Paghahayupan
Aling subsektor ng agrikultura napapabilang ang paghahango ng mga pulot-pukyutan o honey?
A. Paghahalaman
B. Pangingisda
C. Paghahayupan
D. Paggugubat
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dapat gawin para mas mapaunlad pa ang sektor ng agrikultura?
A. Bigyan ng maraming kalabaw ang mga magsasaka at mga fertilizers para sa kanilang mga pananim para umunlad ang mga magsasaka ditto sa ating bansa.
B. Bigyan ng mas malaking pondo ng gobyerno ang sektor ng agrikultura para mabago at mas mapabilis ang sistema at pamamaraan na ginagamit ng mga taong kabilang sa sektor na ito.
C. Pagtuunan dapat ng pansin ang mga magsasaka kaysa sa mga mangingisda dahil mas mahalaga ang bigas kaysa sa ulam.
D. Pabayaan na lamang ang sektor ng agrikultura sa bansa total pwede naman tayong umangkat ng mga pagkain at hilaw na materyales sa ibang bansa.
Ito ay ang pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan.
A. Aquaculture
B. Pangisdaang municipal
C. Pangisdaang komersiyal
D. paghahayupan
Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa sektor na ito upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksyon. Alin ang tinutukoy dito?
A. Impormal na Sektor
B. Sektor ng Palilingkod
C. Sektor ng Industriya
D. Sektor ng Agrikultura
Anong subsektor ng agrikultura napabilang ang pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, manok at iba pa?
A. Pangingisda
B. Paghahayupan
C. Paggugubat
D. Paghahalaman
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasali sa mga subsektor ng agrikultura?
A. Pagmimina
B. Paghahayupan
C. Paggugubat
D. Paghahalaman
Bakit mahalaga ang sektor ng agrikultura?
A. Dahil dito dumarami ang suplay ng bigas at iba pang pagkain na kailangan ng mga tao.
B. Dahil dito nakabayad ang Pilipinas sa utang sa ibang bansa dahil sa pagbebenta ng mga pananim at mga lupain
C. Dahil dito lumaki ang antas ng export ng mga pagkain galling Pilipinas patungo sa ibang bansa.
D. Dahil dito natugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.
Ano ang tungkulin ng sektor ng agrikultura?
A. Sinusuplayan nito ng pagkain at mga hilaw na sangkap ang mga industriya
B. Namamahala ang sektor na ito sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay magiging isang produkto.
C. Ito ang sektor na lumilikha ng serbisyo para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Nangangalaga ito ng pagpapalitan ng mga kalakal at serbisyo sa loob at labas ng bansa.
Alin ang HINDI kabilang sa sektor ng agrikultura?
A. Pagsasaka
B. Pagtitinda
C. Paghahayupan
D. Pangingisda
